Happy Christmas Manny!

Occurred: During Pacquiao-Marquez 4 fight (Dec 8-9, 2012)
Written: Dec 9, 2012

Andito ako ngayon sa apartment ng officemate ko. Nakaugalian na namin na magkakasamang manood tuwing may laban si Manny Pacquiao. Una, parang get together na rin namin. May pot luck kaya siguradong busog sa pagkaing Pinoy. Isa pa, hati hati din kami sa bayad sa pay per view ng laban.

Ang dinner namin kanina: pork sinigang, adobong sitaw at roasted chicken. May letse leche flan at pakwan din kaming dessert. Saraaap! Dami kong nakain. Hehe.

IMG_1304

Bago kami kumain kanina, may kumatok. Pagbukas ng pinto, nagulat kami dahil may nakadamit santa. Akala namin mangangaroling kasi may dalang gitara ang kasama niya. Pinapasok namin sila para hindi sila nakaharang sa corridor ng apartments. Nagulat kami pagpasok dahil andami pala nila! Tingin ko higit tatlong pamilya. May kasama pa silang mga bata at sanggol. Eto ang catch: mga bumbay silang lahat.

Medyo duda ako nung una kasi mga Hindu ang karamihan sa kanila dito. I was half-expecting na may mangyayaring twist. Mali ako. Turned out, mga Kristiyano nga talaga sila. Member daw sila ng isang Christian community dito at naglilibot sila para bumati sa mga bahay bahay (o mga apartments). Kumanta sila ng mga Christmas songs. Nakakatats ang pagkanta nila. Seryoso, muntik akong naiyak. Nagpigil lang ako kasi it’s so gaaay. Lols!

Habang kumakanta nagbubulungan kami kung may cash kaming pambigay sa kanila.

Ate Vi: May cash ka jan?
Apollo: Oo. Meron ako.
Ate Vi: May $20 ka? Bigay tayo ng tigsasampu bawat isa.
Apollo: Sige okay lang.

Pagtapos nilang kumanta, isa isa nila kaming binati ng “Happy Christmas”. Naalala ko tuloy ang pagbati ng mga taga-UK at nasabing malaki talaga ang impluwensiya ng Britanya sa kanila. Inabutan din nila kami ng konting regalo. Parang candy ata na nabalot yun. Hey, it’s the tot thought that counts!

Tapos tinanong nila kami kung may gusto daw kaming ipa-pray over. Nabanggit namin ang katatapos na bagyo sa Pinas at ang katayuan naming mga malalayo sa pamilya. On that spot, pinagdasal nila (at namin na rin) ang kalagayan ng ating mga kababayan lalo na yung mga nasalanta ng bagyo. Kasama rin syempre ang kaligtasan ng mga pamilya namin.

IMG_1321

Bago sila umalis, inabot ko ang pera namin sa kanila. Nagulat kami kasi hindi daw sila tumatanggap ng pera. Gusto lang nila talagang ipalaganap ang diwa ng pasko. Nag-insist ako na kung pwede, aginaldo na lang namin para sa mga bata. Hindi daw talaga. Masaya daw silang gawin ang bagay na yun tuwing pasko. Fuck! Natats talaga ako. Faith in humanity restored.

So kahit natalo si Manny sa laban niya, hindi gaanong nakakalungkot kasi may magandang nangyari ngayong gabing ito.

Amen.

Advertisements

Posted on December 9, 2012, in current events, good news, sports, spur of the moment, thoughts to ponder. Bookmark the permalink. 24 Comments.

  1. nung makita ko yung mga picture, nagtataka talaga ako. buti nung binasa ko post mo naliwanagan ako.

    “Turned out, mga Kristiyano nga talaga sila.”

    • galing nga eh. amazed pa rin ako.

      nung nagpunta ako sa india at nagpunta sa mga catholic na simbahan, konti lang talaga mga nagsisimba dun. tiny fraction lang sila ng overwhelming hindu population.

  2. now that’s the spirit of Christmas! go, iyak naaaa. πŸ˜€ bahala nang “ssoooo gay”. πŸ˜€

    merry Christmas!

  3. Nakakaluha naman!
    Homesick! Waaaaaaa πŸ™‚

    Merry christmas po!

    • happy christmas din. i’m glad at may ceasefire na uli jan. pero wag pakakasiguro, ingat pa rin palagi. πŸ™‚

      • yun nga buti may ceasefire.
        *sana di pansamantala.

        …salamat πŸ™‚

        • naku, wag kang magpakampante sa ceasefire na yan. judging from the past decades, hindi nagtatagal ang ceasefire jan. ingat ka pa rin palagi..

          bibisita pala si manny at ang pamilya niya jan sa holy land ngayong pasko. πŸ˜€

          • 2009 nung last nanagkagulo, 2012 naulit ulit…. Tapos maligalig pa mga katabing bansa 😦 ala naman! Kainaman hehehe

            Dalawin kaya si froggy ni manny? Hahhaha abangan ko sa bukana ng western wall hehhe…
            Salamat uli…
            Maligayang pasko ULI!

  4. masasabi ko lang hindi sila pinoy. kasi pinoy lang ata ang nangangaroling na dapat magbibigay ka. tama ba? or baka masyadong judgmental lang ako. hehehe Happy New Year!

    • hmm.. actually, that’s a good question. di ko rin alam kung tayo lang yung nagbibigay sa nangangaroling eh. haha!

      nakakahiya nga kasi sila pa ang nagbigay ng gift sa amin. πŸ˜€

  5. aga ng pasko pre at mukhang masaya talaga. at ang sarap ng ulam nyo. heheheh. Happy Christmas. πŸ˜€

  6. Baket walang kang picture?! excited pa naman akong makita ang full photo party looking mo. LOL Naalala ko nasa US ako nung laban ni Pacman at Marquez noon ginagagawa din namin yang ginagawa nyo!…

    At marami pa kameng may mabubuting puso sa panahon ngayon… Pag na approve ang pass ko lilipad ako ng US sunduin mo ko sa Airport ha mag VL ka. LOLz

  7. oi maganda yang ginawa nila a. kahit nga natalo si Manny may na-experience kayong naiiba bago mag-Pasko. wahhh sarap ng leche flan! (ay wala pala sa pic. hehehe)

  8. naiiyak ako ngayon dahil sa kanila .. its soooo gay :p

    Merry christmas bro. Sakin mo n lng ibigay yung dapat na ipang aaginaldo mo sa kanila. wahhahah

  9. awww.. nakaka touch nga yan.. nakakatuwang mga mga tao pa ring handang magpasaya sa kapwa.. mangaroling ka rin pre..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: