Ayan ka na naman!

Written: Sept 8, 2012

Your Excellency, Sir President. May tanong po ako. Kilala niyo po ba sina:

  • Imelda Marcos?
  • Chavit Singson?
  • Mike Arroyo?

Parang kagaya po ata sila ng shooting buddy niyo. Buksan niyo mata niyo. Malaki ang potensiyal niyang siya ang hihila sa inyo pababa. Kaya parang awa niyo na po paimbestigahan niyo. Yung “transparent” ha? Tapos KUNG may kasalanan, tanggalin niyo na rin agad. Hanap na lang kayo ng bagong shooting buddy, este.. bagong apointee.

Hindi po ako kaaway ng administrasyon niyo. Isa ako sa mga humahanga at bilib na bilib sa mga pagbabagong nangyari sa ilalim ng inyong panunungkulan. Tanga at nagmamaang-maangan ang magsasabing hindi umaangat ang ekonomiya natin ngayon. Kaya naman medyo nababahala ako dahil nagbabalik na naman sa limelight ang inyong shooting buddy. Nakakalungkot naman kung mawawalang-bahala lang ang mga magandang nagawa ng inyong pamumuno. Yun lang po at magandang araw sa inyo diyan sa “May Lakan Diyan”. Miss ko na mamasyal diyan. Bati po tayo ha…

Lubos na gumagalang,
Isang poging salbaheng taxpayer

Sa ibang makakabasa, ipagdasal po ninyo ang aking kaluluwa.

Amen.

Advertisements

Posted on September 9, 2012, in corruption 101, current events, politics, spur of the moment, thoughts to ponder. Bookmark the permalink. 16 Comments.

  1. I just prayed 🙂 (pero alam mo, tama ka 100%)

  2. Cge ipagdadasal ko kaluluwa mo. Haha!

  3. walang KKK! kaibigan, Klasmate at kabarilan! =)

  4. dahil hindi ako masyado nagbabasa ng hard news… parang blind item sa akin kung sino yang shooting buddy mo este ni Mr. President.

    Tingin ko rin tama yung mga sinabi mo about kay Pinoy pero wag din siyang magpapabaya. Once pa lang ako nakapunta ng Malacanang naka-ninja turtles pa ako hehehe.

    *sinagot na ako akismet yahoo! makikita ko na ang comment ko.

  5. Hahahaha.. Natatawa ako on how you keep peace while criticizing. LOLs. Pero tama ka nga. Hehe

  6. tamaan sapul! Bang! bang! hahahha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: