The Night I Almost Died 3: Episode 2

Basahin ang episode 1 dito.

Ang ginawa ni Cyril, dumiretso siya sa bahay ng tito niya malapit sa plaza. Paghinto, takbo agad sila ng pinsan niya sa bahay at kumatok ng pagkalakas lakas para magising agad ang tito nila. Bukod pa siyempre sa pagtili pagsigaw ng malakas. Saktong nagising ang tito niya nung dumating ang mga tanod. Mahigit lima ata yung mga tanod na humahabol sa amin.

Tanod 1: Andito sila!
Tanod 2: Putang-ina niyo! Bakit hindi kayo tumigil!?
Tanod 3: Nasa loob ng tricycle yung nagmura sa atin! Pababain niyo!

Masyado ng tensiyonado noon kaya anlakas ng kaba ko. Hindi ko na matandaan ang eksaktong mga salita noon pero parang ganito:

Tito: Anong nangyayari dito!?
Tanod 1: Mga bastos ang mga batang ito!
Tito: Anong ginawa nila!?
Tanod 1: Lagpas na sila sa curfew. Nung pinapara namin, hindi sila huminto.
Tanod 2: Minura pa kami! *Dinuro yung isang kaibigan namin* Ikaw ata yung nagmura sa amin eh! *Inakmang susuntukin*
Tito: Hoy! Putang-ina, mga bisita ng pamangkin ko yan!

Naglabasan ang mga itak at batuta noong sandaling iyon! Batutang kahoy ha, yung pamalo. Sumigaw pa ang tito ni Cyril sa kasama sa bahay na ilabas daw yung baril niya. Hindi ko rin matandaan kung may baril yung mga tanod. Pramis! Parang pelikula talaga. Yun nga lang, hindi ko siya inenjoy. Eto ang mga naglalaro sa isipan ko noon:

  • Potaaaah, mamamatay na ata ako ngayon. Fuck! Birhen pa ako!
  • Yari ako sa tatay ko pag nabalitaan niya to. Gugulpihin ako nun.
  • Potek, sikat kami nung graduation tapos ngayon maaaresto kami. Sira ang pangalan ko. Ano kayang ikakaso sa amin? Fuuck!
  • Pag inilibing kami dito, makukuha pa kaya ng pamilya ko ang bangkay ko? Paano na lang kung ipakain ang bangkay ko sa mga palaisdaan dito? O di kaya’y itapon ako sa Magat Dam?

Cooler heads prevailed. May ilang tanod ang medyo may huwisyo pa na pag-usapan daw namin at huwag magpatayan. So inimbitahan kami sa baranggay hall. Baranggay kagawad din pala ang tito ni Cyril. Naisip ko, kagawad na yun pero hindi pa rin siya ginalang ng mga tanod. Mukha ngang malaki at malalim ang alitan nila.

Medyo mainit pa rin ang usapan sa baranggay hall pagdating namin. Isa isang sinabi ang mga “kasalanan” namin. Syempre, may nakahanda din naman kaming mga palusot sagot. Nakaupo kami habang tinadtad kami ng mga tanong. Parang interrogation scene sa pelikula minus the bugbog part. Well, almost.

  • Curfew: Hindi naman talaga namin alam na may curfew. Alam ni Cyril pero hindi kami sinabihan ng mokong.
  • Bakit hindi kami huminto: Naunahan kami ng takot kaya hindi kami huminto. Kaya kami dumiretso sa tito niyang kagawad para dun namin sila hintayin. Malay ba namin na tanod sila. Well, si Cyril at pinsan niya ang nakakaalam na mga tanod sila pero hindi pa rin siya huminto. Saka malay din namin kung holdaper o NPA sila. Mga dayo lang kami di ba?
  • Nagmumura: Eto ang nakakatuwa. Sino daw yung nagmura sa amin. Alam talaga namin na si Michael ang nagmura pero hindi naman sila ang minura niya. Napamura lang siya dahil nga hinahabol na kami. Kaso, ibang tao ang itinuturo at ipinipilit nilang nagmura daw. Si Lyndon or si Godi. In fairness kay Godi, nakatulog siya noon at nagising lang nung hinahabol na kami.

Tanod: Nakikita mo ba ‘tong radiong (walkie talkie) ito?
Lyndon: Opo. Bakit po?
Tanod: Gusto mong basagin ko to sa pagmumukha mo!? Sino sa inyo ang nagmura?
Lyndon: Hindi po talaga ako ang nagmura tatang!
Godi: Nakatulog po talaga ako noon.
Michael: *sumasabat habang nagpipigil tumawa* Narinig ko po galing sa loob ng tricycle yung nagmura.
Joe: *nagpipigil ding matawa* Oo nga po. Yun din ang dinig ko. Nasa loob ng tricycle. Umamin na kasi kayo!
Lyndon at Godi sa amin: Putang-ina nyo! *sabay harap sa tanod* Hindi po talaga kami ang nagmura. Pramis po. Kahit mamatay po kayo, este ang angkan namin.
Lyndon: Michael, aminin mo na ah!
Michael: Ha!? Nasa labas nga ako ng tricycle! *sa tanod* Pasensiya na po tatang kung ayaw nilang umamin.
Bwahaha!

Hindi ako makatawa noon dahil kinakabahan din ako. Nasa loob din kasi ako ng tricycle kaya baka ako rin ang susunod na ipahamak ng dalawang hudas (Michael at Joe). Ngayon ko lang din naisip kung bakit hindi ako napagbintangan noon. Siguro, mukha nga talaga akong mabaet. Hehe. Hanggang sa matapos ang interogasyon, hindi nila nalaman kung sino ang tarantadong mahiwagang taong nagmura. Inamin namin na may nagmura pero hindi namin sinabi kung sino siya. Baka kasi mabasag ang radyo nila. Tigas ng mukha namin eh. Lols!

Bandang huli, nagkaayos din ang lahat kahit halata pa rin ang galit/gigil ng mga tanod sa amin. Humingi na lang kami ng paumanhin sa kanila. Nakadagdag points din nung sabihin namin na galing kami sa kasal/lamay ng kanilang kalahi. It shows na nakikihalubilo kami sa kanila kahit na may alitan. Saka mga bisita naman kami sa kanilang liblib na lugar.

Tanod: Pasensiya na rin mga iho at akala namin magnanakaw kayo (magnanakaw daw!?).
Michael: Walang anuman ho mga tatang. Pasensiya na rin po kung may nagawa kaming mali.
Tanod: Pasyal ulit kayo dito sa baranggay namin.
Kami: Mukha mo! *pero syempre di namin pinarinig sa kanya*
Tanod: Imbitahan ko pala kayo sa kasal ng anak ko.
Joe: Subukan po namin pero baka busy na po kami nun. Si Lyndon po, makaka-attend po siya.
Tanod: Talaga? Punta ka iho ha.
Allan: Pupunta po siya.
Lyndon: Ay titingnan ko ho pero di ako nangangako. *sabay tingin ng matalim sa amin*
Bwahaha!

Kinabukasan, laman ng balita sa baranggay ang nangyari. Instant celebrity kami. Sinasabi ng ilang ilokano na kung may ginawa sila sa amin, malamang na umpisa na yun ng gulo sa kanila.

Pagtapos niyan, nakailang balik pa rin kami pero anti-climactic na ang mga sumunod na bisita namin doon. Wala na kasing makakahigit pa sa karanasan namin na yan. What an adventure!

Okay talaga ang mga kaibigan ko noh? Sila rin (Allan at Cyril) ang kasama ko noong nakipagpatintero kami sa bala sa Recto. Ako rin ang nagsama sa kanila noong nakipag spin-the-bottle kami sa locked and loaded na .45 pistol sa Pantranco. Marami pa kaming mga pinagdaanang mga kalokohan/adventures.

Disclaimer: Aminado ako na biased ako sa lahi nila dahil na rin sa aking kuwento bukod pa sa aking pansariling karanasan. Sana ay iba na ngayon ang sitwasyon sa aming probinsya. Napansin ko lang din ngayon na laganap pa rin ang cultural/racial divide sa ating bansa. Halimbawa: Sinasabi ng iba na kuripot ang mga ilokano, o mayabang ang mga kapampangan, o katulong ang mga bisaya. Marami pang halimbawa pero ako’y naniniwalang balang araw ay mawawala din siya.

Amen.

Advertisements

Posted on May 3, 2013, in funny experiences, kalokohan, lakwatsa, solano. Bookmark the permalink. 16 Comments.

  1. sigoro may mga balat kayo sa puwet ng mga kaibigan mo dahil lapitin kayo ng peligro. hahaha!

    naalala ko pag tinatanong din ako kung saan ang probinsya ko ang kasunod na comment ay amazona ka pala. lol

  2. dahil sa mga stereotyping na yan, nastereotype tuloy ang mga tagalog na mahilig mang stereotype. lol. ang gulo. pero tama ka. pero sana ng mawala na nga ang ganyan. anlupet ng adventure na yun. para lang pelikula ni Andrew E. hehehehe

  3. hahahaha.. sobrang tawa ko dito.. sakit sa tyan!

    aabangan ko yung about sa babae na episode. hehehe

  4. ammom ti ilokano? ako, baset. haha. ‘yung lola ko ilokano tas tumira rin ako ng ilang taon sa baguio kaya medyo may alam. buti na lang pre di nagka-ubusan ng lahi. hula ko ikaw talaga ang nagmura, ayaw mo lang aminin. *ukinnam!* lol!

    p.s. as usual, laughtrip ule ung sketch mo. haha!

    • konti lang din alam ko sa ilokano. sa labas lang ako natutong mag-ilokano dahil french ang salita namin sa bahay. lols!

      actually parang war diagram yan ng battle of the bulge. haha! we were at a disadvantage kasi paikot kami. the tanods were at a higher ground so they had the advantage. wala kaming laban nun, kapogian lang lamang namin. lols!

  5. at talgang ang nagpalala pla ng sitwasyon ay yung narinig nilang mura .. hahaha

  6. Ang cute ni Michaeeeeeeel. Haha.

    • Laglagan ang paborito naming libangan dati pa. Nagulat ako noon dahil wala palang limitasyon yun kasehodang maaresto ang isa sa amin. Looking back now, pinagtatawanan na lang namin ang mga kalokohan namin noon. 🙂

  7. naniniwala na ako na masamang damo ka.. este lapitin ka ng malas…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: