kami palagi ang may kasalanan

Occurred: May 21, 2008
Written: July 29, 2012

Miyerkules ng gabi. Ayala Avenue. Malakas ang ulan. Sa Ayala office pa ako pumapasok noon. Pauwi ako at sumakay sa bus. As usual, napakatraffic at bibihira ang bus. Pagdating ng bus, agad akong sumakay at naupo sa bandang dulo. Di nagtagal marami pang sumakay. May dalawang babaeng sumakay. Dahil siksikan nga ay nagkahiwalay sila. Tumabi sa akin ang isang babae. Nasa pantatluhan akong upuan. Ang ginawa ko, umusog ako sa dulo (aisle) para makaupo siya sa gitna.

Late 30’s na yung babae. May asawa at nanay na pero isa lang ang napansin ko. Malakas ang dating ng babae. Sabi nga ng iba, hot mama. Malaki pa ang boobs. Nagmumura talaga. So ayun nga, naupo sya sa tabi ko.

Lahat ng nagtatrabaho sa Ayala ay aayon sa akin na grabe ang traffic sa Ayala/Buendia lalo na pag malakas ang ulan. Binabaha kasi sa Buendia (sa may Dian St.) kaya usad pagong ang lahat ng sasakyan. Siksikan kaya mainit kahit aircon ang bus. Gustuhin ko mang umidlip, di ko magawa dahil ang ingay ng cellphone ni hotmama. Mangyari’y nakuha niya ang aking atensiyon kung kaya sinilip ko na lang ang kanyang ginagawa.

May katext siya. At higit sa isa. Nagtataype pa lang kasi siya, tumutunog na uli ang cell niya. Inayos ko sa ibaba ang mga sagutan ni hotmama sa kanyang mga textmates para mas madaling maintindihan. Una niyang katext ang asawa niya kasi “husbandko” ang nakalagay sa cell.

husbandko: anlakas ng ulan. pauwi ka na? gusto mo bang sunduin kita?
hot mama: nakasakay na ako sa bus dad.
husbandko: ok. ingat ka jan.
hot mama: bumili pala ako ng limang mamon sa goldilocks para sa inyo ng mga bata.

Wow! Ang sweet ni daddy pero mas malambing si mommy. Biglang napawi ang ngiti ko nung tumunog na naman ang cell niya. Mel pangalan nung nagtext pero “hon” ang tawagan nila.

mel: Malakas ba ang ulan jan? Malakas kasi ang ulan dito sa Isabela.
hot mama: uu hon. Anlakas ng ulan. Natraffic nga ako dito sa bus.
mel: ganun ba? ingat ka jan. miss na kita.
hot mama: miss na din kita eh.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa nabasa ko. But wait, there’s more! Tumunog na naman ang cell niya. Aaron naman ang pangalan sa cell. Bilib ako kasi hindi siya nagkakamali ng message sa bawat isa.

aaron: kelan tayo magme-meet?
hot mama: ngek! kala ko ba ayaw mo na akong imeet?
aaron: i never said na ayaw na kitang imeet. pwede ka ba sa friday?
hot mama: nagtxt ako sau kagabi. sabi ko gusto kita imeet pero di ka na nagreply.

Sa pagkakataong ito, awa na ang naramdaman ko para sa asawa at mga anak niya. Sinubukan kong makuha ang number ni husbandko pero nabigo ako. Ambilis kasi magtext ni hotmama. Di kayang sabayan ng matanglawin at pornographic memory ko. Sayang! Nawalan na rin ako ng ganang sumilip pa uli. Isa pa, nakalagpas na sa Dian St at mabilis na ang takbo ng bus. Pagbaba ko sa may Taft, naiwan pa siya sa bus. Hindi ko na rin siya nakasabay pa uli. Hanggang ngayon, naiisip ko minsan kung ano na ang nangyari sa pamilya niya.

I rest my case your honors.

Advertisements

Posted on July 30, 2012, in commute stories, kalokohan, sexy stories, thoughts to ponder. Bookmark the permalink. 37 Comments.

  1. Tsk, Tsk, pambihira…

    Kung ako ay may asawang nag-aalala tulad nya, iingatan ko ng sobra…

    Dont rest ur case, let her rest with her own peace (kung meron man)

  2. Wow. This is too much. (Inhale, exhale….sarap sampali— inhale, exhale)

  3. chismoso ka rin ano! Iyan ang nangyayari kapag nakikitintin ng text ng iba. hindi ka tuloy mapalagay. hohoho!

    Pero seriously, saklap nga ‘non. katikati-text lang ang drama n’ya.

  4. so natawa ako sa pornographic memory!
    Hayyyy. nakakainis mga gnyan. dpat nyan binabaril sa Luneta eh!

  5. bilib ako sa matang lawin mo pre.. talagang nasipat mo ang lahat… isa kang legend… at oo tama ka.. kawawa naman ang pamilya nung babae kung sakali ngang ganun ang ginagawa niya.. pero malay mo, super duper friendly lang si hot mama… uso naman na yan 3 years ago…. so, hindi mo naman nakita na potpot yung isang ka txtmate niya? hindi naman di ba?

  6. Hmm… Coming from a broken family, siguro i should really be upset with hot momma. Pero siguro hindi natin alam ang buong story, it feels sad nga kasi ang daming biniling mamon, ibig sabihin madaming anak. tsk tsk.

  7. e pano mo nbbsa ang mga msg na un? ikw ha. tsismoso! hahaha.. hmmm. ang kwawa c hot mama, kc hnd sya makuntento. tska heleerr cno ba ang lugi sa kalandian? e db ang babae kc u know…. 😀 oh yeah. bilib ako at nkakatakas sya sa asawa infairness. at d mawrong send. ako madali mahuli pag magloko ako kc lge ako wrongsend. wengot! hahaha

  8. may pambawi naman daw, goldilocks mamon para sa mga bata. hahahaha.

  9. buti na lang bossing naka upo ikaw… kung nakatayu malamang hanggang boobs lang abot mo… di mo mababasa ang text…

  10. theworshipwarriorbride

    tsk..tsk…tsk
    nakakalungkot
    nakakainis
    nakakaawa 😦

  11. naglalandi lang si Hotmama.. hahahaha. daming textmate!! wagas!

  12. Mina-maximize niya lang ang hotness niya.

  13. Ibang level ang haba ng hair ni ate, may scarcity na sa lalaki ngaun pero sya tatlo.

    well, buhay nya yon, sya din naman haharap sa mga consequence nang pinanggagawa nya. Kawawa nga lang pamilya nya. haays!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: