Work From Home

Occurred: Feb 11, 2013
Written: Feb 11, 2013

Higit isang taon na ako dito sa aming kliyente sa US pero nahihiya/maingat pa rin akong humingi ng permiso upang mag work from home (WFH). Hindi naman mahigpit ang aming kliyente sa mga ganito. Impak, napakaluwag nila. May mga empleyado sila (na kateam ko) na WFH ng 2-3 days sa isang linggo! Dahil nga sa kadahilanang sila ang nagbabayad ng serbisyo namin, ayaw ko namang umabuso. Ginagamit ko lang siya for emergency reasons gaya ng may hinihintay akong importanteng package from Amazon mag-aayos ng internet ko sa apartment, medyo masama ang pakiramdam, snow storm, etc. Isa pang dahilan kung bakit ayaw ko sa WFH ay dahil madaming tukso. Mas makakapagtrabaho (wow, trabaho talaga! Lols!) ako pag nasa opisina ako. I’m so afraid of myself really.

Kamakailan ko lang napansin na madami pala sa mga kasamahan ko sa sakahan (contractor ang sakahan namin ng aming kliyente) ang madalas na mag-WFH. Pati ang bago kong kasamang anap, ura-urada lang pag mag-WFH. Sasabihin lang nila na WFH sila okay na. Nagulat ako kasi humihingi pa ako ng approval mula sa kliyente at boss sa sakahan. Naisip ko, masyado talaga akong mabait (naks!). O matatakutin.

Dahil diyan, medyo tumapang na ako. Ngayon nga ay WFH ako dahil sa may snow storm dito. Ayaw kong matraffic sa daan (as if di ako sanay sa traffic sa EDSA. hehe). Nagtatrabaho, nagbablog, at nagbabasa ng online news habang nakabukas ang CNN sa TV. At habang nakikinig (at kumakanta) ng one thing ng one direction. Lols! (Hep, I’m not gay. Natutuwa lang ako sa kantang iyon sa parehas na dahilang gustong gusto ko ang Emperor Wurm ng Wolfgang).

Dahil diyan medyo nag-ayos ako dito sa apartment. Para naman kako sipagin akong magtrabaho. Eto ang aking “work space”.

IMG_20130211_143751

Ang playlist ko ngayon:

  • one thing / one direction
  • sugar, we’re going down / fall out boy
  • iridescent / linkin park
  • call me maybe / carly mae jepsen
  • locked out of heaven / bruno mars
  • the a team / ed sheeran
  • die young / ke$ha
  • we are young / fun (tama ako sa forecast ko months ago na magkakaroon ng award tongkantangto)
  • love story / taylor swift
  • good life / one republic
  • clumsy / our lady peace
  • you’re beautiful / james blunt
  • the freshman / the verve pipe
  • iris / goo goo dolls
  • so little time / arkarna
  • tatoo / jordin sparks
  • your guardian angel / the red jump apparatus
  • body language / jesse mccartney
  • mr know it all / kelly clarkson
  • leavin / jesse mccartney
  • emperor wurm / wolfgang

tidbit: Nagresign na pala si santo papa. May pag-asa pa kaya akong maging santo papa some day?
Good read: Bill Gate’s AMA! He is more interesting (personally speaking) than Steve Jobs a hundredfold.

Good life indeed!

Advertisements

Posted on February 12, 2013, in current events, fyi, good news, kalokohan, spur of the moment, thoughts to ponder, trabaho, world issues. Bookmark the permalink. 14 Comments.

  1. Wow, sarap, it has always been may wish na makapag-work from home. As in, home lang talaga at walang mother unit na opisina hehehe. Pag natuto na siguro akong tumaya ng lotto at baka manalo ako hehehe

    Ay, favorite ko ang one direction ngayon. Pagkatapos kong pagtripan ang Boyce Avenue ay sila naman ang trip ko ngayon 🙂 Wala lang, napakuwento lang haha.

    • yun ang maganda sa american/western companies.. as long as you get the job done, walang kaso kahit na work from home ka. on the other hand pag pumalpak ka, you can be fired right there and then. so patas lang. 😀

  2. Pre, di pa huli ang lahat. Pag uwi mo, diretso ka na ng seminaryo. 😀

    Pareho tayo pre, di rin ako maabuso sa wfh. At ganon din ang dahilan, mas focused ako pag nasa ofis (naks, focused). masarap lang dati dun sa proj natin, sa team namin, may isang linggong sked talaga kami ng wfh. ngayon naman, meron kami designated na 1 day per week.

    At pareho lang tayo, enjoy ko rin ibang one direction song lalo na yung what makes you beautiful. sinasayaw kasi ng anak ko yun lagi. hehehe

  3. work from home din ako ngayung week…niyahahahh!pa feeling lang..balik din ako sa end of Feb…yahoo!

  4. hinanap ko sa playlist mo any song from the script, at wala ang payphone?

    Buti nakikinig ka kay kelly clarkson, College days ko pa ang red jump apparatus.

    ayaw ko ng wfh, wala akong nagagawa. makikinig lang ako ng music pag trip sumayaw, sasayaw, basa ng blog, kain at tulog tapos. hahaha!

  5. tama ka ang daming tukso pg sa bahay ang work. nitong freelance ako mas nag-o-overtime ata ako kaysa sa opisina namin. hahaha!

    maganda talaga pag may music nakakapag-set ng mood at nakakadagdag ng inspiration. pero depende rin yan, lalo na kung mas kumakanta ka na kaysa nagtatrabaho. hahha! gawain ko kasi yan.

    Mabuhay!

  6. Wow! Sarap naman at WFH! Kaya nga lang maraming tukso.. Training yan para maging papa. Este santo papa pala…

  7. Pakidagdag ang awiting nagnga-ngalang “Pusong Bato” saiyong playlist, please. Thanks.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: