Lotto

Occurred: A few years in the past
Written: Nov 9/11, 2012

9pm. Excited kong binuksan ang tv dahil bola na ng lotto. Gaya ng nakagawian ko araw araw, bumili uli ako ng tiket sa lotto para sa bola ngayon. Sino naman ang hindi bibili e tumataginting na higit isandaang milyon ang jackpot prize. Kahit saang lotohan, mahaba ang pila. Laman na rin siya ng mga balita ngayon. Excited ang lahat malaman kung may mananalo.

Ayan na. Umpisa na ng bola. May nakapagsabi sa akin na may bayad pala yung mga nakukuhang judges (miron) sa bawat bola ng PCSO. Di ko tanda kung magkano pero higit daily minimum wage. Okay na rin kasi tutunganga lang naman sila dun. Ichecheck lang nila na walang dayaang nangyayari.

Uy! Nakuha ko ang unang numero. Ayos.

Uy! Pati pangalawang numero! Yey! Apat na lang!

Hala! Tatlo na! Mananalo ata ako. Wow! Pag nanalo ako, bibigay ko sa simbahan ang ikapu. Tapos magtatayo ako ng foundation ko para sa scholarship sa bayan namin. Bibigyan ko din ng tigsampung milyon mga kapatid ko pati si Nanaytot.

OMG! Apat na numero na! *Napasuntok sa hangin, takbo sa bintana at sumilip sa mga kapitbahay* Teka, dapat cool lang ako. Dapat hindi malaman ng mga kapitbahay na nanalo ako kung sakali. Kung pupunta ako sa opisina ng PCSO, magdadamit pulubi ako para hindi halata. I-invest ko muna yung kalahati ng jackpot para buhay na ako hanggang sa pagtanda. Pwede kong i-time deposit siguro. O kaya bibili ako ng mga malaking malaking bukirin tapos ipapasaka ko. Tapos magfranchise ako ng jabi! Oo! Mabilis ang ROI (return of investment) nun. Tapos magreresign na rin agad ako at mamamasyal ako sa buong mundo. Kayang kaya ko na ring bumuhay ng limang panganay nun. Syet! Ano pa kayang pwede kong gawin?

Fuck! Di nakuha ang sunod na numero. Kung anong bilis kong mangarap, ganun din kabilis mawala. Ay teka, baka pwede ba sa limang numero. Ilang libo din ang premyo dun.

Ay buset! apat lang nakuha ko. Hmp! Okay na rin ang 800 kesa wala.

Nakarelate tuloy ako sa nanay kong muntik ng nanalo ng 39M jackpot. Araw araw siyang tumataya ng lotto gamit ang alaga niyang numero. Nagkataon na hindi siya nakataya noong araw na lumabas ang numero niya. Ilang araw ding iniyakan ng nanay ko yun. Oh well, ganyan talaga ang buhay. Kunswelo na lang na lagi siyang nanalo ng huweteng sa amin (kahit ilang beses kong sabihan si nanaytot na huwag tumaya, lagi akong talo sa diskusyon kasi lagi nga naman siyang nananalo).

A few weeks earlier naman, kabaliktaran ang nangyari sa uncle ko. Nanalo siya ng 24.5M sa lotto. 49M ang jackpot at dalawa silang nanalo kaya hati sila. Ang ginawa niya, nagresign agad sa trabaho at bumili ng malaking bukirin sa probinsiya. Naging magsasaka na lang siya. Parehas na CPA ang uncle at auntie ko kaya tiyak na alam na nila kung paano palalaguin ang perang napanalunan nila.

Mula nung tumataya ako ng lotto, dalawang beses pa lang ako nanalo ng 800 petots. Madami dami rin naman sa balik taya. Pero manalo man o matalo, lagi pa rin akong tumataya. Alam ko naman kasing sa charity rin napupunta ang kinikita ng PCSO. Kesa ibigay ko sa mga namamalimos sa kalsada (fyi: labag sa batas ang magbigay ng limos sa kalsada) itataya ko na lang. May pagkakataon pa akong maging instant millionaire.

Amen.

Advertisements

Posted on November 12, 2012, in funny experiences, fyi, good news, kalokohan, lakwatsa, money matters, spur of the moment, thoughts to ponder. Bookmark the permalink. 17 Comments.

  1. May mga tao talagang swerte sa sugal/raffle… ako, wala as in.

    • parehas tayo pre. sa mga christmas party na kung saan lahat ay may premyo, ako pa rin ang nauunang matawag. syempre, sa akin din ang pinakamaliit ang premyo. haha!

  2. buti kapa nananalo. d kaya nabubunot ang pangalan mo palagi. ako isang beses palang ata. at wala nang kasunod yun. hahaha. Bawal sa batas natin ang manglimos at magbigay ng limos, pero parang hnd naman ata nila nabibigyan pansin ang batas na yun, lalo parin dumadami ang mga nanglilimos.

    • tama ka. hindi na pinapansin ang batas na yun kasi kontra-mahirap daw. sa opinyon ko naman, anti nga siya kasi mas natuturuan ang tao na maging tamad at umasa sa iba. 🙂

  3. aww, sayang. kainis pa yung napanood mo ng live talaga. tapos sunod sunod na lumabas yung apat. buti pang sa dyaryo na lang o kaya, una o pangalawa pa lang may di ka na tinamaan para di ka na umasa. hehehehe. ansaket nga naman talaga. sana nga suertehin tayo dito minsan pre. ako kasi hanggang 3 numbers lang lagi 😛

  4. Hanggang three numbers lang ako. Hehe. May balita naman dito sa amin, laging tinatayaan ng isang mayamang tao ang mga numero na yun, at palaging inuutusan ang isang pinagkaka-tiwalaang pedicab driver na tumaya ng lotto.

    Pumunta sa abroad si mayamang tao. At nagkataon namang tinataya pa din ni pedicab driver ang mga numero ni mayamang tao. Nanalo ng lotto si pedicab driver, 12M yata.

    Kaso, nang malamang nanalo si pedicab driver, naalarma si mayamang tao. Pumunta ng Pilipinas ulit at kinuha ang napanalunan ni pedicab driver, dahil numero daw nya yun. May tangka pa yang magdemanda.

    At dahil medyo hindi nakapag-aral si pedicab driver, binigay nya ang premyo dahil sa takot. Balita ko, binigyan daw sya ng 15k dahil sya ang tumaya.

    Makarma sana si mayamang tao.

    😀 Tumataya na din ako ng lotto ngayon. Kapag natsambahan, bigtime! Ililibre ko kayo ng sariling domain, kasama si idol TIG. Hehe

  5. kawawa naman si pedicab driver. sinamantala kasi wala siyang pinag-aralan? potek na rason yan.

    good to know na tumataya ka din. sana nga swertihin tayo. hehe!

  6. madala ako nakakapanaginip ng numero. sabi nila itaya ko.

    eh hindi ko alam kung paano e. kaya sigurio sa buong tanan ng buhay ko 2 beses pa lang ako tumaya.

    isang panaginip pa ng bongga, tayaan na ito. hehehe!

  7. ang swerte swerte naman ng tito mo .hahaha balato kamo :p

    minsan nataya din ako pag pakiramdam ko swerte ako noong araw na yon.

    Ang sarap sa pakiramdam kahit baliktaya lang no?. parang so near yet so far.hahahha

  8. ang sabi sa akin, malas daw ako sa kahit anong patayaan.. pero swerte daw akong mag suggest ng numero… so in other words, miron lang din ang beauty ko.. ehehehe ano binili mo sa 800 mo?

    • suggest ka ng number pre at patatayaan ko sa pinas. haha!

      pagkakuha ko ng 800, diretso agad ako sa barrio fiesta at kumain ng crispy pata at kare kare. ayus! haha!

      • maghahanap muna ako ng pwedeng tumabi sa akin sa pagtulog dito sa japan.. sa panaginip ako nagsasabi ng numero eh.. ehehehehe… uyyy crispy pata at kare-kare ng bario fiesta!! panalo nga!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: