Que Sera Sera

Occurred: College days
Written: Jan 28, 2013

College days. Mechanics subject. Sa kalagitnaan ng klase, (di ko maalala ang dahilan kung bakit) napunta sa pirma ang usapan namin. Sabi ng teacher namin, makikita daw sa pirma (signature) ang ugali/personalidad ng isang tao. Syempre, awtomatikong kasunod niyan ang paghingi namin ng patunay.

Isa isa kaming pumirma sa isang papel tapos pinasa namin kay teacher. Pirma lang tapos walang pangalan. Titingnan naman ni teacher ang pirma tapos sasabihin niya ang nabasa niyang ugali/personalidad ng may-ari. Hindi ko na maalala ang iba dahil wala naman akong pakialam. Hindi ko makakalimutan ang isang ito:

teacher: Hmm… Etong taong ito, aktibo ang sex life niya.
kami: Bwahahaha! Sir, ibig sabihin manyakis siya?
teacher: Hindi naman.. sabihin na lang natin na ma-el (malibog. bawal ang foul words. nasa classroom kami)
kami: Nyahahaha! Sino yan sir?
teacher: Kaninong pirma to? *itinaas at ipinakita ang pirma*

Lahat kami takbo sa unahan para makita ang pirma. Uy hindi ko siya pirma. Hehe! Lahat kami, pigil hininga sa paglinga hanggang sa may nagtaas ng kamay.

student: Sir, akin po iyan.

Lahat kami natulala ng eternity. Mga 2 seconds. Tapos masigabong tawanan. Babae ang may-ari ng pirma. Nyahaha!

Bagamat nahihiya, nakasmile lang ang babae. Buti na lang at sport siya. Kilala din kasi namin siyang may bf at schoolmate din namin ang bf niya. Lahat kami, masaya para sa bf. Ang suwerte ng hayuf! Lols!

Ganito ang paliwanag ni guro: kapag may pabilog daw sa bandang baba at unahan ng pirma, yun daw ang patunay na aktibo ang sex life malibog ang tao. Fine. mas malibog kung ang basehan ay malibog LAHAT ng tao. Mas malaking bilog, mas malibog. Daw.

Tuloy ang mala-FBI na signature analysis. May isang pirma siyang tiningnan. Kumunot ang noo niya. Ang hirap daw basahin. sabi niya, unpredictable daw ang ganoong mga tao. Tapos pinakita sa amin ang pirma.

Pirma ko siya.

Doon ko napagtanto na baka nga totoo ang pirma-shit na yun. Kahit ako, madalas na hindi ko maintindihan ang sarili ko.  Ilang beses ko nang sinubukang pag-aralan sarili ko just to be contradicted by myself again and again.

Gaya netong mga nakaraang araw. Alam kong marami akong kuwentong nais na mapost dito sa blog. Ang iba, nasa notepad na. Copy paste na lang. Pero kapag nagbubukas ako ng notepad o ng mismong blog, tinatamad ako bigla. Di ko alam kung bakit. Dahil diyan humihingi ako ng paumanhin. Sana mauntog ako at sipagin uli.

Whatever will be, will be.

p.s.: dahil naturuan din kami ng aming guro, may konti na rin akong alam. sa mga gustong magpabasa ng pirma, mangyaring ipadala sa aking email ang kopya ng inyong pirma, proof of purchase at credit card number. Lols!

Advertisements

Posted on January 29, 2013, in funny experiences, fyi, kalokohan, school stories, sexy stories, spur of the moment, thoughts to ponder. Bookmark the permalink. 27 Comments.

  1. * cough * I have my handwriting on my blog…. I wonder what I am… he he * runs off *

  2. Sige, ipa-check ko yung pirma ko sayo, hehe

  3. taena pabilog simula ng pirma ko hahaha

  4. yung teacher ko sa math noon, na leader din ng singles/couples for Christ sa Adamson ay sinabing:

    yung akin siyete kahaba ocho kabilog… ugat pa lang.

    =))

  5. ang tanong: marunong ba siya gamitin yun? lols!

  6. Ala naman! Unang letra ng pirma ko di pwedeng di bibilog… Hahaha *paano gagawin yung deretso 🙂

  7. Pirma ko nag eevolve e. akala ko yun pa rin pirma ko pero minsan, di na ko nakapag withdraw dahil magkaiba na pala pirma ko years ago. hahahaha. pabilog? panong pabilog? sample naman. 😛

    • for example: yung bilog na nabubuo sa ibaba pag nagsulat ka ng letrang y, g, j, etc.. ganun. pag malaki daw ang bilog lalo na pag sa bandang unahan. kung minsan, kahit iba ang letter may tendency (subconsciously) na gumawa pa rin ng pabilog sa pirma..

  8. eh paano kapag patulis ang pirma? ehehehehe.. pwede ko bang lakipan ng proof of purchase yung ipapadala ko sa iyong email? wrapper ng tide pwede na ba?

  9. Shit nahihiya ako sa pirma ko… May bilog sa unahan….. Malaking bilog……..

  10. hala! pirma ko isang malaking bilog lang. Eversince yon na pirma ko.

  11. ako rin nag-self study rin ng handwriting analysis. katuwaan lang pero yung mga kaklase ko nung college mukhang sineryoso may time na may pila pa ha. hahaah! sana pala nagbayad na ako nun o at least nangutong.

    hmmm try ko nga yang alok mong analysis. paano nga ba?

  12. ayokong ipabasa ang pirma ko sa titser mo. lalalallala..

    wala kaong tinatago. wahhahaha

  13. ganyang klase ng teacher ang gusto ko!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: