Monthly Archives: December 2012

Delta 5850

Occurred: Dec 22, 2012
Written: Dec 24, 2012

6am. Maagang dumating ang super shuttle para sunduin ako sa apartment.

620am. Minneapolis Airport. Checked-in. The usual rigid US security as ever. Buti na lang talaga mukha akong mabait kaya smooth sailing sa akin. 😀 Read the rest of this entry

Let it snow, let it snow! – 2

Occurred: 2nd week of December, 2012
Written: Dec 16, 2012

Noong nasa Pinas pa ako sa dati kong trabaho:

Officemate: Magsuggest naman kayo ng theme sa Christmas Party natin.
Apollo: ahm.. Let it snow, let it snow!?

Ilang taon kong ipinilit yang theme na yan noon subalit lagi akong bigo. Ngayon ako nakarma. Read the rest of this entry

December 21, 2012

Kamtutinkopit (Come to think of it). Halos lahat ay nagsasabing hindi totoong doomsday na sa December 21, 2012. So nagtataka ako ngayon kung sino ang sinisita natin. Mukha namang walang naniniwala eh. Tayo lang ang nagsasabing meron. Are we making fun of ourselves then? Nakikiuso lang ang peg? Lols!

Happy Christmas Manny!

Occurred: During Pacquiao-Marquez 4 fight (Dec 8-9, 2012)
Written: Dec 9, 2012

Andito ako ngayon sa apartment ng officemate ko. Nakaugalian na namin na magkakasamang manood tuwing may laban si Manny Pacquiao. Una, parang get together na rin namin. May pot luck kaya siguradong busog sa pagkaing Pinoy. Isa pa, hati hati din kami sa bayad sa pay per view ng laban.

Ang dinner namin kanina: pork sinigang, adobong sitaw at roasted chicken. May letse leche flan at pakwan din kaming dessert. Saraaap! Dami kong nakain. Hehe.

IMG_1304

Read the rest of this entry

ROTC / CMT: demitkadit!

Occurred: College days
Written: Nov 28/29, Dec 3, 2012

Background: Noong high school ako, naging officer ako ng CAT. Third year pa lang ako noon nung nag-apply ako maging officer. Tuwing sabado ng madaling-araw hanggang hapon ang training namin. Martsa lang kami ng martsa. Ang pahinga namin, tikas pahinga paharap sa araw. Nilalagyan pa ng isang dangkal na tingting ang leeg namin para masiguradong nakatingala kami sa araw (nakaipit ang tingting sa pagitan ng baba at leeg). Hindi kami makakayuko kasi matutusok ang lalamunan namin. Kung minsan naman, pinagpupush-up kami hanggang sa di na namin kaya at nakadapa lang kami sa initan. Keri lang naman mga pahirap nilang yan kasi iniisip ko noon, ganun talaga ang training ng mga sundalo. Isa pa challenge na rin. Read the rest of this entry