US Presidential Election 101

Written: Oct 5, 2012

Officemate: Your country is really like America.
Apollo: In a way yes. You see, we were once a colony of the U.S. That’s why we love basketball even though we are not a tall race. We have a lot of McDonalds, Pizza Hut, Wendys and all that stuff.
Officemate: You even have the same form of government.
Apollo: Not really. We have the same structure but there’s some differences. For example, the US have a federal form of government but we have a central one. All power in my country emanates from Manila. That’s why we sometimes call it the Imperial Manila.
Officemate: Really?
Apollo: Sadly yes. But I’m proud to say that we directly choose our president. In your country, your representatives choose your prime minister. It is also different here.
Officemate: What? You’re wrong. They have election and they vote for the president here.
Apollo: Yes you are partially right. They elect their president here but that election is not for the president per se. They elect for the eletoral college electors. It is the electors who vote for the president.
Officemate: Really? *parang ayaw maniwala*
Officemate: How come did you know all these? I stayed here a lot longer than you.
Apollo: I read it from somewhere a long time ago. Years before I got here in the US.
Officemate: I can assume. Imagine, you’re the one telling me of news about my country. And you’re not even Indian!
Apollo: *demure smile. masarap sanang maging sarcastic kaso baka upakan ako.*

Usapan namin yan ng isa kong kateam na Indian minsan sa aming lunch ilang linggo na ang nakalipas. Dangan na rin lang at naalala ko yan, hayaan niyong magbigay ako ng pagpapaliwanag kung paano namimili ang mga amerikano ng kanilang presidente. Ang presidente ng nag-iisang superpower sa mundo.

  • Hindi nila direktang binoboto ang presidente. Ganito yan: Bagamat ilalagay ng mga kano si Obama o Romney sa kanilang mga balota, hindi iyon ang direktang basehan kung sino ang mananalo.
  • Mayroon silang tinatawag na electoral college. Binubuo ito ng 538 electors. Sila ang direktang boboto ng presidente.
  • Galing ang 538 sa bilang ng miyembro ng Kongreso (senado at kongreso)Β nila. Kailangang makakuha ng 270 electoral votes o higit pa ang isang kandidato para manalo.
  • Ang bawat estado ay may bilang ng electors depende rin sa bilang ng kanilang representante. Halimbawa, may 55 electors sa California (pinakamarami) at 10 dito sa Minnesota.
  • Ang mga electors ay nominado ng mga partido ng mga kandidato. 2-party system sila kaya either Republican or Democrat lang ang partido nila dito. Exemption to the rule ang estadong Nebraska At Maine dahil pwede ring magnomina ng elector ang mga nanalong representatives nila.
  • Halimbawang nanalo si Obama sa California sa botohan ng mga tao (unang election), ang partido niya (Democratic Party) ang magnonominate ng 55 electors para sa California. Syempre, ang 55 electors na ito ang siyang direktang boboto kay Obama.
  • Pwede bang hindi iboto ng isang elector ang kandidato ng partido na siyang nagnomina sa kanya? Pwede dahil hindi naman ito ipinagbabawal ng konstitusyon nila. Base sa mga nakaraang electoral election, higit 99% sa mga electors ang bumoto ng sarili nilang kandidato. Kung sino man yung less than 1% na taksil, malamang pinatay na sila sa kurot ng mga kapartido nila. Mahirap yan dito sa atin kasi 99% ang mga political butterflies or sa madaling salita – balimbing. Lols!

Hayan. Sana ay malinaw ang aking pagpapaliwanag. Dumako naman tayo sa mismong election. Pinapakita ngayon sa mga news media na mahigpit ang laban ni pareng Barack at Mitt. I beg to disagree. Ngayon pa lang, masasabi ko ng matagal ng tapos ang laban. My fearless prediction: overwhelming win for Obama. Narito ang ilang basehan ko:

  • Sa lahat ng election, mas malamang na manalo ang isang re-electionist. Mas marami siyang pera. “Hawak” niya ang gobyerno sa paraang madali niyang maimpluwensiyan ang mga botante. Mga halimbawa: una, ang pamamayagpag ng mga political dysnasties sa Pinas. Isa pang halimbawa: Isa akong mayor. Titipirin ko ang pondo ko sa unang dalawang taon ng aking termino. Pag malapit na ang election, saka ko gagamitin ang pondo sa mga proyektong pakikinabangan ng taumbayan. Magpapatayo ako ng mga school buildings o kalsada sa bawat baranggay. Tiyak na ang panalo ko sa sunod sa election dahil makikita ng mga botante ang mga proyekto ko. Hindi nila agad makakalimutan yun. Ganun lang kasimple.
  • Base sa aking personal na pag-aanalisa, mas okay pa rin ang inaalok na solusyon ni Obama kaysa kay Romney. Matatandaang si Bush ang dahilan ng maraming problemang kinakaharap ngayon ng bansang US. Republican si Bush kung kaya hindi maiiwasang sabihin na parehas ng kay Bush ang inaalok ni Romney ngayon. Kaya nga laging sinasabi ng Democrat sa kanilang political advertisments: “We’ve tried this approach before, and this very approach created the mess we are in right now”.

Syempre, may mga factors pa ring pwedeng makabago ng resulta ng halalan. Halimbawang may iskandalong lumabas laban kay Obama. O di kaya’y pag patuloy na mangamote si Obama sa kanilang debate ni Romney.

Mabuhay!

Advertisements

Posted on October 8, 2012, in corruption 101, current events, fyi, politics, spur of the moment, thoughts to ponder, trabaho, world issues. Bookmark the permalink. 32 Comments.

  1. wow para kang si mareng winnie monsod apollo! πŸ˜€

  2. wow! at pinag-ukulan mo pa ng time na intindihin ang form of voting ng government nila.

    • hindi naman. dati ko na siyang alam. binasa ko lang ulit nung kinausap ko ung officemate ko. baka kasi may mali akong nasabi sa kanya kaya nireview ko. πŸ˜€

  3. Huwaw! Ang galing mo mag analisa. Pwede ka nang kumandidato. Salamat sa imposrmasyon mo na to πŸ™‚

  4. WOW na.amaze ako sa dami ng yong political knowledge. ako wala ko maxado interest jan eh.. sa atin parang soap opera na lately naging comedy. akalain mo may Joker na nga tayo sa sineda may comediante pa tayong sinugngaling.

    • yun ang nakakalungkot sa atin. umaasa pa rin naman ako na magkakaroon din tayo ng political maturity in the near future.

      • baka may hitman kang kakilala ka jan pre. kelangan talaga ng political cleanup dito, lalo na sa pugad2 at bukid2 sa provinxa. harapan ang mga buwaya dito eh. ehehe. pero i have to say believe ako kay P-noy for his politcal will, so it’s a start.

  5. wow. this is good read. πŸ™‚

  6. ahhhhhh… alam na alam talaga ooh πŸ™‚

  7. ikaw na ang political analyst apollo.. ehehehehehe

    • ahaha! subok lang. mas gusto ko yung defense and security issues (i.e. North Korea issue, Iran nuclear issue, US-China arms rivalry, etc… ). gusto ko kasing mag-analisa palagi. lahat naman tayo pwedeng gawin yan. observation lang ang kailangan.

      • uyy ok yan ah… defense and security… iba kasi ang gusto kong obserbahan… ehehehehe.. hindi pampulitika…

        • hmmm… ano kaya un? haha!

          related sa inyo ang North Korea issue dahil sa Japan. medyo tahimik ang north lately pero hindi magtatagal at magpapapansin uli sila lalo nat pumayag na ang US na taasan ang ballistic missile range ng south korea from 300 to 800 kms. Dahil dito, kayang kaya ng abutin ng south korean missiles ang majority (if not all) ng north missile silos.

          • ehehehehe.. alam mo na yun… ang medyo mainit ditong issue eh yung tungkol sa china.. medyo yung ibang pinoy ay nagtatanong kung uuwi ba kung magkakaroon ng giyera ang japan at china.. ngayon ko lang nalaman yang tungkol sa north korea na issue na yan ah.. salamat at na brought up mo.. mabasa nga ang tungkol diyan.. nasobrahan ata ako sa showbiz balita, nakakaligtaan kong may mas importante pa pala.. ehehehehe salamat pre…

            • i dont think magkakaroon ng giyera between China and Japan. masyado nilang kailangan ang bawat isa sa ekonomiya nila. isa pa, medyo takot ang China ngayon kasi ginagapang na siya ng US. mula nung ni-prioritize ng US ang focus niya sa Asia-Pacific, unti unti na nilang pinapalibutan ang China. ay magawan ko nga to ng post. haha!

  8. now i know .. haha

    pero mejo naguguluhan pa din ako pre.

    oo na , Slow tlga ako. :p

  9. Thanks pre. nauunawaan ko ito ng pahapyaw noon kaya nga may tinatawag na popular and electoral vote. Sa pagkakaalala ko, may instance na may nanalo sa popular vote pero natalo naman sa electoral. Depende rin kasi sa dami ata ng electorate per state (tama ba intindi ko) kaya kahit lamang sa popular vote kung malaki naman hatak ng ibang state, talo pa rin siya.

    Mukha ngang nangamote si Obama sa rd 1 against Romney, Medyo nakabawi naman siya nung 2nd round. Kung ako boboto dyan, mas gusto ko si Romney. Free market ang reason kung bakit mas naka-lean ako sa republicans kesa sa democrats. Para kasing nakalimutan na ng democrats ang sinabi ng isa sa pinaka popular na presidente sa hanay nila, si JFK. Sabi niya ata “don’t ask what your country can do for you. Ask what you can do for your country”(di ko sure kung tama, hahaha). Kaso si Obama, puro dole outs. Lahat na lang binibigay. lahat na lang privilege ng tao. Para ding yung andito sa Pinas. hehehe. Di ko masyado trip ang socialist type ng leadership. Well, that’s just me. hehehe

    Pero hangga’t di naman nila binabawasan ang outsourcing ng mga kumpanya nila sa US, ayos yan kahit sino pa manalo. para may trabaho pa rin tayo dito. hahahaha.

    • tama ka pre. nakabase kasi ang electoral vote sa mga estado. actually yun talaga ang pakay ng electoral vote. para magkaroon ng pantay pantay (kahit ang maliliit na estado) na pagpili ng presidente.

      yun ang trend ng maraming mga bansa ngayon. populist economics. karamihan ng mga bansa sa south east asia (kabilang ang Pilipinas), South America, etc. ay ganito ang ginagawa ngayon. panghatak nga naman ng boto. hehe! pabor to syempre sa mga mahihirap dahil tinutulungan sila ng gobyerno. sa kabilang banda hindi rin papabor ang mga may kaya sa dahilang tax daw nila ang pinangtutustos sa mga programang iyon. isa pa’y mas nahihikayat ang mga mahihirap na maging tamad at laging umasa na lamang sa tulong ng gobyerno.

      • oo pre, panghatak ng boto talaga. hehehe. yun nga, pabor ang mahihirap. tapos kontra ang may kaya. ang pinakakawawa tayong sakto lang. hahahaha. sakto na lang nakukuha, naipapamigay pa sa ibang tatamad tamad para lang magamit panghatak ng boto. hehehe

  10. ayos political analyst na political analyst ang dating. thank you at parang na-review ata sa political science ko. hohoho!

    sa aking kuro naman, maganda sana ang takbo ng sistema sa Pinas. ang kaso may problema sa mga politiko at sa mga botante. siempre alam na natin yung mga politico pero yung mga botante kasi tulad ng sinasabi mo binabase nila sa popularity o kaya naman binuboto nila iyong malalapitan nila na pang personal. mantakin mong may mga taong nakaupo sa posisyon na hindi naman talaga nila alam ang mga responsibilidad.

    • kunya-kunyarian lang ako. haha!

      marami nyan sa atin. lalo na yung mga posisyong “minana” lang sa asawa, kapatid o kamag-anak. apelyido lang ang puhunan. hehe!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: