US Presidential Election 101 – update

Occurred: Nov 7, 2012
Written: Nov 7, 2012

*Andito po ang nauna kong post tungkol sa election*

Tama uli ang hula analysis ko! Panalo si Barack Obama. 303-206 kasi di pa tapos ang bilangan sa Florida na may 29 electoral votes. Pero mas magaling si Nate Silver kasi tama ang prediction niya in 49 out of 50 states! Ang galing niya kasi may algorithm siyang ginagamit. Ako, sariling analysis o pagkakaintindi ko lang sa current issues (kagaya ng pag-analisa ko sa nakaraang impeachment judgement) kaya pwedeng pumalpak. Seriously, mas mataas talaga ang tsansang manalo sa election ng isang incumbent re-electionist. Saka hindi pa naman pinal yan kasi di pa tapos ang botohan ng electoral college. Sisiguraduhin na lang ng Democrats na loyal sa kanila ang mga electoral nominees nila. Hehe!

Pagbigyan niyo sana uli akong “manghula”. Four years from now, magiging interesting uli ang susunod na presidential election nila dito. Para sa Democrats, nangungunang presidential nominee siyempre si VP Joe Biden. Pero matunog pa rin si Secretary of State Hillary Clinton. Maganda ang track record niya bilang secretary at bilang isang dating senator (bukod pa sa pagiging former first lady). Pag nagdesisyon siyang tumakbo sa 2016 (sinasabi niya kasi ngayon na wala na siyang presidential ambition), tingin ko in the bag na ang panalo niya. Impak, siya ang manok ko nung sila ni Obama ang naglalaban bilang kandidato ng partido nila noong 2008. Para naman sa Republicans, free for all pa siya. Pero nakini-kinita kong biglang babalik sa limelight si Sarah Palin. Tingin ko, sinadya ni Sarah na huwag tumakbo ngayon kasi mahihirapan siyang talunin si Barack. Kung sakaling marami na siyang natutunan by 2016 (hilaw na hilaw pa siya bilang VP candidate noong 2008 election), maganda ang magiging laban nila ni Hillary.

On a side note, nakakainggit ang political maturity ng bansang US kumpara sa atin. Ito ang ilang dahilan:

  • Social at moral responsibility ng mga botante ang bumoto rito. Hindi holiday ang election day nila. Ang iba, mas maagang bumoboto. Ang isang officemate ko nga, ni-mail pa niya ang boto niya kasi sa Florida siya registered. Ang iba naman, umaalis sandali sa office para lang bumoto tapos babalik ulit para magtrabaho. Sa atin, kailangan pa ng isang holiday para lang mapwersa ang mga taong bumoto. Tingin ko ganito lang iyan: kung pinahahalagahan mo ang banal na obligasyon mo para bumoto, gagawa at gagawa ka ng paraan para makaboto. Naniniwala ako sa kasabihang wala kang karapatang magreklamo kung hindi ka naman namboto (sa kabila ng pagiging botante mo).
  • Bagamat nagkaroon ng mga siraan (negative campaign) sa kampanya nila dito, di hamak na maliit siya kumpara sa siraan na nangyayari sa atin. Naalala niyo ba nung may isang kandidato na nagsabing may sakit sa isip ang isang presidential candidate natin? Really!? Seriously!? Dito achievements ang pangunahing basehan sa pagpili ng iboboto. Sa matinong debate nasusukat ang kanilang talino. Sa atin, kung sinong sikat panalo na. Di nga bat nagiging pulitiko na ang mga laos at palaos nating mga artista. Ang debate natin, parang fiesta. Palakasan ng palakpak ang labanan dahil kanya kanyang hakot ng palakpak crowd.
  • Pagtapos ng election, move forward na dito. Ang natalo ay magco-concede at mag-aalok ng tulong o suporta sa nanalong kandidato. Sa atin hindi. Matagal ng tapos ang election, may away pa rin.

Don’t get me wrong. Mahal ko ang Pilipinas. Sinasabi ko lang ang mga nasa taas para makita natin kung ano ang hindi maganda sa atin kumpara sa ibang mga bansa.

Syempre nangangarap din ako na sana maging politically mature din tayo balang-araw. Kung hindi man ngayon, sana malapit na.

Amen.

Advertisements

Posted on November 8, 2012, in corruption 101, current events, fyi, good news, politics, spur of the moment, thoughts to ponder, trabaho, world issues. Bookmark the permalink. 14 Comments.

  1. Patayan (literally and figuratively) ang pangangampanya dito sa Pinas, methinks.

  2. hehehe, ako rin yan nararamdaman ko. nakakainggit ang maturity. ang problema lang, parang imbes tayo mahawa, sila nahahawa sa tin.

    marami rami na ring drama, theatricals at mga intermission numbers and guestings ang ilang pulitiko nila unlike before. 😀

    pati mga botante, natututo na rin ng patron politics. At marami na ring balita ng dayaan dyan (although dati pa naman talaga daw may dayaan. hehehe).

    Pero overall, ibang iba talaga dyan. And ambilis din maka move on hindi lang ng mga talunang pulitiko maging ng mga botante. dito e ilang buwan at taon na, pinaguusapan pa rin yung pagkatalo ng binoto nila na diumano e dinaya daw kaya natalo.

    Sa GOP, marami nakapila. Baka si Ryan e mag presidente. o si Santorum. O kaya sila Bachmann, atbp. Sa democrats, parang mas alam na kung sino nakapila pero puede ring manggulat pa sila.

    At isa pang maganda pala dyan, ang nagbabanggaan talaga at pinaguusapan ng mga tao ay ang issue at posisyon ng mga kandidato sa mga usaping pambansa, hindi dahil mukhang makamahirap, dahil may dugo ni ganito at ganire, hindi dahil nakamayan sila o kaya e kakilala ng kakilala nila yung kandidato at kung ano ano pang kadramahan sa buhay. 😛

    • medyo naging talamak nga daw ang siraan ngayong election na to. di lang nila alam ang siraan sa atin. hehe.

      si Ryan, magaling sa economics saka ma-appeal sa tao. si Santorum, masyadong religion-based ang politics niya. si Bachmann, no comment. hehe

  3. agree ako sa mga pinagsusulat mo about sa political and voting system sa ating bansa. the ugly truth e parang malayo-layo pang journey para mabago ang ganito.

    ang galing mong analyst! mabuhay ka!

  4. masyadong malayo ang agwat ng politka ng Pinas sa Us. iba naman kasi ang aim ng mga politicians sa atin. mangilan-ngilan lang talaga ang may tamang hangarin. at totoo laging may samaan ng loob after ng election, at laglagan narin ang ginagawa nila. pag hindi kaya ibiblame naman nila sa iba.

  5. My mother was a Corps Sponsor at one time over there , at the University of the Philippines.

  6. LOL ! Yeah ! Sorry ! he he

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: