Monthly Archives: December 2013

Noche Buena

Occurred: College Days
Written: Dec 19, 2013

College student ako noon. Nasa jeep ako nung may mga batang nangaroling. Eto ang mga batang sumasampa sa mga jeep, kakanta at manghihingi ng mga barya.

Noche buena ang kinanta nila.

“Kay sigla ng gabi, ang lahat ay kay saya
Nagluto si Ate ng manok na tinola”

Hindi ko na matandaan kung ano ang iniisip ko noon. Bigla ko na lang sinagot ang bata nang wala sa loob ko.

“Buti nga kayo may handang tinola. Ako, wala pang allowance na dumarating.”

Nagtawanan ang buong jeep at ako ang pinagtatawanan nila. Hindi ko namalayan na napalakas pala ang boses ko.

At mabuti na lang mga bata ang nangangaroling. Kung may edad na sila, baka nagulpi ako.

end.

p.s. Salamat sa post ni Glentot dahil bigla kong naalala itong kuwentong to.