China Threat to US Hegemony

Occurred: The past years up to present
Written: Oct 15/22/25/26, 2012

Dahil na rin sa usapin namin (comments section) ni Potpot kaya ko naisipang gawin ang post na ito. Matagal ko na itong gustong gawan ng sulatin subalit tinatamad ako laging may mga bagong pangyayari kaya mahirap magdesisyon kung kelan ang tamang panahon. Susubukan kong ibigay ang aking hula analysis (naks!) sa abot ng aking makakaya.

Paano nagising ang isang sleeping dragon bilang pangalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo? Nagsimulang umangat ang ekonomiya nila nung sinimulan nilang yakapin ang kapitalista. Ironic kasi komunistang bansa sila di ba? Pero ang desisyong ito ang sumagip sa kanila. Nag-umpisa silang tumanggap ng direct foreign investments. Maraming mga industrial parks ang nagsulputan. Naging pabrika ng mundo ang China. Malaking dahilan neto ang halaga ng kanilang pera. Marami ang nag-aakusa na sinadyang kinontrol ng gobyerno nila ang pag-angat ng yuan. Syempre hindi sila aamin dahil taliwas nga ito sa pandaigdigang kalakalan. Dahil mababa ang halaga ng yuan, mura ang presyo nila, at mura din ang mga produktong lumalabas sa kanila (export). Netong mga nakaraang mga taon, inumpisahan na nilang hayaang tumaas ang yuan pero limitado pa rin ito. Ngayon, napakarami nilang pera at sila na ang nagpapautang ng pera sa US.

Mapunta na tayo sa usaping pang-seguridad. Dahil nga sa dami ng perang hawak ng China, kayang kaya na nilang gastusan at tustusan ang kanilang militar (People’s Liberation Army o PLA). Maraming mga bansa ngayon ang duda sa dahilan ng pagpapalakas ng kanilang militar dahil sa pagiging malihim nila. Ito ay bukod pa sa mga isyung kinaharap ng bansa gaya ng Tiananmen Square Massacre, human rights abuse, etc. Idagdag pa ang mga teritorial issues nya sa Taiwan, India, Tibet, Senkaku/Diaoyu island, Russia at South East China Sea.

Dahil na rin sa mga dahilang iyan kung bakit nagpasya ang US na ilipat ang focus nila sa Asia-Pacific. Isa pa, katatapos lang ng giyera nila sa Iraq at patapos na rin ang sa Afghanistan kaya kayang kaya na nilang dalhin ang pwersa at resources nila dito sa Asia. Syempre hindi rin aamin ang US na ang dahilan nila ay para kontrolin ang pag-angat ng China. Ipapaliwanag ko ang mga nakikita kong trends sa ibaba at sabihin niyong mali ako.

  • Pilipinas – Ang bansa natin ang pinakamatandang kakampi ng US dito sa Asia. Dati rin niya tayong kolonya bukod pa sa 1951 Mutual Treaty Act. Sa likod ng 1951 Mutual Defense Treaty Act at Visiting Forces Agreement (VFA), mapapansin nating mas madalas na ang pagdaong ng mga US warships at submarines sa Subic at pagkakaroon ng war games sa Palawan. Hindi magtatagal at magkakaroon na rin tayo ng war games sa bansang Australia.
  • Taiwan – matagal ng binabantaang babawiin ng China ang probinsya ng Formosa (dating pangalan ng Taiwan) kahit sa pamamagitan ng digmaan. Libu-libong Chinese missiles rin ang nakatapat ngayon sa kanila. Hindi lang nila magawa ito dahil sa pangako ng US na ipagtatanggol nila ang Taiwan kapag sinakop sila ng Tsina. Ang US din ang pangunahing supplier ng gamit pandigma nila.
  • Japan – matagal ng may alitan ang bansang Japan at Tsina. Ilang beses kasing sinakop ng Japan ang bansa nila noong natutulog mahina pa sila. Idagdag pa dito ang nagising na alitan nila sa tungkol sa Senkaku/Diaoyu islands. Kaya ngayong lumalakas na sila, gigil na gigil silang makaganti. Hindi lang magawa ito sa dahilang kailangan nila ang bawat isa para sa kanilang ekonomiya. Sila ang pinakamalaking economic partner ng bawat isa. Tulad ng Taiwan, nasa ilalim din ng proteksiyon ng US ang bansa. May malalaking military bases din ang US na nakakalat sa kanilang bansa.
  • South Korea – isang malapit na kakampi pa rin ng US ang bansa. Technically, hindi pa rin tapos ang Korean war sa pagitan ng South at North kung kaya maraming mga US soldiers ang nakabase sa demilitarized zone (DMZ) sa pagitan ng dalawang bansa. Isa rin itong matatawag na proxy war dahil sa kakampi ng China ang North at sa US naman ang South. (FYI: noong nag-umpisa ang Korean war, isa ang bansang Pinas ang unang nagpadala ng mga sundalong makigiyera kakampi ng US at South Koreans laban sa mga North Koreans at mga Tsino. Ito ay noong isa pa tayo sa mga pinakamaunlad na bansa sa Asia – mas maunlad pa sa South Korea).
  • Vietnam – ang bansang ito ay dating kaaway ng US noong Vietnam War. Dahil sa nangyayaring South Sea China dispute, sinamantala ito ng US at Vietnam para tulungan ang bawat isa. Kamakailan lamang ay dumalaw sa bansa si Secretary of Defense Robert Gates sa bansa. Ito ang kauna-unahang bisita ng isang strategic official ng US sa kanila matapos ng maraming taon. Bagamat isa ring komunistang bansa ang Vietnam, nagkakasundo sila sa pagkakaroon ng isang katunggali – China. The enemy of my enemy is my friend.
  • Myanmar (Burma) – ang military junta ng bansang ito ay kakampi ng bansang Tsina. Noong internationally isolated ang bansa dahil sa gobyerno nila, ang bansang Tsina lang ang malugod na tumutulong sa kanila. Mula nung nag-umpisa ang demokratikong pagbabago (i.e. pinakawalan sa house arrest at pinayagan ng tumakbo sa isang democratic election si Aung San Suu Kyi), unti unti ng lumalapit upang mag-alok ng tulong ang US sa kanila. Kamakailan ay bumisita sa bansa si Secretary of State Hillary Clinton.
  • Tibet – ilang dekada ng nasa ilalim ng Tsina ang Tibet. Bagamat may “autonomy” ang Tibet mula sa Tsina ay patuloy pa ring hawak nila ang lahat ng aspeto ng pamumuhay ng mga Tibetans. Isa na dito ang aspetong kultural at relihiyon (Buddhism) nila. Nasa exile ang Dalai Lama at nasa bansang India. Isa ang US sa mariing tumutuligsa sa pamamalakad na ito ng Tsina.
  • Mongolia – bagamat napapagitnaan ng Russia at China ang bansa, nag-umpisa na ring lumapit ang US sa kanila. Di naman nagpapatalo ang China dahil nililigawan din nila ang bansa para mas lalo silang mapalapit dito.
  • India – Kumpara sa Senkaku/Diaoyu island at South East China Sea dispute, di hamak na mas malaki ang teritoryong pinag-aagawan ng dalawang bansang ito. Impak, nagkaroon na sila ng digmaan dahil dito noong 1962 (hindi pinansin ng mundo ang digmaang ito dahil mas laman ng balita noon ang US – Cuban missile crisis). Di hamak na mas malaki sa bansang Greece ang sukat ng teritoryo bukod pa sa higit isang milyong populasyon ang kanilang pinag-aagawan.
    • Netong nakaraang mga taon, nag-umpisang naging close ang bansang US at India. Nag-umpisa na silang magtulungan sa nuclear issues nila. Nag-umpisa na ring bentahan ng US ng kanilang mga defense materials ang bansa.
    • Nag-umpisa na ring maging close ang Japan at India sa kanilang economic at defense partnership.
    • Kamakailan ay inumpisahan na ring bentahan ng Australia ang India ng Uranium para sa kanilang nuclear plants. Dati kasi ay pinagbawal ito sa kadahilanang hindi miyembro ng Non Proliferation Treaty (NPT) ang India.
    • Hindi rin patatalo ang Tsina, naging mas malapit din sila sa kanilang kakampi na Pakistan (na isang ring nuclear-armed na bansa) at siyang karibal ng bansang India. Nagtatayo na rin ng mga naval bases ang Tsina sa mga maliliit na isla sa Indian ocean para palibutan ang India.
    • Sagot ng India: kamakailan ay nakipag partner din siya sa Vietnam para magkaroon ng oil exploration sa South China Sea. Hindi na basta basta magagalaw ng Tsina ang mga istruktura doon dahil alam nilang madadamay na rin sa gulo ang India.
  • Australia – noong April 4, 2012 ay dumating na sa bansa ang 180 US marines sa Australia. Sila ang panimulang grupo ng 2,500 na marines na magkakaroon ng base sa kanilang bansa. Strategic ang lugar (North Australia) dahil malapit ito sa South China Sea at Indian Ocean.
  • Russia – kahit patuloy pa ring may alitan ang US at Russia kahit matagal ng tapos ang Cold War, keber lang sila sa ginagawa ng US dahil sa pabor sa kanila kung mapipigilan ang pag-angat ng China. Karibal kasi ng Russia ang China dito sa Asia. (trivia: alam nyo bang mas maraming Russian nuclear missiles ang nakatutok sa China kaysa sa US noong kasagsagan ng Cold War? Dahil ito sa kanilang territorial dispute at maging sa Communism differences.) Ngayon, asar pa rin ang Russia sa Tsina. Noong araw kasi, sila ang nagbebenta ng mga baril, aircrafts, submarines, etc sa China. Tumigil na ang Tsina sa pagbili nung nag-umpisa na silang gumawa ng sarili nilang mga gamit pandigma. Alam niyo kung anong kinakagalit ng Russia? Kamukha kasi (at mukhang kopya) ng mga disenyo nila ang mga nagagawa ng Tsina. Hehehe…
  • Other SEA Nations (Thailand, Indonesia, Malaysia, Indonesia, Singapore) – ang mga bansang ito ay may malusog na ugnayan sa US at China. Pero sa aspetong militar, mas nakalalamang ang US. Isang halimbawa dito ay ang Singapore. Isa ang US ang nagsusupply ng gamit pandigma nila. Malapit din ang Singapore sa Australia. Impak, nasa Australia ang isang air force base nila.

Sa dinami-dami ng mga sinabi ko sa taas, pupunta pa rin tayo sa tanong na ito: magkakaroon ba ng giyera sa pagitan ng US at China? Walang nakakaalam niyan. Pero dahil sa ginagawa ng US ngayon, sana nga ay hindi na tayo dumating pa sa puntong iyon. Maiisip ng China na nauubusan na siya ng kakampi sa kanyang bakuran. Aaminin kong biased ako sa US. May dahilan naman kasi. Mula kasi nung lumakas ang China, nagiging mas mayabang na siya. Tingnan niyo na lang kung paano nila tayo binabastos sa Spratlys. Sinira din nila yung underwater coomunication cable ng Vietnam sa South East China Sea ng walang pakundangan. Marunong lang silang sumunod sa international law kung papabor ito sa kanila. Halimbawa, ayaw nilang dalhin sa international court  of justice (base sa UNCLOS law) ang usapin sa Spratlys samantalang pinagsisigawan nila na ayusin sa nasabing korte ang Senkaku/Diaoyu islands dispute. Halimbawang makuha ng Tsina ang Spratlys, sino ang makakapagsabing hihinto na sila. Di ba nga, sinasabi ng kanilang media na kanila rin pati ang buong Pilipinas?

Pangalawa, parehong nuclear-armed ang US at China. Sa ilalim ng Mutually Assured Destruction o MAD doctrine, pareho silang mabubura sa mapa dahil sa kanilang mga nuclear missiles at ibat ibang delivery methods. Kaya para na rin sa kapakanan ng lahat kung walang giyerang mangyayari sa pagitan nila. Isa pa, alam ng China na kakampi tayo ng US. Kung magkakagiyera, kahit isang nuclear missile lang ang ipadala nila sa atin, tapos tayo.

Marami pa sana akong sasabihin kaso tinatamad busy na naman ako. Kung may tanong, paglilinaw, objections o ano mang reactions, welcome po kayong sabihin sa comments sa iba. Pwede rin ninyo akong imessage o i-email kung gusto niyo sa pribadong paraan. I will gladly welcome any discussions on this.

Mabuhay!

I know not with what weapons World War III will be fought, but World War IV will be fought with sticks and stones.
-Albert Einstein (1879 – 1955)

Advertisements

Posted on October 27, 2012, in current events, fyi, politics, thoughts to ponder, world issues. Bookmark the permalink. 5 Comments.

  1. isa na namang umaatiko at madamdaming mga tagpo ang natunghayan sa post na ito. hohoho!

    I like it! very informative!

  2. ang dami kong natutunan dito pre.. hindi ko alam na ganyan ang nangyayari sa mga karatig bansa natin… ikaw na ang maraming alam! salamat sa impormasyon..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: