California Trip

Occurred: Aug 28 – Sept 3, 2012
Written: Nov 2/27, 2012

Last Aug – Sept, nagpunta kami sa California para mag-apply ng Canadian Visa. Plano ko kasing bisitahin ang tita ko sa Victoria BC sa pasko (napakalungkot ang pasko dito sa MN kapag nag-iisa ka). Mas madali kasi ang mag-apply ng visa dito kesa sa atin sa Manila. Mas maraming requirements at mas istrikto sila. Dito, kailangan mo lang ipakita na wala kang balak mag-TNT dun, okay ka na. 🙂

Ang Los Angeles ang isa sa visa processing ng Canada kaya dun kami nag-apply. Hindi pa kasi ako nakakarating dun kaya dun ko sila inaya. Nasa San Francisco din kasi ang kasama namin kaya malapit na lang sa kanila. Pagdating namin sa LA airport, nagrent kami ng SUV para may service kami sa aming pasyal. May mga officemates din kaming naka-assign sa LA kaya dun kami sa kanilang apartment nakituloy para tipid.

Pangalawang bisita ko naman sa San Francisco. Naghotel na kami sa SanFo para convenient sa aming lahat na makapamasyal. Para sa akin, ang SanFo ang pinakamagandang US city. So far kasi hindi pa ako nakakarating sa New York. Isa pang dahilan kaya ko gustong bumalik ay dahil gusto kong mameet ang ilang malapit na kaibigan during college days. Hindi ko kasi sila nameet nung unang punta ko dun noong Nov 2008.

Tinatamad akong magkuwento kaya hayan ang itenerary namin noon. Pwede niyong gawing template kung balak niyong mamasyal dun.

Aug 29:

  • Apply ng Canadian Visa
  • Hollywood. Di ako nagandahan sa lugar. Exaggerated ng media.
  • Staples Center, Beverly Hills
  • Sta. Monica beach
  • Chicken joy sa Jabi (Panorama, Ca)! *burp* Andaming Pinoy!
  • Gimik sa gabi.

Aug 30:

  • Universal Studios. Galing nung transformer ride.
  • Balik sa Canadian Embassy para kunin ang visa. May visa na ako! Yey!
  • Balik sa Universal Studios
  • Crispy pata, fried chicken, sinigang, etc… sa Max’s Restaurant (Glendale, Ca) *burp*

Aug 31:

Sept 1:

  • Long drive to San Francisco
  • Check in sa hotel at pasyal sa downtown sa hapon.
  • Gimik sa gabi

Sept 2:

  • Pasyal at wine tasting (ng mga kasama ko dahil di ako umiinom) sa Napa Valley
  • Outlet shopping. May nakitang mga kapamilya artista. keber!
  • Golden Gate Bridge. Ang lamig at ang kapal ng fog!
  • Dinner with college friends. Andaming Pinoy!

Sept 3:

  • Clam chowder breakfast at Boudin sa Fisherman’s Wharf. Nawala/Dinukot ang mamahaling camera ng kasama ko. Sayang ang mga pictures namin. Argh!
  • Pasyal sa Silicon Valley
  • Flight home to MN

Mabuhay!

Advertisements

Posted on November 28, 2012, in commute stories, funny experiences, GML, good news, kalokohan, lakwatsa, trabaho. Bookmark the permalink. 11 Comments.

  1. hehehe. lupet naman ng gala mo pre. lalo na yung may magandang pinay. yihiii!!!

    Sa Canada ka pala magpapasko. Wow naman. sarap ah. Kelan ba ang uwi mo sa Pinas? dapat magkita tayo sa susunod na uwi mo. Text mo lang ako, same number pa rin (kung naka save pa rin number ko ah, hahaha)

    kaya pala nagtatatalo ang Lakers, sumasideline pa si kobe sa pagtitinda sa labas ng mga Lakers apparel. tsk tsk.

    • ung nasa pic, random girl yan na kinunan ko sa six flags. napansin ata na kinukunan ko siya kaya nagpose. haha!

      magtatampo ang tita ko kung hindi ako pupunta dun. since elementary ako, gusto na niya akong pumunta dun. sa 21st month ako magbabakasyon jan sa atin pre para sagot lahat ni co. ang gastos. may number ka pa rin sa akin. ping kita para iconfirm bukas.

      marami talagang mga impersonator sa hollywood. trabaho nila yan. sisingilin ka nila kung magpapapicture ka kasama nila.

      • obvious nga ang posing ni ate. hehehehe. pero malamang, hindi yan si pinay girl. hahaha

        next post mo naman yung punta mo sa canada. sarap naman. san sila dun banda? di naman sa montreal? kamusta mo ko kela ahmed pag dun. hehehehe

        ok pre sige. balitaan mo ko sa pag uwi mo dito.

  2. sarap namn ng gala! nakakaingit!!

  3. salamat salamat! hihi!

    nakita ko si vice ganda. nasa harap ko siya nung nakapila kami sa cashier. kaya ko napansin kasi maraming mga pinoy ang lumalapit sa kanya para magpapicture. atras naman ako ng atras para di mahagip ng camera. haha! yung kasama ko naman, nakita nila si cristine at rayver. may show daw ata sila sa las vegas nung time na yun.

    • walang ano man.

      ah nakita ko rin yang si vice kasi dumaan naman kami sa laffline ata yun sa west ave. as in wala lang, kami. hehehe!

      siguro kunh pinagkakaguluhan din siya llapitan din namin. ,as maraming kaagad, yun ang may thrill sa pagpapa-picture.joke!

  4. nagutom ako sa pagkain.. amfpt.. makakain na nga.. ehehehehe.. nice nice pre!! teka.. baki si ate parang tumirik ang mata? kinumbulsyon ba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: