ROTC / CMT: demitkadit!

Occurred: College days
Written: Nov 28/29, Dec 3, 2012

Background: Noong high school ako, naging officer ako ng CAT. Third year pa lang ako noon nung nag-apply ako maging officer. Tuwing sabado ng madaling-araw hanggang hapon ang training namin. Martsa lang kami ng martsa. Ang pahinga namin, tikas pahinga paharap sa araw. Nilalagyan pa ng isang dangkal na tingting ang leeg namin para masiguradong nakatingala kami sa araw (nakaipit ang tingting sa pagitan ng baba at leeg). Hindi kami makakayuko kasi matutusok ang lalamunan namin. Kung minsan naman, pinagpupush-up kami hanggang sa di na namin kaya at nakadapa lang kami sa initan. Keri lang naman mga pahirap nilang yan kasi iniisip ko noon, ganun talaga ang training ng mga sundalo. Isa pa challenge na rin.

Cardinal days. Masaya ang ROTC/CMT ko noong college. Member kasi ako ng GML kaya may sarili kaming platoon. Special ang platoon namin. Kung umuulan, pinapapasok sa mga classrooms ang mga kadete. Para may magawa, may binibigay na lessons ang mga officers sa amin. Kami naman ngayon ang nagtuturo sa mga kadete. Parang instructor lang ang peg. Automatic din na sarhento ang ranggo namin. So kung hindi umuulan, wala kaming ginagawa. Nagpapalaki lang kami ng itlog sa isang lilim. Hindi kagaya ng lahat ng kadete (mga privates) na binibilad sa araw. Kaya naman ramdam namin ang inggit at matatalim na tingin nila sa amin. Hehe…

Dahil dati nga akong opisyal sa CAT, namimiss ko rin ang mga drills ng mga kadete. Parang “nalalambutan” ako na nakatunganga lang kami doon. Kung ikukumpara sa naranasan ko sa CAT parang pambata ang ROTC. Iyong mga opisyal namin, parang wala lang. Nadidis-appoint ako minsan kaya salbahe mode on.

Bago mag-uwian, may formation muna ang mga platoons. Dahil pandakekok ako, ako lagi ang nasa dulo. Kapag magbibilangan (count-off) na, ako siyempre ang nakatoka at magsasabi ng ganito:

“Ikadalawamput-isa. Huling bilang na po Ginoo!” *halimbawa lang ang dalawamput-isa*

Kapag trip kong mang-asar ng officer, isinisigaw ko ang linya ng ubod ng lakas. Tingin ko ganun naman talaga dapat.

“IKADALAWAMPUT-ISA! HULING BILANG NA PO GINOOOOOOO!!!!!!”

Kung minsan naman, bukod sa sigaw, sinasambit ko rin ang linyang yan ng ubod ng bilis at Ginoo lang ang malinaw na maririnig.

“IKADALAWAMPUT-ISAHULINGBILANGNAPOGINOOOOOOOO!!!!!!”

Noong una, nagulat mga kasama ko kaya nagtawanan sila. Ang opisyal namin, shocked lang. Nakanganga. Ako naman, seryosong seryoso ang mukha. Dahil gulat o natawa o naasar (mas madalas na natatawa) ang opisyal, ipapaulit niya ang count-off. Mag-uumpisa na naman sa isa ang bilangan hanggang sa akin. At lalo ko namang binibilisan at nilalakasan. Sa puntong ito, madalas na may magkamali dahil natatawa ang mga kasama ko. Hindi sila makapagconcentrate sa bilangan dahil inaantabayanan nilang lahat na dumating sa akin ang bilang. Dahil dun, lagi pinapaulit sa amin ang bilangan. Hindi rin kami makauwi nun tiyak. Lagi kaming naiiwan dahil nauuna nang magsiuwian ang mga kadete. Marami sa kanila ang nakikiusyoso at nanonood sa amin. Pati ilang opisyal, andun na rin sa platoon namin para mag-observe. Dahil dun pressured na rin ang opisyal namin. Lols!

Kapag nakailang ulit at built up na ang anticipation nila, bigla kong ibabalik sa malumanay (halos pabulong) at “malambot” na pagsabi ng:

“ikadalawamput-isa.. huling bilang na po ginoow…”

Hindi pa sumasablay ang banat kong ito kahit paulit-ulit dahil tiyak na sasambulat ang halakhak ng buong platoon pati ang mga nanonood. Maliban sa akin. Gustong gusto ko mang tumawa nagtitimpi lang ako. Pati mga opisyal, ilang beses ding hindi makapagpigil at natatawa na lang.

Ngayon, napapahiya ang opisyal kapag ganitong scenario dahil makikita ng lahat na hindi disiplinado or hindi iginagalang (dahil sa tawanan) ng platoon ang opisyal. To save face, lagi akong pinaparusahan. Ang parusa ko: 10 – 20 squat rash. Hindi ko maintindihan ang squat rash na to dahil tingin ko pang lampa siya. Bukod pa sa hindi ko masundan ang tamang pagkakasunod niya. Ang ginagawa ko, “nagrerequest” ako.

“Sir, pwede pong push up na lang?”

Sigawan/Kantiyawan na naman ang platoon. Di hamak kasi na mas mahirap na parusa ang push up kesa sa squat rash. Pag tinatanong ako kung bakit, sinasabi ko na hindi ako marunong ng squat rash. Hindi ako nagyayabang. Totoo kasing hindi ko masundan ang lintek na squat ekek na yan. Mas confident ako sa push up dahil I eat push ups for breakfast yan ang madalas naming meryenda sa drills namin noong high school. Pagtapos ng parusa ko, saka na kami papauwiin. Tinatanong ako nung mga kasama ko bakit daw hindi ako natatakot sa mga opisyal. E bakit naman ako kako matatakot? Dati rin kako akong opisyal (isa akong kapitan noon). At tingin ko, di hamak na mas brutal mahirap ang pinagdaanan ko kesa sa pinagdaanan nila. Anong gagawin nila sa akin? Paparusahan nila ako ng squat rash? Ako na nga ang nagsasabing dagdagan nila ang parusa di ba? Lols!

Deep inside gusto ko kasing sabihin sa platoon na may dahilan kaya sa lalake lang binibigay ang ROTC/CMT. Reserved Officer Training Course / Cadet Military Training. Bigyan naman sana namin ng kabuluhan ang mga salitang yun. Kung ang purpose nyan ay maging malambot kami e di nagsulsi na lang kaming lahat sa Cardinal compound. Lalong lalo na yung mga officers. Tingin ko nga, gusto lang makakuha ng scholarship ng mga opisyal na yun. Anlalambot.

Pagtapos ng isang sem. Nagquit ako sa special platoon namin. Nagpademote ako bilang kadete. Private ang ranggo ko. Gaya ng karamihan, isa na ako sa mga ibinibilad sa araw. Tingin ko  unfair na andun ako sa silong samantalang nagdurusa ang marami sa ilalim ng araw. Nung nakita ako ng officer na madalas kong “biruin”, kinuha niya ako sa ilalim niya tapos binigyan niya ako ng special task. Naging paborito niya akong kadete. So tingin ko, nakuha niya ang message na gusto kong iparating sa kanya at gumanti lang siya ng pabor sa akin.

“Tumiwalaaaaag!!!”

Advertisements

Posted on December 4, 2012, in funny experiences, GML, kalokohan, school stories, thoughts to ponder. Bookmark the permalink. 19 Comments.

  1. ahahahaha!! panalo to pre.. ganyan din ang sinapit ko… dapat nga magooficer din ako sa ROTC.. kaya lang nung nakita ko ang pinaggagawa sa kanila.. parang lokohan lang.. mas matikas pa nga nung CAT.. asyuwer!

    • haha! sumatutal, masaya pa rin ang ROTC. madami tayong kalokohan.

      pag may naligaw na babaeng pumasok pag linggo, yari na. umaalulong ang buong compound. hahaha!

      • ahahahahaha! tama tama!! ganyan nga talaga!! ahahahaha!! mamumula at manliliit yung babae.. ehehehehe…

        • may isang beses na nasa classroom kami noong GML pa ako. ako ang nagtuturo sa mga kadete. nasa west building ata kami noon tapos may kabahayan sa likod nun. pagtingin ko sa bintana, may nakita akong babaeng nagbibihis sa isang bahay. napa WOW ako ng malakas dahil nagulat ako. too late, ambilis makapick-up ng mga kadete ko. next thing i know, nagtakbuhan at nagsisigawan na sila sa bintana. in fairness dun sa babae, nakabra na lang siya tapos hindi naaninag ang kanyang mukha. 😀

          matanglawin! lols!

  2. ikaw na talaga ang nagbebreakfast ng push up!. Sa panahon namin tinanggal na nila ang CAT. kya wala sa kahit kaninong kabatch ko ang naka experience nito. Infairview tuwang tuwa kami kasi hindi na kailangan pumasok ng sabado. hehehe. >:D

  3. Reblogged this on Incrediblejepoy's Blog and commented:
    OMGAAWD GML ka???!!!! Isa kang dyos! Isinusumpa ko ang GML. Bagsak me ng Analytic Geometry lolz

  4. Wow GML! Valedictorian nung high school!!! Dahil sa gml class take 2 ako ng analytic geom! Lol

    Wala akong bagong blog i was just trying to figure out how to comment here again. Loo

    • ah okay. ang alam ko, makakapagcomment ka pa rin using your blogspot (gaya ni kotz) sa taas.

      what do you mean dahil sa gml nag take 2 ka sa analytic geometry? ibig sabihin gml ka rin. haha!

  5. hahaha, naalala ko rin ang mga nakakatuwang moment ko nung CAT. nag-try ako na magbanda para lang makaiwas kaso wala rin palang choice. Lagi kaya akong kabado sa formation, ilang beses na rin akong hinimatay dahil sa anemic pala ako at natutunaw ako sa sikat ng araw (bampira lang).

    nakakahiya lang sa officer na crush ko pag nakikita ko na nakikita nya na pinaparusahan ako.ahiihiii. tapos naiiwan kami ng kausap kong kadete, kakadaldal. ahahaa

  6. CAT Officer din ako dati. lahat ng pahirap sa training pati parusa nakayanan ko. Hanggang ngayon marunong pa rin akong humawak ng swords at paikotin ito sa mga kamay ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: