Welcome sunshine!

Occurred: Apr 16, 2013
Written: Apr 16, 2013

Kanina nung nasa bus ako papasok sa office. Tahimik akong nagbabasa sa cellphone ko nung may pumarang babae. Pagtapat niya sa akin may nalaglag na card. Kasabay din nito ang pagsigaw ng ibang pasahero. Tinatawag kasi nila ang pansin nung babae. Ang kaso, ambilis bumaba nung babae. Nagmamadali ata. Pati yung driver na matanda, nakisigaw na rin pero di pa rin narinig.

Since ako ang pinakamalapit dinampot ko ang card tas sinabihan ko ang driver na hintayin ako. Tumakbo ako pababa ng bus. Sisigaw sana ako ng “ale!” pero naalala kong marunong pala akong mag-english. Miss na lang tuloy ang sinigaw ko. Di pa rin siya namamansin kaya kinalabit ko na lang sya sa balikat. Paglingon niya, ibinigay ko ang card niya sabay ngiti. Mahirap na at baka pagkamalan akong masamang tao. Masuntok pa ako.

Tuwang tuwa siya ng iniabot ko ang card. Bus pass pala iyong nalaglag niya. Hindi ko na rin inintindi pa ang sinasabi niya kasi tumakbo na rin agad ako pabalik sa bus. Pagbalik ko sa upuan ko, biglang nagsalita ang matandang babae sa tapat ko (na dinig ng buong bus):

“I appreciate what you did. It just shows that there are still good people.”

Di ko alam kung ano ang dahilan kung bakit niya yun sinabi. Pwedeng dahil sa nangyari sa Boston kahapon. Bigla tuloy akong nahiya at naconscious. Ngumiti na lang ako sa kanya ng bonggang bonnga. Sa isip isip ko, yun ang ginawa ko dahil yun ang tama. Saka parang ganti ko na lang din dahil nakatanggap din ako ng mabuting gawa nung minsang malaglag sa upuan ko ang aking cellphone. Pay it forward kumbaga. Bilib talaga ako dito sa Minneapolis. Marami kasing mababait na tao dito. Nahahawa tuloy akong maging mabait. E salbahe nga ako di ba?

Advertisements

Posted on April 17, 2013, in commute stories, current events, spur of the moment, thoughts to ponder, world issues. Bookmark the permalink. 26 Comments.

  1. Good vibes! Good morning good morning! 🙂

  2. As they say, do one good deed , it will return to you 7x or something like that.

  3. astig pre. sunshine na sunshine nga ang dating nga araw mo. 😀

  4. Cool! I could’ve done the same thing. Kaso walang bus pass dito sa Pilipinas. Kung meron man, rare. Hehehe.

    I think na nasabi ng matanda yun, kasi siguro, based on experience nya, other people could’ve just ignored what just happened.

    Apir!

  5. sus! salbahe raw, eh muka ngang good boy na good boy ka eh. kaya nga bibigyan mo kami ng pasalubong pag-uwi mo rito di ba? hehe.

    ‘yung sa boston, ang balita ko lang may bomba raw na sumabog dun sa marathon. di ko lang sure kung ilan ang casualties. tsk tsk. mga walang magawa sa buhay nga naman. kaya tama lang siguro na gumawa pa rin ng mabuti sa kapwa. to even out all the evil doings in the world.

    • tatlo na ang patay pero marami ang nasugatan. nakakalungkot nga kasi dapat place of international unity ang sport activity na ito kaso di pinapatawad ng kung sinumang hinayupak yun.

      pasalubong? bibilhan ko kayo ng lucky me pansit canton dito pre. imported galing pinas pero pag natikman niyo, kakaiba ang lasa kumpara nung jan sa atin. para maiba naman. hahaha!

      seriously, sige pre. walang problema. nabili ko na ung sinabi ko sa email. ssshhh!

      • update: na-move na ‘yung start date ko sa katapusan ng may dahil sa linsyak na visa na ‘yan. sabi nung law firm nung kumpanya, since kaka-submit pa lang ng st luke’s ‘yung medical ko last, last week, mag-aantay pa ‘ko ng mga 30 – 40 days para mai-process nila ‘yung visa.

        suma tutal: tuloy ang kampai! hehe.

        • naku, matagal pa nga yan. may interview ka rin ba sa embassy? tip: magmukhang mabait. lols! nakailang interview na ako (twice sa US at French embassies) at mukhang epektib naman. same also applies sa immigration sa airports.

          email mo sa akin ang cellphone number mo at iistorbohin ko na lang kayo. kayo lang ang kakampai ha. iced tea lang ako. di pwede ang alcohol sa bata. isip-bata.

  6. akala ko chicks na e. hahaha. peace!

  7. salbaheng mabait.. pwede!!

  8. naks naman! kaya pala nagkakawalaan na ng mabait sa mga bus nasa Minneapolis na. hohoho mabuhay!

  9. Marami pa namang mabait na tao sa mundo. Yun nga lang mas marami na ata ang masama HAHA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: