Makibaka! Huwag matakot!

Occurred: July 22, 2013
Written: July 23, 2013

Kaninang umaga, marami akong mga nababasang mga facebook posts na tumutuligsa sa mga pulis sa nakaraang SONA. Mangyari ay marami daw mga nasaktang mga rallyista. Bakit daw nila sinasaktan ang mga nagrarally?

Ngayon pa lang sasabihin ko na dati rin akong kasama sa mga rallies noon. I’m proud that I was a part of many rallies before and during the overthrow of ERAP. Pero napansin ko rin na malaki ang pinagkaiba ng mga rallies noon at ngayon. Isa na diyan ang nangyayaring kaguluhan ngayon.

Ano nga ba ang rally o public demonstration? Ito ay ang pagpapahayag ng ating hinaing, reklamo, suporta, o mensahe sa ating pamahalaan. Ito ay enshrined sa ating Bill of Rights (article III ng ating 1987 consitution). Para mas malinaw:

Section 4 of Bill of Rights: No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.

Ngayon dapat rin nating intindihin na kasama ng ating kalayaan ang mga responsibilidad na dapat din nating sundin. May itinakda ang kapulisan/gobyerno na rules of engagement sa ganitong mga rallies. Lagi nating maririnig ang salitang maximum tolerance. Ibig sabihin neto, magtitimpi ng bonggang bonga ang mga pulis kahit na anong masasakit na salita, mura, sigaw ang ating ibigay sa kanila. Ngunit, subalit, datapwat may limitasyon rin naman ang maximum restraint na ito.

Ilang araw bago ang SONA, inimbitahan ng PNP ang mga magrarally para gumawa ng mga guidelines na dapat sundin. May dumalo ba? Kakaunti lang ang dumalo ayon sa balitang napanood ko.

Kung anuman ang guidelines na yun, nasisiguro na eto pa rin ang bottomlines:

  • Dapat nasa tamang lugar ang mga nagrarally. Hindi na ito bago sa ating mga rallyista dahil sa lahat ng public demonstration, may mga lugar na itinatakda para dito.
  • Dapat mapayapa ang rally. Pinapayagan tayo na magsunog ng effigy, magmura, magsayaw, kumanta basta walang nasasaktang ibang tao.

Ang tanong: nasunod ba ito? Hindi. Mapapanood natin sa mga videos ng media na ang mga protesters ang nagsimula ng gulo. Eto ang mga dahilan: Sila ang unang nambato ng mga itlog sa mga pulis. Makikita sa videos na malayo ang kinaroroonan ng mga pulis. Bukod sa mga harang, may mga barbed wire pan nakapalupot. So paano nakalapit ang mga rallyista? Dala ang kanilang mga wire cutters, ginupit nila ang mga barb wires na nakaharang. Really!? Kung talagang mapayapang demonstrasyon ang balak nila, bakit sila may mga dalang wire cutters!? Makikita natin dito na sa umpisa pa lang ay may balak na talaga silang mambato ng itlog at manira ng public properties.

Para mas maintindihan natin, kunyari empleyado mo ako. Ngayon gusto kong magprotesta laban sau sa mga mali mong pamamalakad ng kumpanya. Gusto mo bang babatuhin kita ng itlog ng walang pasintabi? O di kaya sisirain ko ang lock ng gate o pintuan mo para lang masabi ko sau ang mga reklamo ko? Ano kaya ang gagawin mo kung ganyan ang ginawa ko sau? Hindi ako magugulat kung sasabihin mong baka barilin mo ako.

Ilang beses akong nakipagrally noon pero wala pa akong naranasang kaguluhan. Magmamartsa lang noon papuntang Mendiola habang sumisigaw ng “Makibaka! Huwag matakot!” Pagdating sa tulay, magkakaroon ng munting programa. Magtatalumpati, magkakantahan tapos uwian na. Hindi naman kasama dati sa program ang mambato ng itlog, kamatis o mga bote sa pulis.

Isa sa mga matinding reklamo ng mga nagrarally ay ang panghihimasok daw ng imperyalistang USA sa ating bansa. Huwag daw nating hayaan ang mga dayuhan na makialam sa ating pansariling mga interes. Bakit kaya sila pumapayag ngayon na may dayuhan na nakikipagrally sa kanila. Bakit sila ngayon pumapayag na nakikialam ang mga dayuhang ito sa ating public demonstration? If that is not hypocrisy (on the part ng mga nagrarally), I dont know what to call it. Ang alam ko, bawal sa immigration law iyon. Dito makikita ang maximum restraint dahil hindi nila inaresto ang mga dayuhan at ipinadeport sa kanilang mga bansa. Kung tayo kaya ang magrally sa kanilang mga bansa ano sa tingin niyo ang mangyayari sa atin? HInahamon ko ang mga OFWs na subukan nila ito.

Sa bandang huli, nakapagpahayag ba sila ng kanilang mga reklamo at hinaing sa gobyerno? Duda ako. Parang hindi eh. Pati ang Commision on Human Rights (CHR), naniniwala na ang mga rallyista ang nagsimula ng gulo. E di pinagtatawanan sila ngayon ng taumbayan. Hindi ba nila napapansin na kumukonti na ang mga sumasama sa kanilang mga rallies? Dahil nararamdaman ng tao na kahit papaano ay mas bumubuti ang performance ng gobyerno ngayon.

Umaangat ang ekonomiya. Huwag na huwag niyong sasabihin na mga elitista lang ang umaangat dahil sasampalin ko kayo ng bonggang bongga. Hindi ako mayaman. Parehas lang tayong nagmamartsa dati sa kahabaan ng Recto Avenue. Nagworking student ako. Nagtinda ako ng balot sa kalsada o kung anumang mapagkakakitaan makapag-aral lang ako. In short, bukod sa pagpapahayag ko ng mga reklamo ko sa ating gobyerno, nagsikap din ako. Sana ganun din ang gawin ninyo. Subukan rin nating tingnan ang positive side ng ating pamahalaan. Subukan din natin siyang suportahan.

Don’t get me wrong, marami pa rin namang dapat ireklamo sa ating pamahalaan. Sabi ko nga, malaya pa rin tayong magpahayag ng ating saloobin. Idaan lang natin sa tama at mapayapang paraan. Hindi natin kailangan ng violence para lang pansinin tayo ng gobyerno. Kung inaakala ninyong hindi tayo pinapansin, maraming paraan. Nakalimutan na ba ninyong may mga representante na ang mga grupo natin sa pamamagitan ng mga party lists? Kumpara noon, di hamak na mas may boses na kayo ngayon. At isa pa pala: Get your facts straight first. Mahirap kasing magreklamo kung hindi naman totoo ang basehan ng ating inirereklamo. Katawa tawa ang labas natin niyan.

Dati malaya akong sumasama sa mga rallies ng walang hinihintay na kapalit. Ngayon, may mga party lists nang pumupondo sa inyo. Minsan, naiisip ko tuloy na mukhang yan na ang ginawa ninyong hanapbuhay. Nakakalungkot. Nakakalungkot…

Amen.

Advertisements

Posted on July 24, 2013, in corruption 101, current events, good news, politics, school stories, spur of the moment, thoughts to ponder, trabaho. Bookmark the permalink. 17 Comments.

  1. tama pre. napanood ko rin sa balita na kitang kita ang pagbato ng mga ralyista kahit di pa nagsisimulang magkasalubong at magkadikitan ang pulis at ralyista. Tingin ko kasi, ang problema din ay hindi nagkakaisa sa gusto talagang mangyari ang lahat ng nasa ranks ng nagrarally. May iba dun na peaceful demonstraion. May iba naman na talagang gusto manggulo o kaya ay sobrang emosyonal.

    nakakalungkot lang kasi bakit dapat may masaktan o masira.

    • oo nga eh. bilib din ako sa ginawa ng mga pulis na mag-offer ng bulaklak sa mga nagrarally. corny na pero hanga ako sa effort nila. kumakalat nga ngayon ung open letter ni Thomas van Beersum (ung dayuhan) dun sa umiyak na pulis. hindi lang nila alam baka umiyak ang pulis dahil sa disappointment sa kanila. sa kabila ng ginawa nilang pag-offer ng flowers, lobo at kalapati, violence pa ang isinukli nila. hula ko lang naman. haha!

      • saka lumabas ang balita, itong porendyer pala na ito ay tropa ni joma sison. full pledge komunista pala.hehehe

        • di na ako nagulat jan. kaya nga kinukuwestiyon din minsan kung saan daw napupunta ang pork barrel ng mga party lists nila. sinasabi kasi ng intelligence na pinampopondo daw sa mga rallies at sa mga kasama nilang npa.

  2. LOL ! I hear my parents discussing about these “current” protesters…… Their question is, Are these people still shouting DOWN WITH US IMPERIALISM ” ! Bahahaha…. It’s so archaic ! !

    So who are they trying to replace US with? China ?

  3. The leaders should be investigated, like who’s paying them…. do these protesters know who are more imperialistic and want to take over the Philippines’ economy ? That country whose products have already dominated the country’s local ones, and who has already stepped on and occupied a Philippine terrotory… who else, their idol, mao Tse Tung.

    • I agree. the members probably don’t know this but im not sure with their leaders. With the current global set-up now, China has become the next global imperial power. katawa tawa tuloy ang labas nila.

      i also noticed that they are not as opposed to China as they are opposed to US with regards to our territory. napaghahalata tuloy ang pagiging biased nila.

      with their leaders in the congress now, they have extra funds to fund their rallies.

      those are the reasons (among so many other things) why i asked them to get their facts straight first. tsk tsk.

  4. Eto gusto ko sa mga posts mo e, up to date! Current events! Sensible! 😀

    Naghalo halo na yung pakiramdam ko sa panonood ng SONA. Ibang usapin yung pagninilay nilayan natin yung SONA kaya punta muna tayo dun nga sa nangyaring kaguluhan.

    Type ko yung sabi mo “magtitimpi ng bonggang bonga!”. Nasapol mo talaga sa post nato ang mga punto ko rin. Kagulo e. Kung sensiridad lang din naman, kita naman ang effort ng pulis kahit na korni pa tingnan.

    Anyway, pede ko ba i-repost to sa blog ko? 😀

    • how about ung sampalin ng bonggang bongga? lols!

      ay sige po, it would be an honor kung ire-post mo sya sa blog mo. kung may fb ka po, pakishare na lang din. gusto kong kumalat siya para mas maintindihan ng nakararaming tao. salamat! 😀

  5. Sulit ang pagbloghop ko ngayong gabi at napadaan ako sa blog mo. As always makabuluhang post uli. May nakita nga akog picture ng foreigner na naninigaw ng pulis dun sa rally. Hindi na lang ako nagreact baka kasi may back story or something. Hindi ko pa nasubukang sumali sa rally, at sana dumating ang panahon na hindi na kakailanganin ng mga Pilipino ang magsagawa ng rally para lang madinig ang boses nila.

    • salamat sa pagdalaw pre. hindi lang naman pagsasabi ng reklamo ang nangyayari sa rallies. yan na lang kasi ang naiisip natin dahil sa sagana tayo neto sa pinas. di rin naman natin sila masisisi dahil may dahilan naman sila minsan.

      pwede naman tayong magpublic demonstration showing our appreciation/support. bihira itong nangyayari sa atin. an example: noong nahuli ng mga pulis ung boston bombers, automatic na naglabasan ang mga tao para ipakita ang tuwa at pasasalamat nila sa mga pulis. nakakainggit di ba?

      if i may correct your statement: sana dumating ang panahon na puro public celebrations at show of appreciation/support ang gawin nating mga pinoy.

  6. i’m sorry hindi ko pa napanood ang sona.. Siguro I was busy with work, etc. chos lang. :), and i don’t want to hear more rants about the previous government. but I agree sa lahat ng sinabi mo. sa napansin ko minsan, if not palagi, puro hinatak lang ata ang mga nagrarally ngayon e. After mag rally uupo, mag-aantay ng kapalit. take note jollibee chicken joy pa ang pinamimigay na food. and if you ask some of them hindi rin naman nila alam anu ang pinaglalaban nila. inaya lang daw sila.. wala lang. sama sama lang para masaya..

    At the usual ending.. gulo.. riot.. ewan.

  7. agree ako sa punto mo. Kahit nga yata dun sa mga namumundok hindi na rin alam ang dahilan ng ipinaglalaban nila. Bawat panahon may tamang paraan ang pagpoprotesta in fact mas effective pa yata ang sumigaw sa internet kesa kalsada.

    Sayang ang mga taong may punto naman bakit andun pa rin sila sa kalsada kung hahaloan lng ng ibang mga taong hindi alam bakit sila andun basta’t may rasyon lng ng pagkain.

    Pang balanse ang protesta para sa gobyerno natin, pang check kung may katiwalian pero pag nahaluan na ng ibang motibo at ginagawang frontline ng ibang may pansariling interes sayang lng din.

  8. kung anu man ang naging kahinatnan ng ating lipunan ngaun, hindi lang yan dahil sa gobyerno. kelangan tulungan natin ang mga sarili natin na maiangat ang pamumuhay. pagkatapos nten matulungan mga sarili nten, tumulong tau sa iba. kung kaya naten, sabay sabay nten tulungan ang bawat isa. walang perpektong gobyerno. kasalukyan akong nagttrabaho sa isang 1st world country at maniwala kau na nagrereklamo din ang mga tao dto. hayaan nten ang gobyerno mamahala sa mga bagay bagay na hindi nten kontrolado, tayo’y magmatyag, makinig, magreklamo kung kinakailangan, pero dapat tayo’y magsikilos din. kung lagi nalang tau reklamo ng reklamo, hindi na nten magagampanan ang tungkuling tulungan ang mga sarili nten. un lang po..

    nice write up!

    • i agree. kahit saan, hindi maiaalis ang magreklamo tayo lalo na kung may nakikita tayong mali. wag lang nating sasamahan ng karahasan.

      salamat po! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: