Delta 5850

Occurred: Dec 22, 2012
Written: Dec 24, 2012

6am. Maagang dumating ang super shuttle para sunduin ako sa apartment.

620am. Minneapolis Airport. Checked-in. The usual rigid US security as ever. Buti na lang talaga mukha akong mabait kaya smooth sailing sa akin. ๐Ÿ˜€

650am. Nasa departure gate na ako. Isa ako sa pinakamaagang dumating. Got a seat malapit sa electric outlet. Took out my tablet, plugged it and watched the first Die Hard movie.

920am. Finished the movie. Boarding time. Hindi nila kinuha ang I-94 ko dahil sandali lang daw akong lalabas ng US.

In-flight. Napanood ko rin ang second Die Hard movie. Nagkataon na related sa plane/airport disaster ang pelikula. Dalawang eyrpleyn ang sumabog bukod pa sa airpost chaos scene. Di ko alam kung napansin ng katabi ko ang pinapanood ko. Hehehe.

A few hours into the flight, nagkaroon ng emergency. Nagtanong ang stewardess kung may medical practitioner sa flight. Turned out, nagkaroon ng mild stroke yung isang babae. Ilang segundo daw siyang nagpassed out then naging responsive din after a few minutes.

1120am Vancouver time. Touchdown. May medics nang naghihintay sa amin pagbaba. Dami nilang umakyat para asikasuhin ang babae. I hope she’s fine.

12pm. Immigration. The usual questions. Buti na lang talaga mukha akong mabait. Lols. Smooth sailing pa rin. Paglabas ko, sinalubong ako ng aking uncle at auntie. Laging maulan sa lugar na ito. Buti na lang di hamak na mas malamig sa MN kaya keri lang.

1-3pm. Naglibot muna kami sa Vancouver. Dinala nila ako sa downtown, sa Stanley park, etc. Naglunch din kami sa isang Thai restaurant.

3-430pm. Dinala nila ako sa isang mall sa West Vancouver to pass the time dahil 5pm pa ang departure ng ferry going to Nanaimo, BC. Nasa isang island across Vancouver kasi ang Nanaimo kaya kailangan pang tumawid dun. 1 hour 45 minutes din ang ferry ride.

430-7pm. Pagdating namin sa ferry terminal, puno na daw ang 5pm ride. Dahil nga siguro holiday season kaya maraming tumatawid. Marami na ring nakapila sa 7pm ride kaya we decided na maghintay na lang. There we were in the road, more than 50 cars, waiting for the ferry. More kuwentuhan. Napaidlip din ako dahil sa pagod at antok.

7-10pm. Past 7pm na nung nakasakay kami sa ferry. Sabi ni uncle, yung ferry daw na yun ang pinakapangit sa lahat ng ferries. Nalungkot ako. Di hamak na mas maganda siya kesa sa ferries natin sa Pinas. Sa lower levels nakaparada ang mga sasakyan at sa upper levels naman ang mga pasahero. Halos 8pm na nung umalis ang ferry.

10pm. Arrived at Departure Bay, Nanaimo, British Columbia. From the port, 10 mins away lang ang bahay nila. At long last, nakarating din ako dito. Yey!

Departure Bay view from my Aunt's porch

Departure Bay view from my Aunt’s porch

Advertisements

Posted on December 26, 2012, in commute stories, fyi, good news, lakwatsa. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. Mahaba-habang panahon yan para turuan ng kalokohan ang pamangkin. hahaha!

  2. Happy New Year Apollo!

    pag-ingatan mo na lang yang mukhang mabait na yan. dahil yan ang asset mo. hahaha

    mabuhay!

  3. Mukhang mabait pala eh. Anong sinabi ng rigid security nila sa mabait mong mukha LOL

  4. Yey! Canada! nadalaw mo ba ang office ng mga counterparts natin dyan dati? hehehe

    Happy new year pre and Merry Christmas!

  5. Wew. Buti pa si Idol kayang kayang mag-travel kung saan saan! Hehe..

    At anyway, Happy New Year, idol!

    Alam kong busy ka sa buhay, pero gusto kong ipaalam na *drumroll please* kasama ka sa listahan ng magagaling na bloggers na alam ko! Hehe

    http://thetoiletthoughts.blogspot.com/2013/01/the-liebster-blog-award-part-1.html

    • maraming salamat po sa iyong pagkilala ngunit subalit datapwat ako’y hindi magaling na manunulat. isa lamang akong hamak na salbahe.

      happy new year din sayo. ๐Ÿ™‚

  6. hmmm mukhang abalang-abala si kuya. hehhe

    advance happy valentine’s day na lang. mabuhay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: