Di pa ako pwedeng magresign, wala pa akong championship ring

Occurred: Spring of 2012
Written: Oct 8, 2012

Pagdating sa project ko dito sa US last year, nalungkot ako kasi ako lang ang galing sa office namin sa Pinas. May boss akong Pinoy pero big boss na siya. Isa pa’y based na siya dito sa US. Americanized na kumbaga. Kung kaya naman labis labis ang tuwa ko nung pinakilala ako ng isang officemate na Pinoy (from a different project) sa iba pa naming mga kababayan na nasa ibang projects din. Maraming mga projects dito ang aming kumpanya. Di kagaya ko, marami silang mga Pinoy sa mga projects na yun.

Isa sa activities nila ay ang magbasketball tuwing miyerkules pagkatapos ng trabaho. At dahil isa ang basketball sa aking paboritong libangan sama agad ako sa kanila. Nirerentahan namin yung indoor court ng isang middle school sa may Richfield, Minnesota. Kahit malayo sa office ay gow ako. Kasehodang mabigat ang bag ko dahil sa dala dala ko ang panlaro ko. Masaya naman dahil nakakapag-exercise ako bukod pa sa nakakapagmura nakakapagsalita ako ng Filipino. Parang weekly gathering/reunion na rin kasi sumasama din ang mga asawa’t anak ng mga pamilyado naming kasama. Pati mga babae naming officemates sumasama din para manood, magjogging o magbasketball din. Oo. Tama ang dinig mo. May mga babae din kaming kalaro sa basketball. Magagaling na nga sila eh. Talo pa nila ang ibang mga lalake.

Sa video sa ibaba, makikita nyo ang mga kasama kong naglalaro. Mapapansin din ninyo ang ilang babae na kalaro namin. Pasensya na sa mababang kalidad ng video. Mumurahin lang ang aking cellphone na gamit.

Last Spring, nagkayayaan na sumali kami sa isang liga ng Filipino-American community dito sa Minnesota. Okay naman kami kasi mga Pilipino rin naman ang makakalaro namin. Bukod din syempre na may makikilala kaming mga Pinoy sa labas ng trabaho. Excited kaming bumili ng uniform at nagbayad ng joining fee. Nakagastos din ata kami ng $50 per head. Mahal pero okay lang. Medyo marami kami kaya dalawang team ang nabuo namin. Walo kami sa aming team at 10 naman sa kabila.

Liga time. Pangalan ng team namin: timbuko. Hindi ko alam ang dahilan. Keber. Bale walong teams (na hinati sa dalawang divisions) ang kasali sa liga. Opening ceremony. Laking gulat namin nung aming makita ang mga kalaban namin. Anlalaki nila! At maraming hindi Pinoy. It turned out, basta may relative ata na Pinoy pwedeng sumali. So pwedeng yung may asawa o gf na Pinay. Nung nakita ko ang mga teams alam ko ng hindi kami mananalo. Kung nung una, championship ang inaatim ko, hindi na ngayon. Basta makascore lang ako in an impressive way, achievement na yun sa akin. Ay pahabol pa pala: iiwasan ko rin palang matapakan nila ako sa court. Lols!

Game 1: Talo. Higit 20 points yung lamang. Yung pinakamaliit ng kalaban, matangkad pa sa center namin. Totoo! 2 points lang ang nagawa ko. Fast break. pagdrive ko sinalubong ako ng malaking mama. Higit 6 footer siya. Side step tapos floater. Pasok! Sigawan pati kalaban namin. Okay na kahit matalo. 6 footer ang pinanis ko. Trashtalker pa yung bantay kong pointguard. Sinasabi niya, “go home to your mom”. Tang-inang yun, matangkad lang kasi. Isusumbong ko talaga siya sa nanay ko. Kung konti lang tangkad nun sa akin, babatuhin ko siya ng bola sa mukha at kakaripas ako ng takbo. Sinubukan ko rin siyang gulangan pero bigo ako. Hindi niya iniinda siko ko tapos ako ang tumatalsik pag binubunggo ko. Hehe!

Game 2: Talo pa rin. Pero medyo may kumpiyansa na ako. Medyo dikit ang laban nung una. Lamang pa kami ng 1 point nung half-time. Yun pala, hinahayaan lang kami. In fairness, less than 10 points ang lamang nila. Naka 7 pts ako. Isang 3-pt tapos dalawang drive to the basket uli. Puro yung center ang inaatake ko. Katwiran ko, kung iiskor lang din naman ako, pipiliin ko na yung sulit. Yung tipong pag NBA/PBA, ilang beses irereplay. Haha! As usual, puro hiyawan pati kalaban namin pag nakakashoot ako. Yung isang shoot ko “in your face” pa talaga kaya kinantyawan pa siya ng mga kakampi niya. At least 6’5″ lang naman ang height niya.

Game 3: Talagang talo. 3 years straight ng defending champion ang kalaban namin. Higit 30 ang lamang nila sa amin. All-out na rin ako dito kasi last game namin (laglag na kasi kami. Lols!). Naka 14 pts ako. Dalawang 3-pt shots saka puro field goals na ang iba.

Three-game streak kami. Losing streak nga lang.

Hindi ibig sabihin na nakaiskor ako, magaling na ako. Nakatsamba lang ako malamang or baka naawa lang yung bumabantay sa akin. Ilang beses din akong nabubutata pero okay lang yun kasi pandakekok nga ako.

shoot yan syempre. 😀

eto ang hindi shoot. pag-ikot ko, nagulat ako sa bantay ko. hehe! nakikita nyo ng kalbo na naka-orange? point guard ng kalaban yan. mas matangkad pa sa sentro namin (no. 8).

Pagtapos ng liga, inimbitahan kami na sumali uli sa mas malaking liga sa June. Hindi pa tapos magsalita ang nag-iimbita, hindi na agad ang sagot ko. Masaya na ako sa weekly basketball namin sa Richfield Middle School Basketball Court.

Mabuhay!

Advertisements

Posted on October 11, 2012, in funny experiences, good news, kalokohan, sports, spur of the moment. Bookmark the permalink. 24 Comments.

  1. hahaha. ok na yun at hindi na ka zero! cheers!

  2. napapansin ko pre, napapadalas ata ang basketball game mo with girls. hahahaha. ayan na naman yan, baka mapaaway na naman ako dahil sa inyo. 😛

  3. Maganda pala jan may community at may libangan dito sa NC madalang 😉 Napabisita ulit ako sa blog mo 🙂

  4. bilib pa rin ako sa iyo dahil kahit may pakiramdam kang may “disadvantage” kayo, lumaban pa rin kayo..

  5. Haha! Nakakaaliw din pala talagang makarinig ng tagalog words sa CA.

  6. Mabuhay ang mga pan…..desal?

  7. Ay bakit ka tumanggi dapat go nang go hehehehe

  8. bakit naalala ko ngayon si Jaworski? hehehe

    siguro dahil sa katagang never say die…Apollo!

    hehehe

  9. at least madami dami din ang score mo… hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: