Special To Do List Series 2

Written: Aug 19, 2013

Sa susunod na pupunta ako sa airport dito sa Minnesota, eto ang magiging itsura ko. Tatambay ako sa arrival area tapos itataas ko ang papel na yan. This is my dress rehearsal in my room. Please pray for my soul. Lols!

IMG_20130814_195042

Makibaka! Huwag matakot!

Occurred: July 22, 2013
Written: July 23, 2013

Kaninang umaga, marami akong mga nababasang mga facebook posts na tumutuligsa sa mga pulis sa nakaraang SONA. Mangyari ay marami daw mga nasaktang mga rallyista. Bakit daw nila sinasaktan ang mga nagrarally?

Ngayon pa lang sasabihin ko na dati rin akong kasama sa mga rallies noon. I’m proud that I was a part of many rallies before and during the overthrow of ERAP. Pero napansin ko rin na malaki ang pinagkaiba ng mga rallies noon at ngayon. Isa na diyan ang nangyayaring kaguluhan ngayon.

Ano nga ba ang rally o public demonstration? Ito ay ang pagpapahayag ng ating hinaing, reklamo, suporta, o mensahe sa ating pamahalaan. Ito ay enshrined sa ating Bill of Rights (article III ng ating 1987 consitution). Para mas malinaw:

Read the rest of this entry

She sells sea shells by the sea shore

How come he doesn’t need subtitles!? Lols!

In love, as in gluttony, pleasure is a matter of the utmost precision – update

Written: June 21, 2013

Time flies when you’re having fun. Masaya at bitin ang aking aking bakasyon. Tagumpay ang aking hit list. Pati ang sinigang na corned beef at fried kesong puti ng Sentro ay natikman ko rin. Mangyari ay pinapaitan lang ang hindi ko nakain.

Ngayon balik ako sa:

  • noodles (lucky me noodles from asian store)
  • spam o spam with egg (specialty ko. lols!)
  • fried rice at pho (sa vietnamese restaurant malapit sa aking apartment)
  • fried bangus (na nabibili ko sa asian store)
  • canned soup (na pinapapainit ko sa microwave)
  • chicken nuggets
  • hotdogs / corn dogs
  • cheeseburger with tater tots (sa office cafeteria)
  • at iba pang mga microwaveable na pagkain.

Nakakakain naman ako ng iba (at masarap na) lutuin pag nagkayayaang kumain sa labas. Pero yan ay kung sinipag akong lumabas.

Marami ang nagtatanong kung nagsasawa daw ba ako sa mga ganyang pagkain? Sabi ko hindi. Saka wala akong karapatang magreklamo kasi hindi ako marunong magluto. Hanggang prito at laga lang ang alam ko. Inuulit ko, hindi ako nagrereklamo. $&%#%$!

Mag-aasawa talaga ako ng lima para kahit tatlo lang sa kanila ang marunong magluto, solve na. Lols!

In love, as in gluttony, pleasure is a matter of the utmost precision

  • sisig (sisig hooray, congo grill, etc…)
  • crispy pata (max’s, etc…)
  • jabi thigh part (i love that damn dark side meat!)
  • dinuguan
  • mang inasal
  • chicboy
  • yakimix
  • sinigang na bangus belly (max’s)
  • pork sinigang (yung may taba!)
  • pork nilaga
  • sinampalukang manok
  • pinapaitan (sisang’s, solano)
  • bulalo
  • tinola
  • mr siomai
  • longganisa
  • longsilog
  • tapsilog
  • nestea iced tea
  • sea foods (dampa, roxas city – my tatay is from capiz so i’m an aswang.)
  • barbeque sa solano
  • pansit sa solano
  • fish balls sa solano (alam nyo ung fishball stalls sa tabi ng robinsons galleria? ala eh, duon ako nagtae!)

bring it on cholesterol! tama na muna ang pagmaintain ng figure. hihi!

The Night I Almost Died 3: Episode 2

Basahin ang episode 1 dito.

Ang ginawa ni Cyril, dumiretso siya sa bahay ng tito niya malapit sa plaza. Paghinto, takbo agad sila ng pinsan niya sa bahay at kumatok ng pagkalakas lakas para magising agad ang tito nila. Bukod pa siyempre sa pagtili pagsigaw ng malakas. Saktong nagising ang tito niya nung dumating ang mga tanod. Mahigit lima ata yung mga tanod na humahabol sa amin. Read the rest of this entry

The Night I Almost Died 3: Episode 1

Occurred: High School Days
Written: April-May, 2013

Mga tauhan:
apollo
Cyril
Allan
Joe
Michael
Rogelio
Godi

Nagninilay nilay ako nung bigla kong naalala ang nangyari sa amin noong high school ako. Akalain niyo bang muntik na rin kaming mamatay noon? Looking back now, naiisip ko tuloy na masama nga siguro akong damo dahil hanggang ngayon buhay pa rin ako. Lols! Read the rest of this entry