Ang sarap lumipad!

Occurred: Aug 31, 2012
Written: Nov 2, 2012

Marky: Kelan mo balak mag-apply ng Canadian visa?
Apollo: Kayo, kung kelan niyo gusto.
Marky: Saan lang ba pwede mag-apply?
Apollo: Either sa Los Angeles, New York, Seattle o Detroit lang pwedeng mag-apply. Dun lang kasi ang visa processing centers nila.
Marky: Sa LA na lang tayo
Apollo: May Six flags ba dun?
Marky: Meron.
Apollo: E ano pang hinihintay natin? Tara na!

Nasabi ko dito na gustong gusto kong sumakay sa mga rollercoasters. Kaya nung nagpunta kami sa California last Aug 28 – Sept 3, hindi na ako nag-aksaya ng panahon para makapunta rito. Mga 40 minutes drive siya from LA. Sabi ko nga sa mga kasama ko, kahit hindi na ako makarating sa Hollywood o Universal Studios basta makarating ako sa six flags, masaya na ako. Laking pasasalamat ko at napagbigyan naman ako. Hihi!

Malaki ang park kumpara ng theme parks natin sa Pinas. Parang apat o higit pang EK. Pagdating dun, plinano agad namin kung saan kami sasakay. Maraming mga rides dun pero syempre, mga rollercoasters lang sasakyan namin. Hindi ako nagpunta ng California para lang sumakay sa bump car! *with matching diin at drama* Lols! Eto ang mga sinakyan namin.

    • X2 – Nasabi ko rin sa nakaraang post ko na may routine akong sinusunod sa pagsakay. So sinabi ko sa mga kasama ko na unahin muna namin ang mga “nakakaantok” para preparation sa mga nakakatakot. Payag naman sila so pumila na agad kami sa Viper. Mahaba ang pila at medyo matagal. Huli na ng aming malaman ang dahilan. Potah! X2 pala ang pinilahan namin! Ang isa sa pinaka-nakakatakot na thrill ride nila. Inisip naming lumipat ng pila pero we decided against it. Sayang ang oras kasi antagal na rin naming nakapila. Well, fuck routine! Patay kung patay. :DMedyo natakot ako dito nung unang 5 segundo kasi akala ko malalaglag ako. Medyo maluwag na naman kasi para sa akin ang upuan kaya nung unang bagsak, umaalog ako sa loob. Tapos para kang nakalutang kasi kitang kita mo ang ibaba sa iyong mga paa. But wait there’s more: umiikot din ang mga upuan habang bumabagsak ka. Dagdag mo pa ang dumadagundong na music sa likod ng ulo mo. Pagtapos ng unang limang segundo, tili na ng kagalakan ang lumabas sa akin. Matapang na kami pagbaba kasi alam naming anti-climactic na ang mga kasunod na rides.

Fear Factor: Ang higpit ng kapit ko.Heto ang ilang videos ng X2 para mas maintindihan niyo ang description ko. Wala akong sariling video/picture dahil bawal daw magdala ng camera habang nakasakay sa mga rides.

    • Viper – Sinigurado na naming hindi kami magkakamali ng pila. Haha! Okay naman ang ride. Meron siyang pitong samut-saring loops. Kung may takot mang natitira, inubos na ng X2 kaya keri lang. Pero masaya pa rin syempre. Parang Sheldon is to trains as to Apollo is to rollercoaster lang ang peg. Lols!

Fear Factor: Taas kamay sa buong ride.

    • Revolution – Medyo luma na ang rollercoaster na to kaya maalog. Sumakit ang ulo ng mga kasama ko kasi nauuntog daw sila sa safety rail. Siguro sanay na ako kaya automatic na ang counter-mechanism ng ulo ko. 😀

Fear Factor: Taas kamay sa buong ride.

    • Tatsu – Eto ang description ng Tatsu: “Get ready to fly at the speed of fear. Soar on the tallest, fastest and longest flying coaster on Earth.” Kaya naman medyo bumalik ang takot ko dito. Pagkaupo mo, dadapa ang mga upuan kaya para kang nakadapa sa buong ride. Parang lumilipad lang. Wala palang basehan ang takot ko kasi ansarap sarap neto. Impak, umulit pa kami dito bago magsara ang park. Hehe.

Fear Factor: Mahigpit ang kapit sa una, taas kamay na sa buong ride.

    • Ninja – Nakasabit ang rollercoaster na mukhang bangka. medyo mababasa ka sa ride kasi nasa ilalim siya nung rides na pantubig.

Fear Factor: Taas kamay sa buong ride except kung haharangan ko ang tubig na tumatalsik/bumubuhos.

    • The RIDDLER’S Revenge – Eto ang rollercoaster na kung saan nakatayo kami sa buong ride. Okay naman siya bagamat umaangat ang groin protection (di ko alam kung ano ang tawag pero para syang clamp para manatili akong nakatayo) ko at binabangga ang aking pututoy. Buset!

Fear Factor: Taas kamay sa buong ride sana kaso nakakapit ang isang kamay ko kasi tinutulak ng isang kamay ang groin protection (?) pababa.

    • BATMAN The Ride – Masaya itong ride na to kasi ang bilis nya. Aakalain mong mahahagip ng paa mo ang lupa pag bumabagsak siya. Buti na lang pandakekok ako. Hehe!

Fear Factor: Taas kamay sa buong ride.

    • Colossus – kahoy na rollercoaster. Medyo exciting dito kasi biglaan ang bagsak.

Fear Factor: Taas kamay sa buong ride. Napakapit ako bigla sa bandang gitna kasi akala ko putol ang rail. Biglang liko lang pala.

    • Scream – Marami ring loops ang rollercoaster na to. sabi ng kasama ko, contradicting kasi hindi naman kami sumigaw. Baka dahil ubos na ang takot sa katawan namin. Hehe!

Fear Factor: Taas kamay sa buong ride.

Maagang nagsasara ang park kaya medyo bitin. Nung pauwi na kami, nag-suggest ako sa mga kasama ko na ako na lang ang magdadrive ng sasakyan namin.

Apollo: Pwedeng ako na lang magdrive pauwi?
Arby: Kala ko ba hindi ka marunong magdrive?
Apollo: Hindi nga. Bitin ako sa six flags eh. Subukan ko kung pwede magloop ang sasakyan.
Arby: Potah! Tumigil ka diyan!
Apollo: Ayaw niyo di huwag. Killjoy! Hmph!

Mabuhay!

Advertisements

Posted on November 5, 2012, in funny experiences, fyi, good news, kalokohan, lakwatsa. Bookmark the permalink. 20 Comments.

  1. Wala ata akong kayang sakyan diyan .

    hahahaha …

    Sa ferris wheel pa nga lang nasusuka n ko. 😄

    patayin mo n lng ako kesa gawin yung hands free thing. hahaha..

    auko ng ganyang klase ng lipad pare :p

  2. Ahahayay!Balak ko pa naman magyaya para subukan ang rollercoaster ride dito. Parang nagbago na isip ko.. Hehehe sasama na lang akong mamundok 🙂

    • ngye! bakit naman. mas safe ang rollercoaster kesa mamundok jan kasi umuulan ng rockets di ba?

      • Parang di kakayanin, matagal na magpapaikot ikot at babaliktad ung rollercoaster 🙂 mag iipon muna ng lakas ng loob hehehe
        Maghahanap na lang muna ng sulphur at oasis sa disyerto. ^_^ (wala naman sigurong maliligaw na rockets doon.)
        Good day na lang Inyo… 🙂

  3. nice!! an sarap siguro nun! gusto ko ma try!! ahihihi

  4. wow. naipost mo na rin ang iyong experience nung Aug pre. hehehehe. katakot na mga rides naman yan. lupit mo ah. salamat sa pagshare.

    ingat lang sa riddler revenge pre. baka masayang ang lahi. lols.

  5. winner! haha

    KJ talaga si Arby.. hehe

  6. gaya ni bagotilyo, hindi ako sanay sa ganito. hindi rin ako fan. hehehe

    kaya hanggang ngayon hindi ako nakakapunta ng EK. hindi ako magbabayad para lang mahilo at tumili. hehehehe

    pang fiesta carnival lang ako yung may hinuhulog na token. uga-uga. hehehe

  7. wow mukhang masarap ah!! ako din mahilig sa mga roller coaster!! panalo to apollo!! weeeee!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: