Nagdasal din naman ako

Occurred: Sept. 23, 2012
Written: Sept. 23, 2012

Nagsimba kami kanina sa St. Mary’s Basilica. Oo na. Mahirap mang paniwalaan pero nagsisimba din naman ako kahit bihira lang. Hehe! Nakakatuwang magsimba dito dahil sa mga awiting kinakanta ng choir. Mula sa ibat-ibang bansa ang madalas nilang kinakanta. Nung minsan nga, may mga taga-Africa ang kumanta at sumayaw. Naka-tribal costume pa na may kasamang gong (o kalembang? :D). Parang United Nations lang.

Pangalawang beses ko nang narinig na kinanta nila ito. Nakakatuwang pakinggan kasi medyo “sleng” pa ang bigkas nila sa liriko ng awit. Mga ‘kano kasi ang choir kanina. Syempre fried pride proud ako kasi atin yan. 😀

Dahil siguro sa sobrang tuwa kaya naisipan kong kunan ng video. Pasensya na kung medyo malabo at magalaw dahil cellphone lang ang gamit ko. Isa pa, pasimple at patago ang kuha ko dahil hello!, nasa loob kaya ng simbahan. Isa pa, sa mismong komunyon pa nila kinakanta ito.

At oo nga pala, aksidente lang din na nakuhanan kong nagkikiss ang magsing-irog sa aking tapat. Ang sweet di ba? Bilang respeto sa kanila, iniwasan ko talagang makunan sila. Kasehodang kisame na lang ang kunan ko. Kaya magalaw.

Amen.

Advertisements

Posted on September 24, 2012, in good news, music, thoughts to ponder. Bookmark the permalink. 10 Comments.

  1. Nahiya ka pa magvideo sa simbahan, sila nga eh nagkiss. Torrid ba?

  2. this made me remember my choir days…yung hindi ko pa alam kung ano ang masama sa hindi..lol

  3. cool! masaya akong malaman ito.

  4. nice naman.. pero pagkinanta kasi ang hindi kita malilimutan, parang may patay… pero nice voice pa rin.. at kinilig ako nung nag kiss yung dalawang nasa harapan mo.. yihee.. buti hindi ka napanguso nung nag kiss sila? ehehehehehe..

    • hindi naman.. napa-smile lang ng bahagya. hehe!

      yun din ang una kong naisip nung narinig ko ang kanta pero okay na. basta pinoy song. nakakataba pa rin ng puso na makarinig ng pinoy song na kinakanta ng ibang lahi.

  5. hahaha… hindi kite pebebeyeen ang pagkakaintindi ko. ang solemn ng sounds, sarap pakinggan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: