Category Archives: i’m green-minded

Desalination

Occurred: Nov 2013
Written: Nov 12, 2013

  • Problema: Walang tubig na mainom ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda o ng lindol sa Bohol
  • Solusyon: Portable desalination plants
  • Ano ang desalination plant? Eto ay isang kagamitan na nagtatanggal ng asin mula sa tubig dagat upang ito ay pwedeng mainom ng mga tao. Papasok ang tubig dagat sa makina, ito’y maproproseso at voila! Paglabas ng tubig, pwede ng inumin ng tao ang tubig. Ito ang ginagamit ng mga malalaking barko at aircraft carriers ng US dahil nagtatagal sila ng ilang buwan sa laot. Ginagamit din siya ng mga bansang gaya ng Saudi Arabia.

Read the rest of this entry

Advertisements

Kung anong itinanim, siyang aanihin

Isinulat: Tag-init sa Minnesota, 2012

Tag-ulan na naman sa Pinas. Kabi-kabila na naman ang mga balita ng pagbaha at landslide na kung saan may mga kababayan tayong namamatay o nasasaktan. Kasama rin syempre ang pagkasira ng mga ari-arian. Tuwing may nangyayaring ganito, lagi na lang nating sinisisi ang sarili natin. Kesyo tayo rin ang may kasalanan dahil sa patuloy nating pagsira sa kalikasan. Hindi tayo natututo di ba? Tigas talaga ng ulo natin. Read the rest of this entry

May metro aides namang magwawalis ng katawan…

Occurred: MMDA days
Written: April 12, 2012

Nagbabasa ako neto kanina nang bigla akong may naalala nung nasa MMDA pa ako. Alam nyo bang bukod sa traffic management ay may department din ang MMDA na ang trabaho ay ang greening at beautification ng Metro Manila?

Read the rest of this entry

Mama para, diyan lang sa tabi…

Occurred: April 2012
Written: April 10, 2012

Medyo naging busy ako these past few days. Dangan kasi ay lumipat na ako ng apartment. Andito na ako ngayon sa downtown Minneapolis mismo. Nasa siyudad na ako at wala sa probinsiya. Hehe! Yun nga lang, obligado na akong magbus papasok at pauwi. Read the rest of this entry

St. Patrick’s Day @ Chicago

Occurred: Mar 17-18, 2012
Written: Mar 29, 2012

Nagpunta kami ng Chicago para sa celebration ng St. Patrick’s Day. Malaking celebrasyon ito sa eastern cities (New York, Boston, Chicago, etc) dahil sa dito ang concentration ng Irish immigrants. Trivia: Sa logo ng Boston Celtics sa NBA, makikita nyo ang Leprechaun, ung design ng dahon sa damit niya at ang kulay green. Lahat yan ay Irish influences.

From Minnesota ay nagbus lang kami. Nasa 444 miles at higit 9 hours ang byahe. Friday night kami umalis at Sunday afternoon kami sumakay pabalik. Roundtrip fare: $50. Not bad.

Read the rest of this entry

i’m a little alien, i’m an englishman in new york! – update II

Occurred: Feb 16, 2012
Written: Feb 16, 2012

May pizza party kami last week dito sa office. Dangan kasi’y kami ang nanalo sa aming paligsahan. Eto ang nauna at pangalawang kuwento ko tungkol dito. Andami naming pizza. Higit sampung malalaking pizza boxes yung nakita ko kanina sa lamesa. May mga soda rin. At eto pa: na-sweep din namin ang individual awards. May nanalo ng kindle fire, kindle touch, $25 amazon gift cards, etc. Ako? Sinadya kong liitan ang rating ko para di ako mapansin. Ayaw ko sa limelight.

Read the rest of this entry

i’m a little alien, i’m an englishman in new york! – update

Occurred: Jan 11, 2012
Written: Jan 11, 2012

Napansin ko na ito pero hindi ako umimik. Ano naman ang laban ko sa kanila since mag-isa lang akong Pinoy dito? It defeats our purpose kasi. I was hoping na huwag sana mapansin ng aming client ang ginawa ng aking mga ka-project.

Ang ginawa nila: Nagprint sila ng environment-friendly messages sa bond papers at idinikit everywhere! Andamee!

Sa mga cube namin: Unplug when not in use
Sa malapit sa CR: Conserve water (with colored illustrations!)

So kanina may meeting kami kasama ng mga clients. Ayun na. Narinig kong nagbubulungan ang dalawang clients namin (si Roy at isa nyang kasama) na nagsayang daw ng papel kasi andaming ni-print. Natatawang sumabat ang isa pa na “isn’t it ironic?” daw. Actually, hindi lang papel ang nasayang. Kasama din ang ink, kuryente, scotch tape at carbon footprint. Ang point ko, hindi na kami bata para mangailangan pa ng madaming (nagsusumigaw na) paalala na maging green-minded. Ako ngang isip-bata, naiisip ko to, sila pa kaya? Lols!

Di ko alam kung mahihiya or matatawa ako dahil sa “brilliant” na ginawa ng aking mga ka-project. Napangiti na lang ako nung naisip kong babawi na lang siguro mga kasama ko sa hindi nila pagligo.