The Night I Almost Died 3: Episode 1

Occurred: High School Days
Written: April-May, 2013

Mga tauhan:
apollo
Cyril
Allan
Joe
Michael
Rogelio
Godi

Nagninilay nilay ako nung bigla kong naalala ang nangyari sa amin noong high school ako. Akalain niyo bang muntik na rin kaming mamatay noon? Looking back now, naiisip ko tuloy na masama nga siguro akong damo dahil hanggang ngayon buhay pa rin ako. Lols!

Katatapos lang ng high school graduation nung magkayayaan na magpunta kami sa hacienda probinsiya ng isa naming barkada. Celebration daw namin for the graduation. Masaya din kasi sila dahil nga pinaakyat ko sila sa stage nung nag spits speech ako nung aming pagtatapos. Sabihin na nating mga “teacher’s pets” ang ilan sa aking mga barkada noon kaya malaking bagay sa kanila (maging sa kanilang mga magulang) ang makatuntong sila sa entablado. Sa akin naman kasi, gusto ko ring iparanas sa aking mga kaibigan ang pakiramdam ng umakyat ng entablado sa harap ng buong school population. Bukod pa diyan syempre na mapabatid sa lahat ang aking pasasalamat sa kanila.

Mabalik tayo. Malawak ang lupain ng pamilya nila Cyril sa Brgy. Planas, Ramon, Isabela. Sabi nga ng kanyang lolo, kung ano ang maaabot ng mata mo, kanila yan. Haha! Impak, ang buong baranggay ay donation ng kanilang pamilya. Dangan kasi ay nilubog ng Magat Dam ang dati nilang baranggay kaya lahat ng naapektuhan ay pinalipat nila sa kanilang lupain at yun ang ginawang bagong baranggay.

Pagdating namin doon ay nagkayayaan at ipapakilala daw kami ni Cyril sa kanyang mga kababata doon. Kaso, pagpunta namin sa mga bahay nila ay puro sila wala. Bakasyon na nga kasi noon kaya karamihan sa kanila ay nagbakasyon sa ibang lugar. Para naman daw di sayang ang lakad namin, dinala kami ni Cyril sa ibang grupo ng mga kabataan. Mga ifugaos.

Little background: Sa lugar namin may konting (konti is a conservative word) hidwaan ang mga ilokano at ifugaos. Isa sa pangunahing dahilan neto ay ang pang-aagaw ng lupa ng mga ifugaos. Alam naman ng lahat na sila ay galing sa Ifugao province pero paunti unti silang nakakarating sa aming  mga bayan at bigla na lang nilang sasabihing kanila ang lupang tinitirikan ng bahay nila. Alam ko yan dahil naagawan na rin kami. May lupain ang lolo ko sa bundok na taniman niya ng mga prutas. Biglang dun nanirahan ang isang grupo nila at pilit na tinataboy ang lolo sa kabila ng meron kaming titulo. Ang sagot nila sa lolo ko: “Iyo ang papel pero amin ang lupa.” Hinayaan na lang namin sila kasi ayaw namin ng gulo at alam ng karamihan na mga bayolente sila. Baka kasi bigla na lang ilibing ang lolo ko sa bundok at pangalan na lang niya ang bumalik sa amin. Pwera biro. Totoo yan.

Kaya naman nung dalhin kami sa lugar ng mga ifugaos kina Cyril, malaki ang agam agam namin. Di ko tanda kung kasal o lamay yung napuntahan namin noon. Halos lahat sila pinagtitinginan kami. Dahil napasubo na siguro si Cyril kaya lakas loob na lang siyang pinakilala kami. Buset kasi ang iba kong kabarkada. Sa kagustuhang makakilala ng mga dalaga, sa mga ifugaos sila dinala.

Ako naman noon ay hindi umiimik. Nakikinig lang ako habang sila’y nakikipag-usap. Ni hindi nga ako tumikim ng mga pagkain nila dahil takot at naniniwala pa ako sa kulam-shit noon. Mahirap na di ba?

Awkward na awkward ang pakiramdam namin noon maliban kay Lyndon. Tuwang tuwa siyang nakikipagkuwentuhan sa kanila. Naging close pa nga ata sila nung isang dalaga. Hehe…

Hatinggabi na nung maisipan naming umuwi kina Cyril. Dala namin ang tricycle nila. Bukirin ang lugar kaya madilim ang daan. Nung nakarating kami sa may plaza nila, biglang may pumito sa amin. Mga baranggay tanod. At puro sila Ifugaos. Noong unang mga pito, hindi namin sila napansin dahil nga maingay ang huni ng mga kuliglig bukod pa sa kinakantyawan namin si Lyndon noon dahil may gelpren na syang Ifugao. Lols!

*Lahat po ng dialogs ay sa lenguwaheng french ilokano. Nitranslate ko na lang.
Joe: Hala! May pumipito ba sa atin?
Cyril: Lagpas na kasi tayo sa curfew.
Lyndon: Ha!? Bakit hindi mo sinabing may curfew pala dito!?
Cyril: Wala yan! *sabay patakbo ng mabilis*

So hindi nga kami huminto. Ang kaso, paikot ang kalsada nila dahil nasa plaza nga kami. Ayun, hinabol kami ng mga tanod.

Tanod 1: Hoy hinto! Hinto!
Michael: putang-ina! Andiyan na sila.
Tanod 2: Putang-ina! Minumura tayo! Habulin niyo! Habulin niyooooooo!!!
Tanod 3: Harangan nyo sa kabila!
apollo: Huy! Huminto na tayo!
Cyril: Hinde! Akong bahala! *lalo pang binilisan ang pagpapatakbo*
Godi: *nagising sa ingay* Anong nangyayari!?
Allan: Adventure pre!

Nakapanood na kayo ng prison break? Parang ganun ang eksena. Lokal version nga lang. Habang hirap na hirap tumakbo nung tricycle (walo kaming nakasakay kasama ang isang pinsan ni Cyril) sa lubak lubak na daan, hinahabol kami ng mga tanod. May mga flash lights pang nakatutok sa amin. Ganito ang scenario noon. Presenting (again!) my super duper great drawing skill. Hehe…

tricycle chase

As usual, abangan ulit ang susunod na kabanata. Ang haba na eh. 😀

Posted on May 3, 2013, in funny experiences, kalokohan, lakwatsa, solano. Bookmark the permalink. 20 Comments.

  1. Hehehehehe, napipiktyur ko! An saya! Eto namang si Cyril, napaka-daredevil naman!

    Darsem nga aramiden ajay part 2 anya? 😀 Maka-ayat kamin!

  2. oo masaya talaga siya. in fairness kay Cyril, may tension nga sa pagitan ng mga ilokano at ifugaos kaya ayaw niyang magpahuli sa kanila. sigurado kasi siyang pag-iinitan kami ng mga tanod na yun.

    wen ading. aguray ka lang bassit. tama ba ako? medyo buyoy kasi ako sa ilokano. 😀

  3. Andami mong gantong eksena ah.. bitin pa yun kuwento, yun part 2 naka-page not found pa, haha.. bilisan mo pag-update 🙂

  4. dapat bumaba siya sabay sabing “mga alipin, di nyo ba ako nakikilala? gusto nyo bang palayasin namin kayo?” Lols.

    pero katakot na adventure yan. at yung background about ifugaos and ilocanos, nakakatakot ah. matindi pa sa rido yan kasi hindi lang pamilya kundi ethnicity na ang usapan. pero totoo yan kasi kahit sa min sa Antipolo, kahit pa nasa moderno nang takbo at malapit pa sa Maynila, marami pa rin land grabbers.

    • camtutinkopit, hindi naman ethnicity dapat ang alitan kaso ugali nila yun sa lugar namin. hindi tuloy maiaalis na maibigay ang land grabber label sa buong lahi nila.

  5. hahaha.. bakit lagi ka nalang may mga buwis buhay na pangyayari sir? hahaha. ang kulit naman nito..

  6. Para kang si Ryan Seacrest kung mambitin! Har.

    • Mahaba na kasi ung nasulat ko kaya hinati ko. Don’t worry po at ipopost ko na sya mamayang gabi pagbalik ko sa hotel. Nasa gala lang. Hello from san diego, ca! *kaway kaway*

  7. anrinig talga yung mura nung kasama niyo ng mga tanod? hahahha

  8. nung nagkakaroon ng habulan, naririnig ko yung habulan theme.. yung ginamit sa benny hill show or sa mga comedy na pinabibilis..

    at engineer ka nga.. drawing pa lang, alam ko na.. ganyandin kasi drawing ko.. ehehehehe

    • Ay sayang di ako familiar sa benny hill show. Pwedeng napakinggan ko na un siguro. May natutunan din ako kahit konti sa mga bading na instructor ng drawing 101 to 104. Hehe! Apat na semesters ba naman. Ewan na lang kung walang matutunan dun. High five! Hehe

      • post ko yung audio na yun sa sususnod kong post…

        at oo nga.. 4 na semester ng drawing.. si cinco ba naging instructor mo? o masyado ng alamat yun?

        apir!

        • Si del rosario lang tanda ko. Bading sya. Tapos bading uli ung next 2 sems. Yung huli lalake pero laging lasing pag pumapasok sa klase. Ung assignments kong templates noon, pinagawa ko sa kapatid kong high school. Pasado naman. Lols!

  9. natatawa ako kaso di pa ako makapag move on sa susunod na episode kasi nsa trabaho ako.. etong trabaho talaga istorbo sa pagba-blog..

Leave a reply to Rogie Cancel reply