Category Archives: trabaho

edi sunog tayo nun!

Occurred: Oct 9, 2013
Written: Oct 10, 2013

May fire drill kami nung isang araw dito sa aming sakahan. Pagtunog ng alarm, nagyaya ang dayuhang kasama ko.

x: let’s go to the basement/bunker quick!
spidey: aren’t we supposed to go outside?
x: but we went there last time.
spidey: ahm, that was a tornado drill
x: oh, my bad! hahaha!

sasagot sana ako ng “it’s okay” pero nadulas ako at nasabing: “at aking napatunayan na wala ngang kinikilalang nasyonalidad ang katangahan”.

lols!

Makibaka! Huwag matakot!

Occurred: July 22, 2013
Written: July 23, 2013

Kaninang umaga, marami akong mga nababasang mga facebook posts na tumutuligsa sa mga pulis sa nakaraang SONA. Mangyari ay marami daw mga nasaktang mga rallyista. Bakit daw nila sinasaktan ang mga nagrarally?

Ngayon pa lang sasabihin ko na dati rin akong kasama sa mga rallies noon. I’m proud that I was a part of many rallies before and during the overthrow of ERAP. Pero napansin ko rin na malaki ang pinagkaiba ng mga rallies noon at ngayon. Isa na diyan ang nangyayaring kaguluhan ngayon.

Ano nga ba ang rally o public demonstration? Ito ay ang pagpapahayag ng ating hinaing, reklamo, suporta, o mensahe sa ating pamahalaan. Ito ay enshrined sa ating Bill of Rights (article III ng ating 1987 consitution). Para mas malinaw:

Read the rest of this entry

Wala kayo sa lolo ko!

Written: March 28, 2013

During our lunchtime, me and my Indian officemates were discussing about vices (alcohol and smoking).

office mate 1: I have a relative in India. He smokes 6 packs a day. He died of stroke. He was only 57.
office mate 2: 6 packs a day!? I’m not surprised. 
office mate 3: Well, there are a lot of factors. Sometimes it’s genetics. On my mother side, almost all of my relatives reach 80, 90 plus. My grandfather smoked 4 packs a day and he was 90 plus years old when he died.
apollo: In my country, I know someone who didn’t smoke nor drink. He died very young. Around 20’s.
office mates: How did he die?
apollo: *in all seriousness* Suicide. *sabay subo ng rice with tinola*

I just had to say it. Di ko mapigilan eh. Or maybe that’s the tinola (my ulam) talking.

Work From Home

Occurred: Feb 11, 2013
Written: Feb 11, 2013

Higit isang taon na ako dito sa aming kliyente sa US pero nahihiya/maingat pa rin akong humingi ng permiso upang mag work from home (WFH). Hindi naman mahigpit ang aming kliyente sa mga ganito. Impak, napakaluwag nila. May mga empleyado sila (na kateam ko) na WFH ng 2-3 days sa isang linggo! Dahil nga sa kadahilanang sila ang nagbabayad ng serbisyo namin, ayaw ko namang umabuso. Ginagamit ko lang siya for emergency reasons gaya ng may hinihintay akong importanteng package from Amazon mag-aayos ng internet ko sa apartment, medyo masama ang pakiramdam, snow storm, etc. Isa pang dahilan kung bakit ayaw ko sa WFH ay dahil madaming tukso. Mas makakapagtrabaho (wow, trabaho talaga! Lols!) ako pag nasa opisina ako. I’m so afraid of myself really.

Read the rest of this entry

Let it snow, let it snow! – 2

Occurred: 2nd week of December, 2012
Written: Dec 16, 2012

Noong nasa Pinas pa ako sa dati kong trabaho:

Officemate: Magsuggest naman kayo ng theme sa Christmas Party natin.
Apollo: ahm.. Let it snow, let it snow!?

Ilang taon kong ipinilit yang theme na yan noon subalit lagi akong bigo. Ngayon ako nakarma. Read the rest of this entry

California Trip

Occurred: Aug 28 – Sept 3, 2012
Written: Nov 2/27, 2012

Last Aug – Sept, nagpunta kami sa California para mag-apply ng Canadian Visa. Plano ko kasing bisitahin ang tita ko sa Victoria BC sa pasko (napakalungkot ang pasko dito sa MN kapag nag-iisa ka). Mas madali kasi ang mag-apply ng visa dito kesa sa atin sa Manila. Mas maraming requirements at mas istrikto sila. Dito, kailangan mo lang ipakita na wala kang balak mag-TNT dun, okay ka na. 🙂

Ang Los Angeles ang isa sa visa processing ng Canada kaya dun kami nag-apply. Hindi pa kasi ako nakakarating dun kaya dun ko sila inaya. Nasa San Francisco din kasi ang kasama namin kaya malapit na lang sa kanila. Pagdating namin sa LA airport, nagrent kami ng SUV para may service kami sa aming pasyal. May mga officemates din kaming naka-assign sa LA kaya dun kami sa kanilang apartment nakituloy para tipid. Read the rest of this entry

US Presidential Election 101 – update

Occurred: Nov 7, 2012
Written: Nov 7, 2012

*Andito po ang nauna kong post tungkol sa election*

Tama uli ang hula analysis ko! Panalo si Barack Obama. 303-206 kasi di pa tapos ang bilangan sa Florida na may 29 electoral votes. Pero mas magaling si Nate Silver kasi tama ang prediction niya in 49 out of 50 states! Ang galing niya kasi may algorithm siyang ginagamit. Ako, sariling analysis o pagkakaintindi ko lang sa current issues (kagaya ng pag-analisa ko sa nakaraang impeachment judgement) kaya pwedeng pumalpak. Seriously, mas mataas talaga ang tsansang manalo sa election ng isang incumbent re-electionist. Saka hindi pa naman pinal yan kasi di pa tapos ang botohan ng electoral college. Sisiguraduhin na lang ng Democrats na loyal sa kanila ang mga electoral nominees nila. Hehe!

Read the rest of this entry