Excommunication starts in 5, 4, 3…

Occurred: Present
Written: March 1, 2013

Naglagay kamakailan ang isang simbahan sa Bacolod ng tarpaulin na nagsasabing huwag iboto ang mga kandidatong sumang-ayon sa RH law. Pinagsabihan sila ng Comelec na labag sa batas ang ginagawa nila dahil lumagpas sa itinakdang laki ang kanilang trapal. Kung hindi daw nila tatanggalin iyon, kakasuhan sila ng Comelec.

Nagreklamo ngayon ang simbahan. Labag daw yun sa kanilang freedom of expression. Nagfile din sila ng petition for temporary restraining order (TRO) at injunction sa Supreme Court para pigilan ang Comelec na tanggalin ang nasabing tarpaulin. Wala din daw karapatan ang estado na pakialaman sila dahil sa principle of separation of Church and State.

Separation of Church and State my ass!

Noong hindi pa napapasa ang RH law, nakikialam kayo sa paggawa ng nasabing batas. Sigurado ako na hindi niyo inisip (o sadyang hindi pinansin) ang separasyon ng simbahan at estado. Ngayong kakasuhan na kayo dahil mali ang ginagawa niyo, saka kayo nagsisigaw ng separation clause na yan. Come on, make up your mind! Lumalabas lang tuloy na bitter kayo.

Ang dami dami niyong ginagawang dahilan. Ang bottomline ay lumalabag kayo sa election rules. Sabi nga ni Comelec Chairman Brillantes, itama nyo ang sukat ng tarpaulin niyo at wala ng problema. Bakit ayaw niyong sumunod ngayon?

Bilang isang romano pilosopo katoliko, paano ako susunod sa mga utos niyo kung isang simpleng panuntunan ay hindi niyo masunod?

Nililinaw ko lang, karapatan niyong ipahayag ang sarili niyo sa ganang karapatan ko ring magsabi ng niloloob ko ngayon. Maganda at sang-ayon ako sa tarpaulin na yan. Pero bakit ngayon niyo lang ginagawa yan? Sana noon pa. Ngayon, lubos lubusin nyo na para makabawi kayo sa blooper niyo. Maglagay din kayo ng:

  • Team Babaero list – mga pulitikong maraming pamilya. Pag sinoportahan niyo si ERAP, iisipin kong okay lang na mag-asawa ng madami. Hinding hindi kayo magdadalawang salita sa akin. Gagayahin ko talaga siya. Lols.
  • Team Political Dynasty list
  • Team Gambling Lord list – Hello Pampanga!
  • Team Balimbing list
  • Team Bobo at Walang Ginagawa list
  • Team Kurakot list

…pero teka, baka wala ng matirang kandidato. Fuck! We’re doomed.

Advertisements

Posted on March 2, 2013, in corruption 101, current events, fyi, politics, spur of the moment, thoughts to ponder. Bookmark the permalink. 7 Comments.

  1. politics is so dirty….. and so is the church hierarchy in the Philippines. they should take care and educate, give food , support financially those children who were born but couldn’t be taken cared of by the parents. It’s natural for married couple to have sex, but it’s tragic that every sex would resort to having children.

    • I beg to disagree dear.. hindi lang naman sa pinas. remember Cardinal Roger Mahony of LA? 😀

      i’d prefer anytime a church na pakialamero sa election than a church that is covering up sexual abuse.

    • Salamat pre sa pag post na ito. Nakaantabay din kasi ako sa balitang ito. Alam mo rin siguro na ang posisyon ko patungkol sa simbahan at sa turo nila pero pag may mali, nagccriticize din ako. Tama din na naccriticize ang mga tao ng simbahan dahil tao lang sila at minsan kailangan din paalalahanan. may fave nga ko na blog na mahilig magcriticize din ng mga mali kahit mga cardinal, obispo o pari di pinapatawad. share ko sa yo minsan ang link. Pinoy sya.

      Dito sa issue ng tarpaulin, may batas talaga sa size. ayon sa batas dapat ay 2×3 ang mga poster na ginagamit ng mga kandidato na dinidisplay sa mga public places. yun yung nasa comelec rule. ang tanong dito is public place ba na matatawag ang simbahan? sa pagkakaalam ko, private owned ang simbahan sa batas. pag-aari ng diocese. Same thing sa mga bahay ng mga kandidato, ng mga buses at vans nila na gamit sa pangangampanya. o kaya ay sa mga headquarters nila. Sa mga buses, vans, headquarters at bahay ng mag kandidato, anlalaki ng tarpauline na nakikita ko. pati sa mga nag iikot na mga campaign vehicle nila. sigurado ako na hindi 2×3 ang size ng mga yun. pero bakit ang diocese ay iba ang treatment?

      sunod naman patungkol sa separation of church and state clause, di ko lang alam kung tama ako pre pero ang intindi ko dun sa turo ng prof ko dati, ibig sabihin ng clause na ito ay ang state ang binabawalan na manghimasok sa church. tulad ng sa china, na kung saan ang state ang may kontrol sa simbahan. ang katoliko dun na totoo, underground. may mga state church sila dun na counterpart ng mga relihyon sa labas pero hindi yun ang totoo. kaya sa tingin ko, karapatan ng katolikong simbahan na mangaral at magsalita ang mga leaders patungkol sa pamumuhay ng mga myembro. ang cathecism ng simbahan naman ay panglahatan, hindi lang sa pang linggong bahagi lang ng isang katoliko.

      tungkol naman sa mga sex scandals, nakakalungkot nga yan talaga. ako rin di ko gusto ang nangyaring ito. malala ito talaga sa LA pero sa bansa natin may mga ganyan din. sana mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima.nasimulana ni Pope Benedict xvi ang pag asikaso at paglilinis dito, sana yung susunod na papa ay masundan ang nasimulan niya. Pero ang tanong is kung iiwan ko ba ang simbahan dahil sa mga eskandalo ng maliit na bahagi ng kaparian? Naniniwala ako na majority ng pari ay mabuti. Hindi madaling maging pari. Tao lang din sila na tulad natin. Tulad natin, kailangan din nila ng suporta at panalangin ng mga tao at mas higit pa dahil sa patuloy na pagsira ng pangalan nila ng mga totoong kalaban ng simbahan.

      At hindi dahil sa mga kasalanan at eskandalo ng mga tao ng simbahan ay iiwan ko na rin ito. Dahil kung eskandalo lang ang dahilan para iwanan ang Simbahan at Panginoon, sana ay ang maraming nagsasabing kristyano sila e iniwan na si Kristo sa unang eskandalo pa lang na naganap kung saan pinagkanulo ni Hudas, isang apostol na mismong ang Panginoon pa ang pumili kapalit ng ilang pirasong pilak lang. SIguro nga kaya hinayaan din ng Panginoon na mangyari ito ay para noon pa man ay tumatak na sa tao na hindi magiging perpekto ang Simbahang tinayo niya. At di dapat tayong maging mahina sa pananampalataya dahil lang sa mali ng iilan. Mas marami pang iskandalo na naganap sa kasaysayan ng simbahan kung babalikan ito, pero after 2000 yrs, nakatayo pa rin at matatag sa pamamagitan ng maraming tunay na nananampalataya sa aral at hindi sa tao lang.

      PS: Yung patungkol sa pagtulong po na comment, matagal na pong ginagawa ng simbahan ang pagpapakain at pagbibigay ng kabuhayan sa maraming mahihirap. Wala na po sigurong institusyon sa buong mundo na mas lalaki pa sa simbahang katoliko sa pinakamaraming ampunan, scholar, pabahay , pakain, pagamot, all in all. Hindi lang po kasi nagbibilang ang simbahan, pero sana naman ay maging mulat din tayo bago magcomment na parang walang ginagawa ang simbahan sa paligid natin. At ang simbahan, hindi lang po ang mga pari, kundi ang kabuuan ng mga mananampalataya. Salamat.

      • debatable kasi pre kung maituturing na private property ang isang simbahan. place of public congregation kasi siya. by definition, private property ito pero hindi maikakaila na malakas ang impluwensiya ng lugar sa mga tao. may kakayahan siyang “magdikta o magsuggest” ng pananaw sa mga tao so dapat sumunod na lang ang simbahan sa tamang sukat. dun naman sa mga pribadong ari-arian ng mga kandidato, tingin ko dapat iakma din nila. okay lang sa kanilang tirahan pero di naman tama kung ilalagay sa kanilang mga sasakyan. ang batas ay nakadepende sa interpretasyon kaya marapat na ito’y malinawan ng lahat at ang husgado (judiciary) ang may karapatang maglinaw neto. so dapat, hindi matakot ang simbahan pag kinasuhan sila ng comelec.

        sa separation clause, tama ka sa dahilan ng simbahan na may karapatan silang magsalita patungkol sa pamumuhay ng kanilang miyembro. Sa miyembro pero hindi sa lahat ng tao. Paano ang mga muslim at hindi katolikong pilipino? hindi maiiwasang isipin ng iba na nakikialam sila sa pamumuhay nila. saka sabi nga ng marami, wala ng karapatan ang simbahan na panghimasukan kung ano ang ginagawa ng isang mag-asawa sa loob ng kanilang silid. naniniwala din ako na karamihan ng mga katoliko ay pabor sa rh law na pinapakita ng maraming surveys. medyo alanganin lang sila magsalita dahil maaari silang ma-excommunicate ng simabahan dahil sa pagsasabi ng niloloob nila o ng freedom of expression nila. naaalala ko tuloy ung direktiba ng isang pinuno ng UST na nagsasabing pwedeng matanggal ang kanilang mga empleyado (teachers) na sumoporta sa rh bill. buti na lang iba ang pananaw ng ateneo at la salle. muntik ko na tuloy maisip na bumalik tayo sa panahon ng mga prayle.

        isa pa, nakakalungkot nga talaga na bakit ngayon lang sila naglagay ng mga tarpaulin na ganyan? dahil ba sa rh law? di ba dapat noon pa nila ginagawa yan? ang point ko: kung hindi pumasa ang rh law, magbubulag bulagan sila sa mga kandidatong gambling lord, may political dynasty, etc? hindi dapat selective.

        sumasang-ayon ako sa iyo na marami pa rin namang mabubuting nagagawa ang ating simbahan bagamat isang reyalidad na mas matimbang sa tao ang nagagawang mga kamalian. kaya sana, konting ingat lang ng ating mga pinuno para na rin sa ikabubuti ng ating mahal na simbahan.

        mabuhay!

        • Sa kin naman pre, hindi masasabing selective ang simbahan. yung sa dynasty, matagal nang nag-iingay ang simbahan. matagal na rin naman silang nag aadvocate ng iboboto although ang limelight, hindi ganon katindi. ang nagpatindi ng limelight, yung mismong mga proRH din. para lalong sumama sa paningin ng tao ang simbahan.Ilan kasi sa kanila ay bingi sa mga sinasabi ng simbahan pero oras na may sabihin na kontra sa kanila, siguradong mag iingay din at gagawan ng malaking issue.

          Regarding sa di dapat nanghihimasok ng kahit sino sa ginagawa sa kwarto mag asawa, tama yan pre. agree ako na hindi dapat. nailagay ko yan sa post ko about RH. yan exactly ang pinaglalaban ng simbahan. ang hindi mang himasok ang kahit sino, lalo higit ang estado sa ginagawa ng mag-asawa. Hindi naman bawal ang pills and condom. marami na gumagamit niyan. so bakit isasabatas pa? para magkaroon ng pondo. para pondohan ng galing sa tax money natin. para ipambili ng condom at pills ng mga taong di nakapagpipigil.

          at hindi ba pre unfair sa mga tao na laban sa faith nila ang bagay na ito? Ako naniniwala ako na kasalanan ang contraceptive bilang pagsunod sa aral ng simbahan. kung sa iba di sila naniniwala dun, ok lang ako. karapatan nila yun at karapatan nilang gumamit. pero dahil sa batas na ito, damay na ko sa kasalanan dahil tax money ko ay magagamit na rin dyan. Bukod sa panghihimasok sa pananampalataya ko, panghihimasok na rin yan pre sa bulsa natin.

          Ok ako sa sistema tax, kasi pondo yan ng bansa. di mabubuhay ang bansa ng wala yan. pero para gamitin sa less priorities like contraceptives kesa sa education and jobs, yan ang kontra pa ako. di naman kailangan ng sex education para malaman ng tao ang tama at mali pagdating sa pagpapamilya. Proper education lang tulad ng meron ka, ako at ang iba pa na nakakaunawa. Wala tayong sex education na dinaanan pero responsable tayo. =)

          and tutal nabanggit na nga rin dito ang muslim, good example yan pre. Kung paanong ang simbahang katoliko ay hindi na ginagalang ang pananampalataya ng gobyernong ito. sabi mo nga majority ng Pilipino ay katoliko. Sabihin na nating 80M katolikong pilipino. nasa 5M ang muslim. Pero bakit may batas na hindi applicable sa muslim pero applicable sa lahat bilang paggalang sa pananampalataya nila? Puede ba nating kasuhan ng BIGAMY ang muslim? Hindi. pero bakit ang katoliko, walang pakialam ang gobyerno kung masasagasaan man ang pananampalataya? Kaya di natin masisisi ang mga pari at obispo kung magsalita man sila. Una dahil yan ay responsibilidad nila. Pangalawa, karapatan din nila yun bilang Pilipino.

          Besides, I have yet to see rallies of people on mosques, inc temples or other churches at sabihin ang separation of church and state. INC have bloc voting. Muslims have special laws for them. Minorities sila. But walang pakialam ang mga kritiko ng simbahan tungkol sa sinasabi at ginagawa nila. And INC even issued a public statement about their support of RH bill. So siguro, kaya walang nagrally about “separation of church and state” dahil pro sila. But the catholic church, being a majority yet not having that drastic punishment to people who do not follow the church teachings, ganon ganon na lang din kung i bypass ng mga tao and hindi na nga ginagalang. The only thing they do is to speak to the flock and the people. Then give advise. So it’s up to the people naman if they will follow or not.

          And besides, perception naman ng “majority” na wala nang effect ang boses ng simbahan patungkol sa mga bagay sa bansa, bakit kaya apektado pa rin ang mga pulitiko. Nagtataka ako. Bakit pinapatanggal pa nila ang tarp ng team buhay/ team patay? Kung totoo yun, e di mas ok. Baka mas iboto sila kasi nga tingin nila, mali ang Simbahan.

  2. Agree ako dito sa post mo Apollo! Tulad mo, isa din akong sarado katoliko, pero yung ginagawa nila ay sadyang katatawanan na.. OA na nga sila eh… Basta, sabay na lang ako sa iyong ma-excommunicate… Patabi ha…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: