Category Archives: commute stories

Noche Buena

Occurred: College Days
Written: Dec 19, 2013

College student ako noon. Nasa jeep ako nung may mga batang nangaroling. Eto ang mga batang sumasampa sa mga jeep, kakanta at manghihingi ng mga barya.

Noche buena ang kinanta nila.

“Kay sigla ng gabi, ang lahat ay kay saya
Nagluto si Ate ng manok na tinola”

Hindi ko na matandaan kung ano ang iniisip ko noon. Bigla ko na lang sinagot ang bata nang wala sa loob ko.

“Buti nga kayo may handang tinola. Ako, wala pang allowance na dumarating.”

Nagtawanan ang buong jeep at ako ang pinagtatawanan nila. Hindi ko namalayan na napalakas pala ang boses ko.

At mabuti na lang mga bata ang nangangaroling. Kung may edad na sila, baka nagulpi ako.

end.

p.s. Salamat sa post ni Glentot dahil bigla kong naalala itong kuwentong to.

Advertisements

Welcome sunshine!

Occurred: Apr 16, 2013
Written: Apr 16, 2013

Kanina nung nasa bus ako papasok sa office. Tahimik akong nagbabasa sa cellphone ko nung may pumarang babae. Pagtapat niya sa akin may nalaglag na card. Kasabay din nito ang pagsigaw ng ibang pasahero. Tinatawag kasi nila ang pansin nung babae. Ang kaso, ambilis bumaba nung babae. Nagmamadali ata. Pati yung driver na matanda, nakisigaw na rin pero di pa rin narinig. Read the rest of this entry

Delta 5850

Occurred: Dec 22, 2012
Written: Dec 24, 2012

6am. Maagang dumating ang super shuttle para sunduin ako sa apartment.

620am. Minneapolis Airport. Checked-in. The usual rigid US security as ever. Buti na lang talaga mukha akong mabait kaya smooth sailing sa akin. 😀 Read the rest of this entry

Let it snow, let it snow! – 2

Occurred: 2nd week of December, 2012
Written: Dec 16, 2012

Noong nasa Pinas pa ako sa dati kong trabaho:

Officemate: Magsuggest naman kayo ng theme sa Christmas Party natin.
Apollo: ahm.. Let it snow, let it snow!?

Ilang taon kong ipinilit yang theme na yan noon subalit lagi akong bigo. Ngayon ako nakarma. Read the rest of this entry

California Trip

Occurred: Aug 28 – Sept 3, 2012
Written: Nov 2/27, 2012

Last Aug – Sept, nagpunta kami sa California para mag-apply ng Canadian Visa. Plano ko kasing bisitahin ang tita ko sa Victoria BC sa pasko (napakalungkot ang pasko dito sa MN kapag nag-iisa ka). Mas madali kasi ang mag-apply ng visa dito kesa sa atin sa Manila. Mas maraming requirements at mas istrikto sila. Dito, kailangan mo lang ipakita na wala kang balak mag-TNT dun, okay ka na. 🙂

Ang Los Angeles ang isa sa visa processing ng Canada kaya dun kami nag-apply. Hindi pa kasi ako nakakarating dun kaya dun ko sila inaya. Nasa San Francisco din kasi ang kasama namin kaya malapit na lang sa kanila. Pagdating namin sa LA airport, nagrent kami ng SUV para may service kami sa aming pasyal. May mga officemates din kaming naka-assign sa LA kaya dun kami sa kanilang apartment nakituloy para tipid. Read the rest of this entry

kami palagi ang may kasalanan

Occurred: May 21, 2008
Written: July 29, 2012

Miyerkules ng gabi. Ayala Avenue. Malakas ang ulan. Sa Ayala office pa ako pumapasok noon. Pauwi ako at sumakay sa bus. As usual, napakatraffic at bibihira ang bus. Pagdating ng bus, agad akong sumakay at naupo sa bandang dulo. Di nagtagal marami pang sumakay. May dalawang babaeng sumakay. Dahil siksikan nga ay nagkahiwalay sila. Tumabi sa akin ang isang babae. Nasa pantatluhan akong upuan. Ang ginawa ko, umusog ako sa dulo (aisle) para makaupo siya sa gitna. Read the rest of this entry

Moses

Occurred: MMDA days
Written: July 21, 2012

Sa lunes ay ibibigay uli ni PNoy ang kanyang taunang SONA. As usual, naaalala ko na naman nung panahong nakasama ako sa pag-aayos ng draft speech hanggang sa pagbigay ng isang presidente ng kanyang talumpati sa harap ng buong bansa.

The End. Haha! Hindi tungkol sa SONA ang kuwento ko. Dahil kasi sa SONA kaya ko naalala ang kuwento ko sa baba. Read the rest of this entry