Monthly Archives: June 2013

In love, as in gluttony, pleasure is a matter of the utmost precision – update

Written: June 21, 2013

Time flies when you’re having fun. Masaya at bitin ang aking aking bakasyon. Tagumpay ang aking hit list. Pati ang sinigang na corned beef at fried kesong puti ng Sentro ay natikman ko rin. Mangyari ay pinapaitan lang ang hindi ko nakain.

Ngayon balik ako sa:

  • noodles (lucky me noodles from asian store)
  • spam o spam with egg (specialty ko. lols!)
  • fried rice at pho (sa vietnamese restaurant malapit sa aking apartment)
  • fried bangus (na nabibili ko sa asian store)
  • canned soup (na pinapapainit ko sa microwave)
  • chicken nuggets
  • hotdogs / corn dogs
  • cheeseburger with tater tots (sa office cafeteria)
  • at iba pang mga microwaveable na pagkain.

Nakakakain naman ako ng iba (at masarap na) lutuin pag nagkayayaang kumain sa labas. Pero yan ay kung sinipag akong lumabas.

Marami ang nagtatanong kung nagsasawa daw ba ako sa mga ganyang pagkain? Sabi ko hindi. Saka wala akong karapatang magreklamo kasi hindi ako marunong magluto. Hanggang prito at laga lang ang alam ko. Inuulit ko, hindi ako nagrereklamo. $&%#%$!

Mag-aasawa talaga ako ng lima para kahit tatlo lang sa kanila ang marunong magluto, solve na. Lols!