Akala niyo maganda ang snow!?

Occurred: Oct 4, 2012
Written: Oct 4, 2012

Nasabi ko dito na accurate ang weather forecast nila dito sa US. Kaya naman nung mabasa ko ang weather forecast, medyo nagduda pa ako. Pwede ba ang ganitong pagbabago ng temperatura?

From 25C magiging 10C in an instant!?

Kahapon, medyo okay pa ang klima kasi nasa 25C (80s F) pa. Nagpicnic pa nga kami (kasama ang buong project) sa park kahapon. Nakapaglaro pa kami ng kick ball, bean bag toss, pasahan ng foot ball, etc. Pagkauwi medyo mainit pa rin kaya binuksan ko lang ang aking bintana at elekpan (electric fan).

3AM. Bigla akong napabalikwas ng bangon. Anlamig! Umaangil ang tunog ng malakas na hangin. Balikwas ako ng bangon at takbo sa aking bintana para maisara. Pinatay ko din ang elekpan. OMG! Totoo nga! Parang babae (girls, no offense meant ha… bati po tayo. :D) lang na bigla biglang magbabago ang temperatura dito. Amazing!

Pero naalala ko taglamig na. Sabi ng maraming tagarito, baka mas malamig daw ang winter ngayon dahil mahina daw last year. Mahina dahil manipis lang ang snow na bumagsak. Huh!? Mahina pa ba yun!? Yari na ako kung ganun. Ginawin pa naman ako. Nakakatakot much.

Tapos dito sa office ngayon, may naririnig akong nagsasabi na may posibilidad pa na bumagsak ang niyebe this week. October pa lang ngayon. Last year, Nov 19 unang bumagsak ang snow! Good luck talaga sa akin. Huwag sana talaga lumiit ang pututoy. Lols!

*photo taken from weather.com*

Advertisements

Posted on October 5, 2012, in fyi, spur of the moment, thoughts to ponder. Bookmark the permalink. 32 Comments.

  1. Gusto ko parin maexperience ang snow. 1st time ko dito. May ginoogle lang ako tapos dito ako dinala kaya finowllow narin kita 🙂

    • maganda maexperience ang snow sa umpisa. after nun, wala na. pwera na lang kung mahilig ka sa winter games like skiing at snow boarding.

      salamt po sa pagbisita. 🙂

  2. styrosnow styrosnow, fill the world with styrosnow…. napakanta lang ako ng isa sa mga single dun sa Fruitcake album ng Eheads. Kelan kaya ako makakakita ng snow rin na totoo? ayoko rin ng matagal, mahirap nga raw yan. Masaya lang tingnan kung isang araw mo lang makikita hanggang isang linggo. pero kung araw araw sa loob ng ilang buwan, nakupo. hehehehe. ingat dyan pre and enjoy.

  3. Lols. Magkumot ka kase.

    • dont get me wrong. makapal ang kumot ko. pero nanunuot talaga ang lamig pag winter. naranasan ko na ring mag-ilang patong ng damit pero ganun pa din. di lang siguro ako sanay pa…

  4. Hahaha! That is a really a bummer, well for people who have experienced the very cold effects of snow. Pero kung dadalhin mo ‘yan sa Pilipinas, kahit malamigan ng sobra, OK lang, something new! Haha.. I still want to see snow, feel it, and eat it. Kidding Haha. Gusto kong humiga sa snow, makipag-batuhan ng snow, at gumawa ng snow angel. Hehe.. Childish it may seem, pero snow will definitely bring back the childhood in every Filipino. I bet. Hehe

    • naiintindihan ko ang punto mo kasi ganyan din ako noon. we all long for something new and something we think as exciting. kung magkakaroon ng niyebe sa Pinas. matutuwa nga ang mga Pinoy. ng isang linggo. pagtapos nyan, puro reklamo na ang maririnig.

      isang example? walang heater ang ating mga bahay at banyo jan. magfe-freeze ang mga pipes kaya hindi makakapagflush. karima-rimarim na tagpo di ba? lols!

  5. buti nalang wlang snow sa pinas. OK na yung dalawang types ng weather lang. Tag-ulan at tagbaha. hehehe. Pero infairview maraming pinoy dito kahit summer naka boots with the fur!

    • hindi alam ng karamihan sa atin pero marami akong officemates na kano ang naiinggit sa klima natin. kaya marami sa kanila ang gustong magretire sa florida. parehas kasi ang klima natin ang estadong iyon.

    • regarding with the boots with the fur? natatawa ako sa mga nagsusuot ng mga ganun jan.. well, what can we do? gusto nilang magmukhang tanga. let them be. i think they deserve it. 😀

      • gusto lang nila ma experience yung “kunyari” nasa US dn sila, kahit pawis na pawis na at tirik na tirik ang araw, wala silang pake. hahaha. unlike sa mga galing naman sa ibang bansa na pumupunta ng pinas, halos maghuhubad na ang mga damit kasi sobrang naiinitan sila.

  6. I’d probably love the snow for an hour and then get my ass back home. Hahaha. 😀 This made me laugh. Thanks!

  7. hahaha natawa ako sa last na pinag-alala mo.

    at least accurate dyan, kahit papapano mapaghahandaan mo. hindi mo naman tlaga ata masasabi ang panahon ngayon kahit saan becaus of global warming. naku hindi rin ako makakatagal sa ganyang lugar .

    ako nga nalublob lang sa tubog ng halos one hour, tatlong araw na ngayong may sakit. huhuhuhu

  8. Gusto ko din i-experience ang snow ng 1 day tas ayoko na.. Mahina din ako sa malamig.. Yun ngang snow world sa star city, 30mins pa lang suko na ko e, haha

  9. kailangan mo na ng katabi… bili ka ng f.doll.. fur doll para mainitan ka.. hihihi…. pero grabe na ang pagbago ng panahon, biglaan.. scary… mag-ingat ka jan pre.. nakakatakot yan.. yung pagliit ng patutoy.. hehehehehe…

  10. Magwi-winter na naman. Buti na lang walang snow dito sa lugar ko.. Kung may snow katamad lumabas 🙂 . 45minutes ang layo namin sa lugar na may nyebe… Katakot naman magbyahe dahil madulas ang kalsada pagbumuhos na nag nyebeng iyon.
    Pero pagmalamig umuulan ng maliit na yelo na madaling matunaw, “barad” kung tawagin nmin dito, (limot ko naman tawag don =( ). Masakit sa katawan at sa bunbunan ‘pag inabutan habang naglalakdad hehehe.

    Gandang malamig na araw sa inyo.. ^_^

  11. Awie scary nga!!! Pero pinakagusto ko po ‘pag may snow eh pwede magbulsa ng ice cream dahil di naman matutunaw, hihihi 🙂 Sana ganun din dito sa Pinas, pwede magbulsa ng ice cream -___-

  12. Lols. Hahaha. Gusto ko pa din ma-experience snow. Kahit for a day lang. A day lang tapos balik na agad dito. Katakot ang lamig na nakwento mo e. Hahah. Keep safe! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: