The Script Concert

Occurred: Oct 19, 2012
Written: Nov 20, 2012

Nabasa ko kanina ang balita na magkakaroon uli ng concert ang The Script sa Pinas sa March 31, 2013. Nanood ako ng concert nila dito sa Minneapolis last Oct 19. I tell you: they rocked! Kasama kong nanood ang officemate kong kano. Actually niyaya ko lang siya manood kasi hindi niya kilala ang banda. (Lately ko lang nalaman na marami rin palang kano ang hindi nakakakilala sa maraming famous artists. Tingin ko, mas diverse pa ang music knowledge nating mga Pinoy kesa sa marami sa kanila.) Pumayag siyang sumama nung sinabi ng kateam niyang Irish na magaling nga ang bandang yun. Okay din ang timing ng concert dahil kakarelease lang ng third album (#3) nila.

Dalawa lang ang classification ng ticket: $80+ sa malapit/baba tapos $50+ sa balcony. Dun kami sa balcony. Sulit naman kasi mas malaki lang ng konti ang Orpheum Theater sa malalaking SM cinemas natin sa Manila. Di na kailangang gumamit ng telescope para lang makita ang stage. Hehe!

Pagtapos ng concert, nag-enjoy naman ang kasama ko kaya di naman ako napahiya. Eto ang ilang pictures na kinuha namin. Ang video ay dinampot ko sa youtube. Isipin nyo na lang na preview yan ng upcoming concert nila diyan. Enjoy!

“Oh these times are hard.. Yeah, they’re making us crazy. Don’t give up on me baby…” *Repeat till fade*

Special shout-out kay Glentot. Salamat parekoy kasi dahil sa post mo, nakilala ko ang The Script.

Next: Maroon 5 sa Mar 4, 2013. Excited me much! 😀

Advertisements

Posted on November 22, 2012, in current events, good news, music, spur of the moment. Bookmark the permalink. 23 Comments.

  1. gusto ko ang music ng The Script pre. galing ng boses ng bokalista nito. Comparable sa boses niya ang local natin na si Bamboo (para sa kin lang pre ah.hehehe). Ayos ang experience mo na yan. 😀

  2. Sana sa Mindanao naman 😀 hahahaha

  3. bakit ba hindi ko mahanap ang earphones ko ngayon. hehehe

    mas gusto ko ang Maroon 5 kasi mas marami akong alam na kanta nila. pero siguro may narinig na rin akong song ng mga ito.

    Mas trip ko yang ganyang venue. ganyan noong napanood ko yung kay Aiza. Ayoko yung sa MOA. kung hindi lang dahil sa BEP ang concert hindi talaga ako pupunta.

    Anyway, 2 lang naman ang pangarap kong panoorin ang BEP at si Michael Jackson. eh patay na yung isa at napanood ko na yung una. so wala na bye concert scene! daw?

  4. Super gustung-gusto ko rin sila mapanood fan ako eh since The Man Who Can’t Be Moved days nila hehe

  5. Paborito ko yung kanta nila na The Man Who Can’t Be Moved. Hehehe
    At naalala ko tuloy nang kantahin ito ni Bamboo at Gabriel Maturan sa Grand Finals ng X Factor Philippines. Asteeg.

  6. Nakilala ko lang din ang the script dahil nabasa ko yong post sa wickedmouth nung top ten/20 best album yata na pinakikinggan nya nung 2010 pero favorite ko ang Science and faith

  7. wow mukhang ok manood ng concert.. pero nung kabtaan ko 2 years ago, hindi ako nahilig manood ng live sa concert.. na trauma ata ako nung isang beses sa concert ng eraserheads… haayyy.. ayos to pre.. yung kasama mo ba ay kano o kana?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: