Monthly Archives: November 2012

California Trip

Occurred: Aug 28 – Sept 3, 2012
Written: Nov 2/27, 2012

Last Aug – Sept, nagpunta kami sa California para mag-apply ng Canadian Visa. Plano ko kasing bisitahin ang tita ko sa Victoria BC sa pasko (napakalungkot ang pasko dito sa MN kapag nag-iisa ka). Mas madali kasi ang mag-apply ng visa dito kesa sa atin sa Manila. Mas maraming requirements at mas istrikto sila. Dito, kailangan mo lang ipakita na wala kang balak mag-TNT dun, okay ka na. ūüôā

Ang Los Angeles ang isa sa visa processing ng Canada kaya dun kami nag-apply. Hindi pa kasi ako nakakarating dun kaya dun ko sila inaya. Nasa San Francisco din kasi ang kasama namin kaya malapit na lang sa kanila. Pagdating namin sa LA airport, nagrent kami ng SUV para may service kami sa aming pasyal. May mga officemates din kaming naka-assign sa LA kaya dun kami sa kanilang apartment nakituloy para tipid. Read the rest of this entry

Advertisements

The Script Concert

Occurred: Oct 19, 2012
Written: Nov 20, 2012

Nabasa ko kanina ang balita na magkakaroon uli ng concert ang The Script sa Pinas sa March 31, 2013. Nanood ako ng concert nila dito sa Minneapolis last Oct 19. I tell you: they rocked! Kasama kong nanood ang officemate kong kano. Actually niyaya ko lang siya manood kasi hindi niya kilala ang banda. (Lately ko lang nalaman na marami rin palang kano ang hindi nakakakilala sa maraming famous artists. Tingin ko, mas diverse pa ang music knowledge nating mga Pinoy kesa sa marami sa kanila.) Pumayag siyang sumama nung sinabi ng kateam niyang Irish na magaling nga ang bandang yun. Okay din ang timing ng concert dahil kakarelease lang ng third album (#3) nila. Read the rest of this entry

Lotto

Occurred: A few years in the past
Written: Nov 9/11, 2012

9pm. Excited kong binuksan ang tv dahil bola na ng lotto. Gaya ng nakagawian ko araw araw, bumili uli ako ng tiket sa lotto para sa bola ngayon. Sino naman ang hindi bibili e tumataginting na higit isandaang milyon ang jackpot prize. Kahit saang lotohan, mahaba ang pila. Laman na rin siya ng mga balita ngayon. Excited ang lahat malaman kung may mananalo. Read the rest of this entry

US Presidential Election 101 – update

Occurred: Nov 7, 2012
Written: Nov 7, 2012

*Andito po ang nauna kong post tungkol sa election*

Tama uli ang hula analysis ko! Panalo si Barack Obama. 303-206 kasi di pa tapos ang bilangan sa Florida na may 29 electoral votes. Pero mas magaling si Nate Silver kasi tama ang prediction niya in 49 out of 50 states! Ang galing niya kasi may algorithm siyang ginagamit. Ako, sariling analysis o pagkakaintindi ko lang sa current issues (kagaya ng pag-analisa ko sa nakaraang impeachment judgement) kaya pwedeng pumalpak. Seriously, mas mataas talaga ang tsansang manalo sa election ng isang incumbent re-electionist. Saka hindi pa naman pinal yan kasi di pa tapos ang botohan ng electoral college. Sisiguraduhin na lang ng Democrats na loyal sa kanila ang mga electoral nominees nila. Hehe!

Read the rest of this entry

Ang sarap lumipad!

Occurred: Aug 31, 2012
Written: Nov 2, 2012

Marky: Kelan mo balak mag-apply ng Canadian visa?
Apollo: Kayo, kung kelan niyo gusto.
Marky: Saan lang ba pwede mag-apply?
Apollo: Either sa Los Angeles, New York, Seattle o Detroit lang pwedeng mag-apply. Dun lang kasi ang visa processing centers nila.
Marky: Sa LA na lang tayo
Apollo: May Six flags ba dun?
Marky: Meron.
Apollo: E ano pang hinihintay natin? Tara na!

Nasabi ko dito na gustong gusto kong sumakay sa mga rollercoasters. Kaya nung nagpunta kami sa California last Aug 28 – Sept 3, hindi na ako nag-aksaya ng panahon para makapunta rito. Mga 40 minutes drive siya from LA. Sabi ko nga sa mga kasama ko, kahit hindi na ako makarating sa Hollywood o Universal Studios basta makarating ako sa six flags, masaya na ako. Laking pasasalamat ko at napagbigyan naman ako. Hihi!

Read the rest of this entry