Monthly Archives: September 2012

Nagdasal din naman ako

Occurred: Sept. 23, 2012
Written: Sept. 23, 2012

Nagsimba kami kanina sa St. Mary’s Basilica. Oo na. Mahirap mang paniwalaan pero nagsisimba din naman ako kahit bihira lang. Hehe! Nakakatuwang magsimba dito dahil sa mga awiting kinakanta ng choir. Mula sa ibat-ibang bansa ang madalas nilang kinakanta. Nung minsan nga, may mga taga-Africa ang kumanta at sumayaw. Naka-tribal costume pa na may kasamang gong (o kalembang? :D). Parang United Nations lang. Read the rest of this entry

Advertisements

goan

This made my day today.  I need to repost this. I need to. His genius should not be ignored. All hail this guy!

Source: 9gag

Ayan ka na naman!

Written: Sept 8, 2012

Your Excellency, Sir President. May tanong po ako. Kilala niyo po ba sina:

  • Imelda Marcos?
  • Chavit Singson?
  • Mike Arroyo?

Parang kagaya po ata sila ng shooting buddy niyo. Buksan niyo mata niyo. Malaki ang potensiyal niyang siya ang hihila sa inyo pababa. Kaya parang awa niyo na po paimbestigahan niyo. Yung “transparent” ha? Tapos KUNG may kasalanan, tanggalin niyo na rin agad. Hanap na lang kayo ng bagong shooting buddy, este.. bagong apointee.

Hindi po ako kaaway ng administrasyon niyo. Isa ako sa mga humahanga at bilib na bilib sa mga pagbabagong nangyari sa ilalim ng inyong panunungkulan. Tanga at nagmamaang-maangan ang magsasabing hindi umaangat ang ekonomiya natin ngayon. Kaya naman medyo nababahala ako dahil nagbabalik na naman sa limelight ang inyong shooting buddy. Nakakalungkot naman kung mawawalang-bahala lang ang mga magandang nagawa ng inyong pamumuno. Yun lang po at magandang araw sa inyo diyan sa “May Lakan Diyan”. Miss ko na mamasyal diyan. Bati po tayo ha…

Lubos na gumagalang,
Isang poging salbaheng taxpayer

Sa ibang makakabasa, ipagdasal po ninyo ang aking kaluluwa.

Amen.