Desalination

Occurred: Nov 2013
Written: Nov 12, 2013

  • Problema: Walang tubig na mainom ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda o ng lindol sa Bohol
  • Solusyon: Portable desalination plants
  • Ano ang desalination plant? Eto ay isang kagamitan na nagtatanggal ng asin mula sa tubig dagat upang ito ay pwedeng mainom ng mga tao. Papasok ang tubig dagat sa makina, ito’y maproproseso at voila! Paglabas ng tubig, pwede ng inumin ng tao ang tubig. Ito ang ginagamit ng mga malalaking barko at aircraft carriers ng US dahil nagtatagal sila ng ilang buwan sa laot. Ginagamit din siya ng mga bansang gaya ng Saudi Arabia.

Ito ay akmang akma sa ating bansa na binubuo ng mga isla. Tacloban? Bohol? Cebu? Zamboanga? Malapit lang ang dagat para maset up ang equipment na ito. Dahil portable, madali lang silang madala at matanggal sa mga baybayin ng mga nasalantang lugar.

Mahirap at magastos ang magbyahe ng tubig mula Manila (o Cebu). Mabigat ang tubig. Imbes na pagkain na lang ang pinapadala, nakakaagaw pa ng espasyo at bigat ang mga mineral water. Isa pa’y nakakadagdag polusyon ang mga container ng tubig. Maraming plastic containers ang hindi na kailangan pang magamit at itatapon lang pagtapos mainom ang tubig.

  • Magkano ang portable desalination plant? Sa aking matimtimang pagsaliksik (naks!) ang isang equipment na nagkakahalaga ng 5 milyong piso ay nakakagawa ng 227,125 litro (60,000 gallons) ng tubig sa isang araw. Tingin ko ay kayang kaya ng dalawang ganito ang pangangailangang tubig ng buong Tacloban sa araw araw.

Kayang kaya yan ng ating gobyerno. Pwedeng sa DSWD, DILG at maging sa presidential fund manggaling ang pondong pambili dito. Kung sasabihin nilang walang pondo, pwede pa ring manggaling sa donasyon ibinigay sa atin ng ibang bansa. Sa laki ng mga donasyong ibinigay, kayang kaya na nating bumili ng kahit lima o sampung piraso. Hindi ko pa alam kung paano naproproseso ang mga perang donasyon pero sigurado akong posible ito.

  • Anu ano ang kailangan? Desalination equipment, tubig dagat, kuryente at political power. Kung walang kuryente, kayang kaya itong patakbuhin ng mga generator.

Mapunta naman tayo sa political power. Bakit political power? Maniniwala ba kayong ako lang ang nakaisaip ng solusyong ito? Pwedeng matagal nang naisip ng gobyerno (noon at kasalukuyang administrayon) ito pero ayaw lang nilang gawin. Marami kasing mga pulitiko ang may kaibigan/kumpareng may malalaking negosyo ng mineral water. Ganito ang kalakaran diyan kids: lobbying. Kunyari ako ang may-ari ng abc mineral water company. Lalapitan ko ngayon ang sinumang nakaisip ng ganitong ideya at akin siyang kakausapin.

x: Boss, nabalitaan kong bibili daw kayo ng portable desalination plants.
y: Oo, kailangang kailangan ng ating mga kababayan yan lalo nat lagi tayong binabagyo. Malaking ginhawa yan sa kanila.
x: Magkano naman boss ang ganung equipment?
y: Nasa limang milyon ang isang piraso. Balak kong ipropose kay presidente na bumili ng kahit sampung piraso para madaling maikalat sa mga lugar na sinalanta ng mga sakuna.
x: Ganun ba? Boss pwedeng saka na lang kayo bumili ng mga ganyan? Maapektuhan ang mineral water business ko. malaki kasi ang kinikita namin tuwing may sakuna dahil laging kontaminado ang water sources sa mga nasalantang lugar. Imbes na bumaba ng 20 milyong piso ang kita ko, ibibigay ko na lang sa inyo ang 10 milyong piso. Kung hindi niyo na itutuloy ang planong iyan, magdadagdag ako 10 milyon pa sa sunod na election.
y: Now we’re talking!
x: Don’t worry boss. Kapag may sakuna, bababaan naman namin ang presyo ng mga mineral water namin.
y: E kung kausapin mo ang lahat ng may mineral water business. Baka gusto nilang magdagdag? Bawat isa sa kanila kamo ay magbigay ng tigsampung milyong piso. Tapos kahit limang milyon na lang ang ibigay mo. Kapag nagawa mo yan, makakaasa kang wala kang makikitang desalination plant na makakarating sa bansang ito.
x: Ayus boss! Sige kakausapin ko sila.
y: Tandaan mo, ikaw lang ang kausap ko dito. pag nakarating sa media to, pwedeng pwede kong ideny na kilala kita.
x: Masusunod boss! Ngayon pa nga lang hindi ko na tanda ang pangalan niyo eh. *tatanggi pa ba ako kung alam kong makakatipid ako ng 15 milyong piso?*

Mabuhay!

Advertisements

Posted on November 13, 2013, in corruption 101, current events, fyi, good news, i'm green-minded, politics, spur of the moment, thoughts to ponder, world issues. Bookmark the permalink. 9 Comments.

  1. natawa ako sa sarili ko nung binasa ko yung umpisa. akala ko halaman yun pala planta ang ibig sabihin ng plants.

  2. nice post!!! and very true.. Panu ba natin masisiguro na ang mga donations na galing sa ibang bansa e mapupunta talaga doon sa mga nasalanta? not unless direct na dinadala doon. pag dadaan pa sa gov’t, for sure may kaltas, if wala naman aako-in nilang sakanila galing…

    • honest answer: hindi natin masisiguro. actually kahit hindi sa gobyerno ipadala, di pa rin mabibigay ng buo yung donations. malaki din kasi ang gastos sa logistics at operating costs. sabi nga nila, there’s no such thing as free lunch. wala tayong magagawa. that’s how it works.

  3. iba ka talaga, pre. lupet mo mag-isip. pag tumakbo kang senador, sama mo ‘kong campaigner. walang talent fee! hehe. kumusta, ser? winter is coming back to me now sabi ni celine dion. lels!

    • oy pre! kamusta na? naka-adjust ka na sa lamig jan? negative na din dito mula nung nov. kakainis! lumiliit pututoy! lols!

      • naglalaro na sa -20 to -30 dito. okay pa naman. nag-eexpect ako ng super lamig pero wala pa eh; makunat na ata mga butu-buto ko. lol! ang ayoko lang eh lagi akong tulo-uhog pag naglalakad sa labas. hehe.

  4. so far may naimbento na daw na desalination tube. pwedeng-pwede per household kase maliit lang sya. Di ko nga lng alam ang price.

    Narinig ko yon sa isang officemate during sa relief operation namin sa bohol.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: