Category Archives: music

Noche Buena

Occurred: College Days
Written: Dec 19, 2013

College student ako noon. Nasa jeep ako nung may mga batang nangaroling. Eto ang mga batang sumasampa sa mga jeep, kakanta at manghihingi ng mga barya.

Noche buena ang kinanta nila.

“Kay sigla ng gabi, ang lahat ay kay saya
Nagluto si Ate ng manok na tinola”

Hindi ko na matandaan kung ano ang iniisip ko noon. Bigla ko na lang sinagot ang bata nang wala sa loob ko.

“Buti nga kayo may handang tinola. Ako, wala pang allowance na dumarating.”

Nagtawanan ang buong jeep at ako ang pinagtatawanan nila. Hindi ko namalayan na napalakas pala ang boses ko.

At mabuti na lang mga bata ang nangangaroling. Kung may edad na sila, baka nagulpi ako.

end.

p.s. Salamat sa post ni Glentot dahil bigla kong naalala itong kuwentong to.

Advertisements

The Script Concert

Occurred: Oct 19, 2012
Written: Nov 20, 2012

Nabasa ko kanina ang balita na magkakaroon uli ng concert ang The Script sa Pinas sa March 31, 2013. Nanood ako ng concert nila dito sa Minneapolis last Oct 19. I tell you: they rocked! Kasama kong nanood ang officemate kong kano. Actually niyaya ko lang siya manood kasi hindi niya kilala ang banda. (Lately ko lang nalaman na marami rin palang kano ang hindi nakakakilala sa maraming famous artists. Tingin ko, mas diverse pa ang music knowledge nating mga Pinoy kesa sa marami sa kanila.) Pumayag siyang sumama nung sinabi ng kateam niyang Irish na magaling nga ang bandang yun. Okay din ang timing ng concert dahil kakarelease lang ng third album (#3) nila. Read the rest of this entry

Nagdasal din naman ako

Occurred: Sept. 23, 2012
Written: Sept. 23, 2012

Nagsimba kami kanina sa St. Mary’s Basilica. Oo na. Mahirap mang paniwalaan pero nagsisimba din naman ako kahit bihira lang. Hehe! Nakakatuwang magsimba dito dahil sa mga awiting kinakanta ng choir. Mula sa ibat-ibang bansa ang madalas nilang kinakanta. Nung minsan nga, may mga taga-Africa ang kumanta at sumayaw. Naka-tribal costume pa na may kasamang gong (o kalembang? :D). Parang United Nations lang. Read the rest of this entry

pag tumanggi ang babae…. awkwaaard!

Written: May 25, 2012

e sa natutuwa ako sa kantang yan eh! may magpropose din kaya sa akin ng ganyan? ahihihi!

Let’s get this party started!

Will Occur: 10 August 2011
Written: July, 2011

I’ve been waiting for the longest time for this to happen. At long last it will be happening tonight at the Big Dome. July pa lang, may ticket na ako. Korn! At front act pa ang Slapshock. Yey! I’m so excited I’m gonna die! Lols!

It’s about time to free my wild side tonight. Let’s get this party started!