Anak, kumain ka na?

Occurred: Feb 4, 2011
Written: June 25, 2012

Napapansin ko masyado ng bine-baby ang mga kabataan ngayon.

Case in point: Nasa Pinas ako last year nung makausap ko ang aking very big boss. Nagsosorry siya kasi nalate siya ng dating sa meeting namin. Sinamahan pa daw niya kasi na magpaenroll ang kanyang anak sa Ateneo. Tinanong ko kung elementary o high school. Nashock ako kasi college na daw. Ganun na ba sila kadependent sa magulang?

Dahil siguro sa dis-appointment kung kaya nagsabi ako ng niloloob ko. Sinabi ko sa kanya, mula nung grade 2 ako, ako na ang nag-eenroll sa sarili ko. Partida pa yun kasi transferee ako noon (sa Quirino province kasi ako nag grade 1). Bitbit ko ang aking card (form 137 ata ang tawag, kung hindi ako nagkakamali), nagtanong ako kung saan ang section 1 o star section ng grade 2, iniabot ang card sa teacher, sumagot ng ilang tanong ng teacher at voila! May bago na akong school.

Syempre, nagulat ang boss ko sa kuwento ko. Hindi ko rin alam kung nakuha niya ang gusto kong sabihin (subconsciously) sa kanya. Sana rin, hindi ko siya naoffend noon dahil unang una, concern lang ako sa kanya lalo na sa kanyang anak.

Mahigit isang taon na pala yun. Naiisip ko tuloy kung sinasamahan pa rin kaya niya ang anak niya?

Wala akong matandaang nagpaturo ako sa magulang ko ng aking mga aralin sa klase. Self-study lang ako madalas. Hindi rin ako umasa sa aking gastusin at tuition. Mahaba pa sanang lilitanyahin ko pero sa ibang kuwento na yun.

Bow.

Posted on June 28, 2012, in school stories, spur of the moment, thoughts to ponder. Bookmark the permalink. 22 Comments.

  1. Abangan ko ‘yung “ibang kwento na yun” paano mo tinaguyod ang sarili.. Nakakabilib.. 😉
    Good day…

  2. uyy pre ganyan na ganyan ang sentimyento ko! masyadong spoon feeding ang mga bata ngayon samantalang noon ay bibihirang samahan tayo ng mga magulang natin… ang hirap turuan ng mga kabataan ngayon.. yung anak ko ngang panganay eh grade 3 na at pinipilit kong maging independent… at tama ka.. form 137 nga yun… ehehehehehe

  3. Naalala ko yulot yung kapitbahay namin na hindi na nakapag-aral ng elementarya dahil ayaw nyang hindi sya sinasamahan ng mama nya sa school..

  4. onga pre. related ang posts natin today ah. itinaon ng tadhana. hahahaha. mahirap nga pag nakakahon na masyado. nababawasan ang creativity ng mga bata kaya imbes na makatulong, mas malambot pa ata paglaki. hindi sa sinasabi natin na pahirapan sila pero sana, bigyan sila ng laya para matuto rin na kumilos at magisip para sa sarili. apir!

  5. hahhaha…

    Madalas ang ayaw pumila sa enrollment at nagdedemand ng kung ano ano ay mga magulang!

    Syanga pala, puro kolehiyo ang hawak namin dito

    sakit sa bangs!

    hihihi

  6. katrinadanieles

    ah basta ako proud ako na kaya ko ng umuwi mag-isa nung gade 1 ako. hahah. :)) eh asan na yung kwento mo about pagtaguyod ng sarili?:) pwede nang mabasa? 🙂

    • ako din, pumapasok at umuuwi akong mag-isa nung grade 1 ako. kahit na ibang lugar yun sa kinalakhan ko.

      naku, di ko pa nasusulat eh… medyo busy. knowing you, makakarelate ka tyak. 🙂

  7. parang nakapag-comment na ako dito? pero di umapir? na-spam na ata.

  8. eh di ikaw na ang independent. hehe. nung grade 1 ako, kamuntik na ‘kong matae sa salawal. mabuti umabot pa ‘ko sa bahay. o eh hindi ba ‘yun ang topic dito? sori na please.

  9. Hmmmm.. Hindi ko kayang bigyan ng judgment ang post na ito, dahil ako, inaamin ko, na nung college ay sinasamahan pa din ako ng aking nanay when it comes to enrollment. Pero may solid syang dahilan – baka madukutan ako ng tuition fee pagpunta ng school. Full payment kasi kami palagi para wala nang poproblemahin. May mga cases na din kasi dati sa school namin, na malapit na lang sila sa school, biglang nananakawan ng perang pang tuition fee.

    Pero may mga estudyante lang talagang bine-baby talaga. Yung tipong gamit na gagamitin para sa project, parents pa ang bibili. That’s too excessive.

Leave a reply to apollo Cancel reply